"Sure!" sabi ko, nakatingin pa rin sa sinusulat.

Tumayo siya at nagsimula nang maglakad. Hindi ko na rin siya sinundan ng tingin kahit pa tapos na akong magsulat. Sinadya kong titigan na lang ang notebook hanggang makaalis siya.

He was able to keep her without the grand gestures and gifts. And to me, he always, always say rude words at the wrong time. Maybe to Keira, he's sweet at caring. Imagining him gentle to Keira made my mood sour. Bakit ko nga ba ikinukumpara? Siyempre mabait siya kay Keira dahil gusto niya ito. I'm just the annoying Grade 10 kid to him.

Hey! I'm not a kid anymore!

Napatingin tuloy ako sa aking damit. Pagkatapos sa aking maliit na backpack. Time to give up my favorite and try other designs, huh?

Napaisip din tuloy ako. Maybe I should start doing that with my next boyfriend. Iyong subtle lang ang lahat? Walang grand surprises or gifts? Besides, wala naman talaga rin akong hiniwalayan dahil hindi ako nabigyan ng kahit anong regalo, e. Wala rin akong hiniwalayan dahil nakalimutan ang monthsary o kahit ano.

"Oh. Ganda ng umaga mo kanina, uuwi ka naman ngayon ng malungkot?" si Kuya Levi na lagi'y napapansin ang itsura ko. "Anong nangyari?"

"Wala, Kuya. Pagod lang ako."

Hinilig ko ang ulo sa upuan buong biyahe patungong bahay. At nang nakarating, dumiretso na lang sa kuwarto. Our time will be longer tomorrow. I just hope he will be there.

Bumalik din naman sa dati ang mood ko kinabukasan. Ayon sa mga pagmumuni-muni ko kagabi, posible nga naman siguro iyong ginagawa ni Leandro.

"Kuya Levi, sino ba ang crush mo?" tanong ko.

"H-Huh? Ba't mo natanong?" he said almost grumpily.

"Naisip ko lang. Iniisip ko kung paano ba manligaw ang mga kaedad mo."

"Oh? Bakit? May nanliligaw sa'yo na ka-edad ko, Chayo?"

Napatuwid ako sa pagkakaupo sabay iling.

"Lagi ka na lang nag co-conclude na may boyfriend ako o manliligaw, Kuya! Nagtatanong lang naman, e!"

"Paano ba naman kasi. Lagi ka ring may boyfriend o manliligaw? Ano pa ang ineexpect mong isipin ko?"

Umirap ako at pinagmasdan si Kuya. I actually have a feeling no who he likes for years. His friends were always consistent and even if some of his girl friends expressed a strong crush on him, he seems to not respond to anything.

"Kuya..." pangugulit ko pagkatapos ng pagtatalo namin, umagang umaga.

"Hmm?"

"Mas bata ang gusto mo 'no?"

"A-Ano?!" now he looks so offended at my conclusion. "Tumigil ka nga, Chayo. Ikaw ha! Iyan na lang ba talaga lagi ang laman ng isipan mo?"

Sa araw na iyon, mabuti na lang din at naroon na si Leandro sa library. Nga lang, may tinatrabaho ulit siyang blueprint at nandyan na naman ang laptop niyang luma.

"Hi! I hope I'm not disturbing you," sabi ko sabay sulyap sa kanya.

Nagsisi agad ako. The way he looked at me felt like he was lowkey implying that I am disturbing him. Tumikhim ako at ngumiti.

"I'll ask questions everytime you stop and think for your assignment," I assured him.

"Malapit mo na bang malaman kung paano ako makakalimot?" he asked nonchalantly while bending to check on his laptop.

"I told you, I just need to know a few things before that," sabi ko at binuksan na ang notebook.

Sinulyapan ko siya at nakitang nagkakasalubong na ang makakapal na kilay habang tinititigan ang ginagawa niya. He looked so passionate and engrossed of what he was doing. Medyo naiilang tuloy akong magtanong tanong. Why am I so soft, anyway? It doesn't matter, right?

Against the Heart (Azucarera Series #1)Where stories live. Discover now