7 : New kind of Burn

Start from the beginning
                                    

"Teka kukuha lang ako ng baon mo," aniya kaya naman mabilis ko siyang pinigilan.

"'Wag na po, may trabaho naman ako. Una na ako," paalam ko na lang.

"Ba't iika-ika ka? Okay ka lang?" tanong ni Mama kaya nahinto ako sa paglalakad.

"Yeah. Just a little tired from hiking." I shrugged and lied flawlessly. 


Paglabas ko ng gate, nagulat ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Mabilis akong napalingon.

"Burn?" Nagulat ako at labis na nagtaka nang makita ko siyang nakatayo sa kabilang kalsada. Kumaway-kaway pa siya sa akin habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha.

Tumawid siya ng kalsada at lumapit sa akin, hindi natanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Ibang-iba ang Burn ngayon. May kakaiba sa ngiti niya. Sobrang gaan at sobrang maamo. Kung hindi ko lang kilala si Burn, aakalain kong sobrang inosente niyang nilalang.

Last night was the first time I saw him smile... genuinely. Truth be told, it was a smile that I couldn't explain.

"Savannah! Hi!" Bati niyang muli sa akin. Pangiti-ngiti habang nagkakamot ng ulo na para bang nahihiya. 

Kinilabutan ako bigla sa kilos ni Burn. Dahil ba 'to sa nangyari sa kanya kagabi? Sobrang lakas ba ng pagkakabagok niya at naalog ang utak niya? May kinalaman ba dito ang near-death experience niya kagabi?

"Hi?" Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko pa rin naiwasang ngumiwi. Naglakad na lang ako.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Burn na humabol sa akin sa paglalakad.

"I should ask you that. You almost died last night. I even thought you were dead." Napatingin ako sa kanya at lalo pa akong nagtaka nang mapansing pareho pa rin ang suot niya kagabi. Oo nga at may benda na ang kanyang noo at naka-cast pa ang kanyangbraso, pero may bahid pa rin ng natuyong dugo ang kanyang braso at brown denim jacket.

"Hindi ka ba umuwi sa inyo?" tanong ko.

"Sinundo ako ng mag-asawa, dinala ako sa kanilang tahanan pero ayoko doon," aniya kaya mas lalo pang nakunot ang noo ko.

"You mean your parents?" Napasinghal na lang ako. "I wonder if your parents even know you sell drugs," bulong ko sa sarili dahil sa inis.

"Drugs?" tanong niya kaya tuluyan ko siyang sinamaan ng tingin. 

Kung makatanong akala mo kung sinong inosente! Eh siya nga ang nagbebenta ng drugs sa Papa ko!

"M-may kasalanan ba ako?" Inosente niyang tanong sabay turo sa kanyang mukha. Wait is he being sarcastic?!

"Wow ha? Hiyang-hiya ako sa'yo!" Kung hindi lang talaga ako hirap sa paglalakad, nag-walk out na ako. 

"Savanna 'wag! 'Wag kang mahihiya sa akin!" Mabilis siyang umiling-iling habang nakaawang ang labi. 

Nahigit ko ang hininga dahil sa sobrang inis. The nerve of this duck to act all sarcastic!

"Duck you!" Bulyaw ko sa kanya at pinilit na mas binilisan ang paglalakad dahil sa sobrang inis.

"Duck? Yung pato iyon diba?" Tanong niya kaya napasigaw na ako sabay takip sa dalawa kong tenga.

Ilang sandaling naging ganun; iika-ika akong naglakad habang tinatakpan ang dalawang tenga. 

Makaraan ang ilang sandali, pakiramdam ko ay okay na kaya naman dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay mula sa tenga ko. Napalingon ako at muli akong napairap sa inis nang makitang nakasunod pa rin pala si Burn sa akin. Nakuha pa nitong kumaway at ngumiti.

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now