A letter for my Ex W.

21 0 0
                                        




somehow i know that i took you for granted, but i know deep down i want all the happiness and love for you. akala ko kapag nag pahabol ako habang buhay ako hahabulin. pero ikaw nag pa-realize sakin na talagang lahat napapagod, lahat nag sasawa. lahat umaayaw. mahal kita pero kaylangan na kitang pakawalan, hindi dahil hindi ko mapanindigan kung anong nararamdaman ko sayo, kundi dahil alam ko mas may taong mag papasaya sayo. kasi alam ko hindi ako yun. hindi sapat na mahal kita para mag stay ako. hindi sapat na mabigay ko yung buong ako para mag stay ako. minsan nabubulag ako sa mga bagay na naiisip ko... paano kung naging okay tayo? pano kung pinigilan kita? paano kung sinabi ko yung talagang nararamdaman ko sayo? Okay kaya lahat? Wala bang hahadlang? Magiging masaya ka ba sakin? Magiging sapat kaya lahat ng kaya ko lang ibigay?

Siguro kaya ko isulat to dahil hindi ko din alam kung paano ko bubuksan yung sarili ko sayo, kasi alam ko tangina mahal kita pero bakit parang hindi na natin panahon? o kahit kelan hindi na natin magiging panahon? marami akong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko, yung utak ko isa lang ang gustong sabihin kundi "Mahal parin kita, pero mali na." Yung luha ko pilit kong binabalik tuwing nakikita kong ngumingiti ka, pero alam kong hindi na ako yung rason sa likod ng lahat nang yon. pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan na ako, mag ka harap tayo pero parang pakiramdam ko ang layo layo mo na, at ako naman ay pilit kang inaabot. kasi kahit subukan kong ibalik lahat sa dati, kahit anong pag sisisi ko. Alam ko masaya ka na sakanya.

Sa bawat pag bitaw mo nang salita nakatingin lang ako sa mata mo kasi gusto kong saktang yung sarili ko para makabitaw na ako, pero pilit parin na ikaw ang gusto nito. kahit gusto kong itanggi sa lahat na wala na kong nararamdaman lumalabas parin sa bibig ko ang pangalan mo, ikaw parin yung hinahanap ko kahit san. Ikaw parin yung naaalala ko sa maliliit na bagay na para sa iba wala naman halaga.

Mahal na mahal kita pero kailangan ko nang awatin yung sarili ko para maging masaya ka na.

Love, Bae.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon