Episode 23 - Sunset

ابدأ من البداية
                                    

   "Stop grinning. You're giving me creeps."

   Tiningala ko siya at pabirong inirapan habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

   Tinapik ko ang ibabaw ng dibdib niya at umakmang babangon. "Tara na. Kailangan mong pumasok."

   "I own--."

   "That company. Ikaw ang boss. Alam ko." Putol ko sasabihin niya. "Pero absent ka na kahapon. Tambak na ang trabaho mo."

   Nang makabangon ako ay muli niya akong hinila at niyakap sa batok saka inipit sa kama ang beywang ko gamit ang hita niya at ang isa ay sa ilalim ng mga tuhod ko.

   "I already told you. Whatever I say goes. Isa pa, hindi ako makakapag-focus sa trabaho while thinking of your sexiness." Kinagat pa niya ang tenga ko na naghatid ng kiliti sa buong sistema ko.

   "Pero--."

   "And I'd rather be here, making love with you all day 'til night falls than stressing myself out with tons of paperworks."

   Ngayon ay lumipat ang kanyang mga labi sa ilalim ng panga ko na nakapagpapikit sa mga mata ko.

   "Rain. H-hindi ko pa kaya."

   "What do you mean? Nakailan nga tayo kagabi." Paanas na tanong niya na nag-vibrate sa lalamunan ko at bumuhay sa aking imahinasyon.

   Nahihiya man ay hindi na ako nagdalawang isip na umamin. "M-masakit pa.

   "A-ang katawan ko." Mabilis kong dugtong.

   Bigla siyang tumigil sa ginagawa kaya nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko dahil kakaiba ang ngiti sa mga labi niya. Iyon bang klase ng ngiti na makikita lang sa mukha ng isang taong proud na proud sa sarili niyang gawa dahil alam niyang maganda iyon.

   Proud ba siyang n-namarkahan ako?

   "Anong nginingiti mo?" Kunwari ay nagtataka kong tanong.

   "Nothing. I'm just- d*mn! Paano pa kaya ang nangyari sayo kung walang cast 'tong isang kamay ko?" Lalong lumawak ang pilyong ngiti niya.

   Dinilaan ko ang ngipin ko upang pigilan ang mapangiti.

   "Yabang mo." Ingos ko sa kanya na bahagya niyang tinawanan.

   "I proved myself last night, na kahit hindi ko magamit ang isa kong kamay, I still managed to 'rock' your world. And mind you, mahirap 'yon ah!"

   "Hmm." Nakaismid na tugon ko. "Proud na proud ka, ah?"

   "Of course. I take pride in my work. Specially, in my bed."

   Parang may kumurot sa puso ko sa isiping nagawa na niya sa iba ang pinagsaluhan namin kagabi. Pero mabilis ko ring inalis iyon sa isipan ko. Lalaki siya, natural lang na kailanganin niya ang init ng katawan ng iba lalo na sa malalamig at malungkot na gabi.

   Shems! Lalo lang kumirot ang puso ko sa pangalawa kong naisip.

   Ngayon ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung gaya ng iba, maging nakaraan na lang din ako sa buhay niya kapag nakahanap na siya ng bagong pupukaw ng interes niya?

   Paano kung magsawa na siya sa akin at basta na lang matapos ang lahat? Paano kung nadadala lang siya sa sitwasyon dahil ako ang laging nasa tabi niya? Paano kung isang araw maubos na ang nararamdaman niya para sa akin? Masyadong mababaw ang salitang 'gusto' na nararamdaman niya kumpara sa pagmamahal ko.

   Alam ko sa sarili kong hindi ko na ito muling mararamdaman para sa ibang tao kahit ito pa lang ang unang beses ko itong nadama. Kung maramdaman ko man ay hindi na ganoon katindi.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن