Chapter 2

71.9K 1.4K 79
                                    

Phae

"How could you do this?! Who was that woman?!"

I rolled my eyes as I set foot inside our mansion. Agad akong sinalubong ng isang katulong upang kunin sana ang malalaking bag na hawak ko. Umiling ako at saka nagtuloy na lang sa hagdan patungo sa kwarto ko.

Hindi pa man ako nangangalahati sa grand staircase ay nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ng daddy ko. Iniluwa niyon si Stacy, ang bago nyang "asawa". Hindi ako aware sa arrangement nila, and quite frankly, I don't give a rat's ass. For all I know, she's just the flavor of the month, my dad just enjoys banging her and then after a few good weeks, he'll drop her like a hot potato.

Lumabas ang babae mula sa kwarto na may dalang malaking maleta.

Ohh! This is gonna be good! Had I known, I could've asked for some popcorns and soda.

"I can't take this anymore, Javier!" she shrieked. She had - I don't know, fake tears? - streaming down her face.

Tumabi ako sa gilid ng hagdan upang panuorin ang kadramahan ng dalawa. In all fairness, my father got some classy hoe right there. Unlike ng iba nyang nakukuha na di hamak na mas bata pa ata saakin, wala pang ka breeding breeding, mukhang napulot lang nya sa kung saang beer house sya napadpad. Yes, my father can sometimes stoop that low.

"Stacy, wait! It's not what it looks like!"

Nais kong mapahagalpak ng tawa. Seriously? He's using that line? At his age? At totoo ba 'to? Nahuli ba ng babaeng ito na nambababae ang ama ko? Napailing ako, hindi na talaga sya magbabago.

"Then explain to me, what I saw! Nakita ko kayong naghahalikan!"

"Hindi kami naghahalikan! I was just whispering something-"

"In what, dad? In her mouth?" singit ko sabay hagalpak ng tawa. I watched as Stacy's face turned red with anger while my father glared at me angrily. "What? Am I correct?"

"Shut up, Phaedra!" my father roared. His face looked like he'd bust a vein any moment.

Ngumisi lang ako at umaktong nagzipper ng bibig. I folded my arms across my chest and continued to watch whatever the hell will happen next.

The woman narrowed her eyes at my dad. Wala na syang sinabi, bagkus ay binirahan nya kaming pareho ng talikod. The wheels of her bag skidded across the marble finish of the stairs. I smirked as she continued to get out of the house. Well, that woman probably got tons and tons of money from my father. At baka rin nakakita na ng bagong target kaya umalis.

Galit na hinarap ako ng tatay ko matapos umiskyerda ng kerida nya.

"You little-"

"Save it, dad," tumalikod ako at ipinagpatuloy ang naantalang pagakyat sa hagdan. "You can easily find a replacement, it ain't like she's that remarkable para panghinayangan mo ang pagalis nya."

"Anak lang kita, Phaedra! Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan sa pamamahay ko!" hinablot nya ang braso ko.

I quickly snatched my arm back. "Then just let me go!"

Hindi sya agad nakasagot.

"What? Hindi mo 'ko mapaalis kase hindi mo makukuha ang pera ko, tama ba? Well, guess what, daddy? You'll never get your filthy hands on my mother's money!"

Akma nya 'kong sasampalin pero hindi nya nagawang ituloy. I glared at him. "What? Bakit hindi mo ituloy, dad?" i shook my head in disgust. "Mabuti na rin na lumayas ang Stacy na 'yon. Baka patayin mo rin sya eh, katulad ng ginawa mo kay mommy!"

He grabbed my arm again, his hands gripped me tight I'm sure it's gonna leave a mark. "Sumasagot ka na ngayon? Sino bang ipinagmamalaki mo? Yung tarantado mong kapatid!?" i gritted my teeth. Minsan kung magsalita ang matandang ito kala mo maledukado, samantalang isa syang Neuro surgeon. Respetadong doctor ang tatay ko, maraming tumitingala sa kagalingan nya sa larangan ng medisina. Pero kung gaano sya karespetado sa labas ng tahanan na ito, ganun naman kabasura ang ugali nya pagdating sa pamilya nya.

Misguided Hearts (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon