short :)

47 4 2
                                    

isa lang po itong short story.. Talagang short lang. Dahil, project po ito sa amin Filipino. Gusto ko lang isa-share dito. Magbigay kayo ng comments about po dito sa story ko.. Need ko po kasi siya. Saka para mapaganda ko pa yun mga gagawin kong story na nakapila.. haha.. Thank you.

Sana magustuhan niyo ang napakaikling kwento ni Cyle at Mei..

 on the right side po yung song Ikaw at Ako.. by Tj Monterde

---------------------------------------

Mei Ashlyn Valmez

Naalala ko pa noon, nung una kami nagkakilala.

Pauwi na ako, galing eskwelahan. Nang biglang bumuhos ang mga patak ng ulan, ng mga araw na yun nakalimutan ko mag dala ng sarili kong payong kaya naman nabasa ako ng ulan. Habang tumatakbo, may nakita akong silungan at pumunta muna ako dun para magpa-hulaw kahit medyo basa na ang damit ko. Hindi ako sanay sumakay ng tricycle dahil isang beses naranasan ko ng mawalan ng pera at simula noon lumalakad na lang ako papunta eskwelahan at pauwi. Hindi kami mayaman, tama lang ang kinikita ng magulang ko. Ang nanay ko ay nagbabantay ng sarili namin sari-sari store, ang tatay ko naman ay isang empleyado sa isang kumpanya. Dalawa lang kaming magkapatid. Si Kuya marcus ang nakakatanda kong kapatid, pero isa taon lang ang agwat sa pagitan namin. 4th yr high school siya at ako naman ay 3rd yr. Isang paaralan lang ang pinapasukan namin. Si kuya marcus ay kilala sa mga kababaihan dahil isa siya sa mga nagwagwapuhan lalake sa paaralan namin, kinikilala din siyang magaling sa akademiks. Kaya naman lagi ako ikinukumpara sa kanya ng mga kapwa kong guro at mga estudyante. Hindi naman ako matalino kagaya ni kuya marcus, pero hindi naman ako bumabagsak. Mababa lang talaga ang marka ko ang pinaka mataas na marka ko sa aking card ay 83 pero pag pinagsama na lahat ng subjekt ay 85 ang nakukuha kong marka. May dalawa naman akong matalik na kaibigan na si Yuina at Risha. Sa kanilang dalawa mas malawak ang pag-iisip ni Risha dahil siya ay may boyprend sa amin tatlo. Kami ni Yuina ang madalas magkasama dahil wala naman naman kaming ibang ginagawa kundi ang maglayas at maglaro. Simulang bata pa lang kami ay kami na ang magkasama kaya kilala na namin ang isa’t isa.

Habang naghihintay akong tumila ang ulan. May taong bigla na lang nakisilong sa akin sinisilungan. Nung tinignan ko ito ay kaparehas ito ng suot sa pinapasukan kong eskwelahan. Matangkad siya, hindi siya kaputian pero malakas ang appeal. At nang tumingin siya sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang kanya mukha, gwapo siya. Yun lang masasabi ko. Kaya naman tumingin na lang ako sa ibang direksyon. Napansin ko din kanina na medyo basa siya, siguro hindi rin nakapagdala ito ng payong. Mga ilan minuto na rin kami naghihintay na tumila ang ulan, pero wala atang balak tumigil ang ulan. Kaya naman ng makikipagsapalaran na ako sa ulan ay bigla niya kinalabit ang braso ko. Kaya naman napatingin ako ulit sa kanya.

“gusto mo ba makisilong na lang sa payong na dala ko?” tanong niya sa akin. Pero hindi naman ako pumayag kasi hindi ko naman ito kilala at isa pa.. lalake siya. Pero nagpumilit pa rin siya.

“makisilong ka na. Hindi na ata titila ang ulan. Saka baka magkasakit ka niyan sa lakas ng ulan. Huwag ka mag-alala, hindi naman ako yun taong iniisip mo na masama.” At sa bandang huli nakisilong na rin ako sa payong niya. Tahimik lang kami naglalakad sa daan, habang ang ulan naman ay sige ang buhos. Walang nagsasalita sa amin dahil una sa lahat hindi naman kami magkakilala, pangalawa nakisilong lang ako sa payong niya. Nang malapit na ako lumiko ng kalsada dahil papunta doon ang bahay namin, ay mismo siya rin ay lumiko. Kaya naman nagtaka ako, alam niya ang bahay namin? Kaya naman kinausap ko siya.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon