Narating na namin ang court. Eto pala 'yung maunti niya. Halos nasa fifty sila. Puro lechon, mga gulay, prutas na na naka lagay sa dahon ng saging.

"Oh ayan na si Clara!" Sigaw ng isang tao do'n. Tumayo ang isang lalaki na may hawak na gitara. Sinalubong niya si Clara.

"Oh binibining, Clara! Kay tagal kang hinintay," habang nag lalakad kami papunta sa gitna may nag aabot ng iba't ibang bulaklak kay Clara. "At ngayo'y dumating wag na sanang lumisan, mga sayang pang hamabuhay kailan ma'y di malilimutan." Nag patuloy sa pag kanta ang lalaki na sinasabayan ng ibang mga tao at ang Tatay ni Clara. Sobrang saya ng mukha ni Clara. Ang sarap sa puso at sa mata.

Natapos ang kanta. Tumahimik ang lahat at sinimulan ang dasal pasasalamat. Matapos ang dasal nag kainan na. Ang daming bata ang yumakap sa kaniya, kahit na matatanda ni yakap din siya. Swerte niya kasi madaming nag mamahal sa kaniya at the same time malas, maraming masasaktan pag... 'lam niyo na.

"Mukhang may iba kayong na iuwi ah, Clara." Sabi nung lalaking medyo malaki ang katawan, sa pag kakarinig ko Luciano ang pangalan.

"Oo nga, Clara, nakakuwa ka pa ng gwapo!" Singit nung isang babae. Si Aling Dalisay.

"Gwapo ba 'yan?" Sabi ni Clara sabay ngisi. Napatingin siya sa'kin. "May kasalanan sa'kin to!" Sigaw niya.

Naging seryoso 'yung mukha nilang lahat. Seryoso, bata't matanda naka titig sa'kin. Kung maka titig sila para bang pumatay ako ng tao. Nag hubad si Manong Luciano, pinakita ang malaki niyang katawan.

"Oy, easy easy, na ayos naman na lahat, ni libre niya ako ng napakaraming pag kain!" Sabi ni Clara. "Kaya easy, chill." Yung iba nag patuloy na sa pag kain, pero si Manong Luciano tinitigan muna ko ng masama bago tuluyang kumain. Natapos na ang kainan at nag pahinga na muna yung iba. Siniko ko ng dahan dahan si Clara.

"Hmmm?"

"Totoo ba, na gwapo ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Pffft! Sineryoso mo yung sinabi ni Aling Dalisay?" Sabi niya habang tumatawa.

"Di ba ko gwapo?" Napayuko ako.

"Bakit may natitipuhan ka ba?" Tanong ni Clara. Tumingin ako sa kaniya at saktong nakatingin din siya. Tumango ako.

"Di mo kailangang maging gwapo para magustuhan ka ng nagugustuhan mo eh, mag paka totoo ka lang sa nararamdaman mo sa kaniya." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

"Magugustuhan mo kali ako?" Bulong ko pero bigla silang nag tayuan ng nag salita na ang Tatay ni Clara. Siguro di niya narinig.

"Sisimulan na ang mga palaro!" Sigaw ng Tatay niya. Inilagay nila sa lamesa ang plangganang puno ng harina.

Nag sipuntahan sa harap ang mga bata at ibang mga matatanda.

"Hoy Luciano, wag ka ng sumali hayaan mo yung mga bata." Sabi ng nung isang lalaki.

"He! Hayaan mo sila 'di pwedeng sila lang ang mag sasaya!" Pabiro niyang sinabi at nag tawanan ang iba.

"Tay si Sebastian daw po!" Sigaw ni Clara sabay tinulak niya ako. Tinignan ko siya at ang laki ng ngiti niya.

"Hoy! Baka bugbugin ako ni Mang Luciano." Sabi ko sa Kaniya.

"Wag kang mag alala, andito ako." Sabi niya sakin habang naka ngiti.

Pumunta akong lamesa. Katabi ko si Mang Luciano at isang bata.

"Petot, wag mong hahayaang manalo 'itong lalaki ah?" Sabi ni Mang Luciano sa katabi kong bata.

"Hmm ako pa!" Sagot niya, nag apir silang dalawa at ngumisi. May childish part tong si Mang Luciano.

"Simulan na! Unang makakuwa ng laman niyan ang panalo!" Sigaw ng tatay niya.

Tumingin ako kay Clara at na basa ko sa bibig ang 'kaya mo 'yan'.

"Ready! Get set! Go!" Sigaw ng Tatay ni Clara. Nag simula na kaming umihip at idukdok ang mukha sa plangganang puno ng harina. Puno ng sigawan at tawanan.

Ano 'to!? Kala ko barya tong makukuwa!? Bigla akong napatingin sa paligid ng makuwa ko ang nasa harina.

Bigla akong nasamid at nalunok yung nasa bibig ko. Patuloy akong nasamid at nag tawanan pa sila ng malakas.

"Hoy Sebastian!" Sigaw ni Clara. "Hindi dapat lunukin! Kailangan mong ipakita sa'min!" Patuloy sila sa pag tawa. "Sana kumakain ka ng uod."

"Gutom ka pa ata, Sebastia." Kantsaw ni Mang Luciano.

Nang matingin ako sa paligid imbis na mahiya mas natuwa pa ako. Iba yung ngiti nila, hindi yung nang lalait.

Sobrang saya sa feeling, parang kapamilya yung turing nila sa'kin dito. Dumaan ang oras, marami akong nasalihang laro. Naging partner ko pa si Clara sa may... yung may sako tapos paunahan! Sobrang saya!

Tinawag ako nila Mang Luciano. Maraming lalaki ang nakapalibot do'n kasama na rin ang Tatay ni Clara.

"Sebastian, na sabi ko na sa kanila na may gusto ka kay Clara." Sabi ng Tatay ni Clara.

Bigla akong pinagpawisan. "Hindi po ah, Tay." Pag tanggi ko.

"Kung gusto mo makuwa loob namin, isa lang." Binulong niya sa'kin ang paraan. Bigla akong napalunok sa mga binulong niya.

"Eto na ang huling palabas!" Sigaw ng Tatay ni Clara. Di ba siya na mamaos? Hehe joke!

Pinapunta ako sa gitna. Ako lang ang mag isang andoon at may lamesa lang sa harap ko. Sa lamesa may paper plate at limang siling labuyo.

Tumingin ako sa Tatay ni Clara. Tumango siya habang naka ngiti.

Gagawin ko ba to? Pero para kay Clara! Kinuwa ko ang limang labuyo at sabay sabay itong kinagat.

Maiyak iyak ako sa sobrang anghang. Natataranta ako gusto kong tumalon at gumapang. Pumikit na lang ako.

Nag tawanan yung mga kausap ko kanina at lahat ng tao sa court.

"Anong ginagawa niya?"

"Anghang no'n sobra."

"Nakakatawa siya!"

Minulat ko ang mga mata ko. Tumingin ako kay Clara. Naka ngiti siya, sobrang ganda. Nakatitig lang din siya sakin.

"Bigyan niyo na ng gatas ng kalabaw yan, baka kung ano pang mangyari." Sabi ng Tatay ni Clara habang ngumingisi.

Di ko naramdaman yung hapdi ng bibig ko. Ang ganda niya.

Para siyang sunset na ang sarap titigan.

Risking My Ephemeral HeartWhere stories live. Discover now