Double Exposure

16 0 0
                                    

Sa makabago at mapanlinlang na panahon ngayon, paano ka nakasisigurong kilala mo nang husto ang taong nagpapangiti sa iyo? 

 Napangalumbaba bigla si Filisy nang mabasa ang isang post ng page na pina-follow niya sa Facebook. Maya-maya pa ay nagpakawala pa ng isang buntong hininga.May bagong grupo ng mga kabataan ang nag-umpukan sa registration area kung saan si Filisy ang naka-assign sa pag-welcome at pag-assist sa mga magpaparehistro para sa concert na isa sa malaking event na hino-host ng organisasyong pangkabataan na kinabibilangan niya. 

"Pakisulat na lamang po dito ang pangalan, edad at ang bayad sa ticket kung nag-walk in lamang. Salamat!"turan ni Filisy. Habang may maliit na ngiti sa kanyang mga labi habang tinuro ang papel kung saan magrerehistro ang mga kabataang makikisaya sa concert.Nang matapos nang magrehistro ang mga kabataan, ang mga mata niya ay bumalik muli sa screen ng kanyang cellphone. Saktong nagpop-up ang mensahe ni Marfy sa kanyang messenger. 

 'Kamusta ang concert? Huwag ka masyadong magpagod hah?' 

Kahit magkaibigan lamang sila, na ilang beses na niyang nilinaw sa lalaki ay hindi pa rin niyang mapigilan na makaramdam ng pag-iinit ng pisngi sa concern sa kanya ng binata. 

 'Ayos lang ako. Salamat! Malapit na ring magsimula ang concert.' 

Reply niya kay Marfy. 

Si Marfy na ilang buwan na niyang nakakausap sa Messenger, nakikilala niya ito sa isang online youth organization sa Facebook kung saan ay pareho silang miyembro.Tumunog muli ang notification niya sa Messenger. 

'Gusto na kitang makita, kailan kaya?' 

Nagtipa na siya sa kanyang screen, bago pa man niya mapindot ang send button ay may nagsalita sa gilid niya na nagpaudlot sa kanyang pagre-reply. 

 "Mukhang sobrang busy mo diyan a, Ms. Coordinator?" panimulang pagbati sa kanya ni Alecs. Isa sa base guitarist ng banda na nabuo ng kanilang organization. 

 "Ah... ano, hindi naman. Saka sabi ko naman sa iyo na 'wag mo na akong tawagin sa posisyon ko," naiilang na turan ni Filisy. Mahigit isang buwan na rin kasi nang magsimulang mag-chat sa kanya si Alecs, display picture pa nga ng binata ang electric guitar nito habang cool itong nakatayo at nagstra-strumming sa kanyang paboritong instrumento. 

 "Gano'n ba? Sinadya kita saglit kasi mag-isa ka na lang dito," turan ni Alecs. Ang kanang kamay ay pabalik-balik sa pagpasok sa bulsa ng kanyang pantalon. 

"Talaga? Ah, okay lang naman ako rito. Salamat, Alecs!" nahihiyang sabi ni Filisy, binigyan ng maliit na ngiti si Alecs. 

 "Walang anuman! Sige, ahm... mauna na ako, Ms. Coordinator, see you around!" Tila nag-aalangan pang umalis si Alecs ngunit sa huli ay itinaas na lamang ng binata ang kanyang kaliwang kamay na may hawak na cellphone at itinuro ang direksyong pupuntahan nito.Nagtaka naman si Filisy sa kinilos ng binata ngunit sa huli ay pinagkibit-balikat na lamang niya ito. 

Muli niyang binalikan ang naudlot na pagrereply kay Marfy.Pinindot niya ang send button.Muling napatulala si Filisy. Dahil ang totoo ay nalilito siya. 

Si Marfy, kahit hindi pa niya nakikita ang mukha ay tunay namang nakagaanan na niya ng loob—hindi 'yung katulad ng pagkagusto na nararamdaman ng babae sa isang lalaki ngunit ito 'yung pagkagaan ng loob ng isang babae sa isang lalaki na tinuturing niyang kaibigan na pinagkakatiwalaan. Hindi naman mukha ang basehan ng tiwala at pagkakaibigan, 'di ba?Si Alecs naman. Mas naunang naging parte ng Facebook life ni Filisy.Batid niyang may pagtingin ang lalaki sa kanya dahil ilang beses na rin itong nagpapalipad hangin pero hindi lang talaga madaling mahulog ang dalaga.Pero kahit na gano'n, tapat siya sa dalawang lalaki tungkol sa nararamdaman niya. Walang halong kapabebehan. 

Double Exposure (#MakeITSafePH #WritingContest)Where stories live. Discover now