Simula ng Kasinungalingan

91 5 6
                                    

Sa pagbuhos ng ulan ay bubuhos din ang kasinungalingan

Maririnig ang katotohanan na kayo lang ay naggamitan

'Di inakalang lahat mawawala ng dahan-dahan

Dahil gusto lang pagtakpan ang tunay na nararamdaman

Kelvic's POV

"Mukhang masaya naman pala tayo nung naghiwalay tayo". Si Tasya na nakapa decuatrong pambabae't nakatalumbaba. Tinitignan niya ang kanyang paang nilalaro niya sa hangin.

"Hindi kaya tayo masaya. Kung ako pinapakita ko pero ikaw magaling kang magtago ng tunay mong nararamdaman"

"Okay". Sabay na tumayo siya. Tumingin siya kina Fiona at Papa Falcon na abala pa rin sa painting na ginagawa nila. "hindi ka pa ba talaga uuwi?"

"Kung gugustohin ko ay oo pero baka kung humakbang pa lang ako palabas ng bahay niyo pipigilan na ako ni pa--"

"Tito". Napangiti ako dahil nainis siya. Kahit kailan ang cute niyang mainis. "tito ang itawag mo sa papa ko dahil una sa lahat ay hindi mo siya papa"

Tumayo ako't umunat.

"Selosa ka talaga. Anong gusto mo? Ako ang tawagin mong papa? Papa Kelvic". Nagbakla-baklaan ako sa sinabi kong 'Papa Kelvic'.

"Umuwi ka na nga. Nakakaistor--"

"Tash-Tash ko". Napalingon siya dahil tinawag siya ni papa. "bakit mo pinapauwi si Ken-Ken ko? Hindi ka nga talaga siguro masaya na dinalaw niya tayo"

"Nagteks na po kasi sa kanya si Lola Felicidad niya papa". Sinungaling talaga kahit kailan.

Wala akong nakitang pagsisisi sa mukha niya kahit na nakikita niyang nalulungkot na si Papa Falcon.

Magaling talaga siya sa lahat at talento niya ang pagsisinungaling.

Tumayo si Papa Falcon. Lumapit siya sa'min habang hawak ang paint brush.

Nagulat na lamang ako nang nilagyan niya ako sa kaliwang pisngi ng konting pinta.

"Baon ko sa'yo Ken-Ken ko". At humagikhik si Papa Falcon habang kagat-kagat niya ang kanyang mga kuko.

Isang malakas na patak ng ulan sa bubong.

Tumingala ako tsaka ko iginilid ang aking mga mata upang tignan si Tasya.

Naglalakad siya patungo kay Fiona na abala pa rin sa ginagawang painting.

"Ken-Ken ko, mahal mo pa ba ang Tash-Tash ko?". Dahil sa tanong ni papa ay napasulyap ako kay Tasya. Nakikinig siya ng mabuti sa sinasabi't tinuturo sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

"Ano po ba sa tingin niyo?". Ngumiti siyang abot-tenga at tumango-tango. "mahal na mahal ko pa rin po ang Tash-Tash natin"

Pumatak na naman ng malakas ang butil ng ulan.

Napatingin ako kay Papa Falcon. Nakatingala siya sa kisame at tuwang-tuwa dahil nagsisipaligsahan ang mga butil ng ulan sa bubong.

Tuwing Umuulan (Marñigo)Where stories live. Discover now