My Tag 9 (Special Chapter)

Start from the beginning
                                    

          Magmula kasi ng magkaayos kami ng Sitti loser na iyon, dami ng mga loser ang nagbabato sa akin ng kung ano-ano. At dahil sa mga ginawa nilang iyon, nagkautang tuloy ako ng wala sa oras sa Dela Cruz weirdo na 'yun!

          Nakakainis! Sa lahat ba naman ng pagkaka-utangan ko ng loob, 'yung sa weirdo pa talaga!

          "Uy Margaret!"

          Huh! Great! 'Yung magaling mang-uto na president.

          "O bakit?" Taas-kilay na sabi ko sabay tabi sa kanya doon sa salamin para icheck ang make up at buhok ko.

          "Break a leg!" Sabi niya sabay tapik ng kamay niya na basa pa sa balikat ko.

          "Yung kamay mo bang 'yan nanggaling sa banyo o sadyang gusto mo lang talaga na asarin ako?" Mataray na sabi ko.

          Tinawanan niya lang ako saka niya tinapat 'yung kamay niya sa dryer bago ako sinagot.

          "Sa totoo lang, kakagaling lang ng kamay ko sa cubicle sa dulo. Medyo barado kasi yung nakuha kong slot kanina kaya may nahawakan akong di maganda."

          Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka mabilis na lumapit sa may tissue at humila ng maraming piraso noon saka ko pinahid yung basa sa balikat ko.

          Narinig ko na naman siyang tumawa.

          "Joke lang! Ano ka ba!" Sabi niya saka tinapik-tapik ulit yung balikat ko. "Good luck mamaya huh?"

          "Sa susunod talaga tatakbo ako sa pagka-presidente at alisiin kita sa pwesto mo! Tandaan mo 'yan!" Inis na sabi ko sabay bato ng ginamit kong tissue sa kanya.

          "Wag kang ganyan, Margaret!" Natatawa pa ring sabi niya saka chineck niya yung itsura ko sa salamin. "Ayan! Ang ganda mo na!"

          "Matagal na akong maganda kaya pwede ba?" Bagot na sabi ko sabay paikot sa mata ko sa kanya.

          Nginitian na lang niya ako ulit saka nauna ng lumabas ng comfort room.

          Inis kong pinunasan ulit yung balikat ko.

          Kahit na sinabi na niya na nagbibiro lang siya, hindi pa rin ako naniniwala. Malay ko na kung naghugas na siya ng maayos ng kamay niya di ba?!

          Panibagong loser na naman ang nadagdag sa circle ko nakakainis!

          Matapos ng ilang minuto ko pang pagtagal sa comfort doon, nagdecide na akong lumabas saka ako bumalik sa make up/changing room na likod lang ng stage dito sa gym.

          Pagpasok ko, nakita kong maayos ng naka-hanger yung costume na susuotin ko.

          "May silbi din pala ang mga loser na iyon." Sabi ko saka ko nilapitan yung costume ko saka sinuot iyon.

          Wala na yung mga loser sa loob ng kwarto pagpasok ko.

          Huh! Mabuti naman! Baka mas lalo pang sumama timpla ng mood ko kapag nakita ko pa sila dito.

 

Mobi's POV

            "Mobillow! Saan ka ba nanggaling huh? Kanina ka pa namin hinahanap!"

          Sinalubong ako ni Kris saka niya hinila yung kamay ko saka ako dinala sa upuan namin sa harapan.

          "MM!" Bati sa akin ni best friend saka ako kinawayan at nginitian.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now