Pumukaw ang atensyon sa akin ang kwarto ni Solana. Pulbo, Suklay at baby cologne lang ang ginagamit nito. Tinignan ko rin ang damitan niya. Maliban sa mga faded at over size na tshirt wala na itong matinong damit.

Hanggang sa napansin ko yung envelope sa may side table niya.Class Funds

Bingo. Tapos na ang problema ko.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang walong libong piso. Napangiti ako. Tutal pipi naman 'yon hindi siya makakapag sumbong. Inipit ko yun sa boxer shorts ko at nag tungo na sa kusina.

Kumain na din ako ng sinangag at yung tirang ulam kagabi.

Dumating din mayamaya si Solana, may bitbit itong mga gulay. Hindi niya ako pinansin at nag tungo agad sa poso upang hugasan ang mga inaning gulay.

"Hoy, tapos na akong kumain. Ligpitin mo 'to!" bulyaw ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Solana. Hinding hindi ako mag huhugas ng pinggan.

Kinagabihan, tumakas ako kina Mang Kulas. Hindi na rin naman siguro nila ako hahanapin. At isa pa, sino ba sila para pigilan ako?

May mga dala itong babae. Kaya kailangan kong mag pa-impress. Hapit na hapit ang mga suot ng mga ito. Ito ang heaven na sinasabi ko.

Inakbayan ko naman agad yung dalawang babae. Kapit naman sila sa bewang ko at pumasok na kami sa isang bar.

Umorder kami ng 4 na bucket ng alak. 2 botemg jack Daniels at spritz naman para sa aking mga babae.

"Akala ko ba wala ka ng pera?" tanong ni Kenny.

"Ako? Mawawalan ng pera? Hahaha nag papatawa ka ba?" nag shrug na lang si Kenny bilang pag tugon.

"Babe let's dance!" hinawakan ako sa kamay nung isang babaeng kasama nila Kenny. Habang yung isa sinusubukan akong halikan.

Pero hindi ako pumayag. Okay lang na landiin ako. Pero yung aabot kami sa may gagawin na milagro? No, thanks.

Si Franky halos magpakalunod na sa alak na iniinom. Si Kenny naman pasimpleng nasayaw sa isang tabi. Habang ako nilalandi ko pa rin tong mga babaeng to.

Ayoko rin naman sa commitment. Pagkatapos ko kasing landiin ang babae, pag nahulog na. Iiwanan ko din. Marami ng umiyak dahil sa akin, bakit? Ano ako gago? Kahit mag send sila ng mahabang message kung gaano sila nasaktan. WALA AKONG PAKE.

Hindi ko kasalanan na uto-uto sila. Ganon lang 'yun.

Kinabukasan, halos hindi na ako maka bangon. Wala pa akong tulog. Nadatnan na kasi ako ni Mang kulas na umaga na ang uwi ko. Pero hindi ko rin maintindihan sa matandang to kung bakit napakabait niya sa akin.

"Kaya mo bang pumasok?" tanong nito sa akin.

Hindi ko ito pinansin. Dumiretso ako sa bahay kubo. Bumungad sa akin si Janus.

"Eku balu non ka memuling makanyan. Ot kasyas mu balingadngad?" kumunot ang noo ko sa pinag sasabi ng gagong ito. [Hindi ko alam kung saan mo namana yang ganyan. Bat ang tigas ng mukha/ulo mo]

"anong sabi mo?" kwinelyuhan ko ito at isinandal sa pader. "Don't fucking start with me. Magulang ko di ako masuway. Sino ka bang putangina mo ka?"

Napalunok na lang si Janus. Umawat naman si Solana, "Isa ka pa!" itinulak ko si Solana at halos masubsob na ito sa lupa.

"Kung ayaw niyong masaktan. Lubayan niyo ako ha?" sabay sarado ko ng pinto ng bahay kubo.

Mga gagong 'yon. Umagang umaga.

Nang makalabas na ako ng bahay kubo, hindi ko na sila pinansin. Dire-diretso lang akong lumabas. Sumalubong na rin naman sina Kenny at Franky sa akin. Nag stay sila sa hotel, sasabay na rin ako sa kanila.

"Yo Dude!" nakipag apir ako sa kanila. "Hindi mo sila isasabay?" tanong sa akin ni Kenny habang tinuturo sila Janus. Nag hihintay kasi ang mga ito ng Gareta.

"Puta, bakit ko isasabay mga yan? Madumihan pa 'tong kotse mo." sumakay na ako sa front seat. Si Franky ang nag mamaneho.

"Alam mo Pierre, ang tigas na talaga ng puso mo." sinuntok ko si Franky sa mga oras na' yon. "Tang ama! Ang korni mo!"

Nakatingin lang sa akin si Solana at Janus.

Kahit anong gawin nila, kahit kailan hindi ako makikisama sa katulad nilang mga mabababa ang lipad. Sa mundo ko, wala silang kwenta.

KEKA KU, KAKU KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon