TWO

1.1K 45 15
                                        

[KAREN JADE]


Habang naglalakad kami papasok sa cafeteria ni JM, halos lahat ng paningin nila ay nasa amin. Hindi ko alam kung mapipikon o maaasar sa mga tingin na ibinibigay nila.

Like, hello?! Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang taong naglalakad? Bandang huli, mas pinili ko na lang na h'wag pansinin. Dumiretso na kami sa counter para makabili ng pagkain. Madali lang naman kami nakakuha dahil iniiwasan kami ng mga nakapila na akala mo may nakakahawa kaming sakit.

Tss. Akala mo naman ikina-ganda at ikina-gwapo nila ang ginawa nila.

"Bakit ba lagi nila tayong tinitignan? Maganda ba tayo?" tanong ni JM. May bahid ng pagkainis ang tono ng boses niya.

Kung sa normal na pagkakataon, sasagutin ko siya ng "well, duh! Dyosa ang kasama mo kaya normal na pagtinginan nila tayo", kaso, wala kami--ako, sa normal na sitwasyon

Natawa ako bago nagsalita, "Hayaan mo na. Atleast kahit ganito ang itsura natin, head turner pa rin tayo. Paano nalang kapag normal na tayo sa paningin nila? E , 'di baka magsiluhod iyang mga 'yan."

"Bakit ba naman kasi bigla mong naisip na gayahin ang postura ko?" Seryoso man ngunit natatawang tanong niya.

"Nakakasawang maging normal, kaya gusto kong sumubok ng bago," sagot ko naman. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang singkit na mata. Na-offend ko yata.

"So, sinasabi mo bang abnormal ako?!" biglang sigaw niya dahilan para madagdagan ang mga nakatingin sa amin.

Tsk. Nadagdagan na naman malamang ang topic nila tungkol sa amin.

"Sa 'yo nanggaling iyan, hindi sa akin. At saka, walang basagan ng trip, okay?" sabi ko at saka dumiretso na ng upo sa usual na pwesto namin--sa sulok ng cafeteria.

"Anyways, kamusta naman ang pagpasok mo kanina? Malamang nagulantang ang buong sangkatauhan dahil sa biglang pagbabago ng isang Karen Jade Evangelista the great." Kung hindi ko lang bestfriend itong nasa harapan ko, at kung hindi lang ako nagdesisyon na magbago, baka naghilamos na ito nang wala sa oras, gamit ang smoothie na nasa harapan niya.

"Just for a change, at syempre, mawawala ba naman ang Powerpuff Bitch tuwing unang araw ng pasukan sa nerd na katulad natin? Malamang hindi." Bored na sagot ko.

"Oh? Hindi mo pinatulan?" gulat na tanong niya.

"Nah. Nakakatamad," sagot ko.

Speaking of the bithes, kahit hindi ako diretsong nakatingin sa kanila, nakita kong naglalakad papunta sa pwesto namin ang tatlo. Malayo palang sila, kita ko na abot langit na ang taas ng mga kilay nila.

Sikat, mayaman, at maganda. Sila iyon. Maraming naiinggit pero mas lamang ang maraming natatakot, dahil bukod sa mga bully talaga sila, may kapit rin sila dito sa school.

"Good morning, freaks," bati ni Hailey nang makalapit sila sa amin. Walang kumibo sa amin ni JM, dahil alam namin na kapag bumuka ang bibig namin, gulo ang kalalabasan no'n.

Sa akin okay lang, pero hindi kay JM. Ayaw ko siyang mapahamak.

"Gosh! I can't still believe na you decided to be like this, Karen. I expected so much from you." Maarteng sabi niya. Narinig ko ang mahinang bungisngis ng dalawa niyang alalay. Ramdam ko rin na nasa amin ang paningin ng lahat.

"What do you want?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si JM. Pasimple kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng table at bahagyang pinanlakihan ng mga mata.

Ang kaso, nababaliw na yata ang kaibigan ko at binigyan niya lang ako ng isang bored na tingin.

"Oh,fierce! Sumasagot ka na. Kaya mo na ba ako, huh?" Nakataas amg kilay na tanong ni Hailey. Nagsisimula na siyang magtaray base sa tono ng boses niya.

"Hindi naman siguro kayo pupunta dito sa table namin dahil wala lang? Kaya ko tinatanong kung anong kailangan n'yo." Kalmado pa rin si JM habang sinasagot ang mga bruhilda.

At ako? Hindi ko alam ang irereact ko dahil ngayon ko lang naman narinig si JM na pumatol sa mga ito.

"Wow. So you have a sharp tongue now, and our Karen over here seems quiet. What happened to you my li'l bitch?" Umarteng parang gulat na gulat si Hailey.

Bumuntong hininga ako para ikalma ang sarili ko.

"Look, Hailey--"

"What a way to start your new school year Hailey Danise."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may sumabat sa amin. Lahat kami ay napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.

Fair complexion, buhok na hanggang balikat at magandang babae ang nakita namin na papalapit sa amin. Mukhang transferee dahil hindi pa siya nakasuot ng uniform. Parang nag slow motion ang paligid dahil sa biglang pag-entrada niya sa amin. Ang tingin ng lahat ay napunta na sa kanya.

Sino naman ito?

Nang tignan ko si Hailey, gusto kong magulat nang makita ko na wala na ang bitchy face niya.

Cold amd emotionless. Iyan ang nakita ko sa kanya. Pero ang mga mata niya, napakaraming sinasabi ngunit nangingibabaw ang galit.

O-kay? Anong meron?

"Akala ko pa naman nagbago ka na," dagdag no'ng babaeng bagong dating. Pinasadagan niya muna kami ng isang bored na tingin bago muling bumaling kay Hailey, "mukhang hindi pa pala."

"As you can see, I've changed and thanks to you," sabi ni Hailey. Bumalik na iyong bitchy look niya hindi katulad kanina no'ng dumating si Ate mo girl.

Kita ko kung paano tumalim ang mga mata ni Ate Girl. Ooh--mukhang may past story itong dalawa. Interesting.

"Tsk. Sinisisi mo ako? Choice mo pa rin naman kung ano ang magiging desisyon mo, hindi sa akin," seryosong sabi ni Ate Girl kay Hailey.

"Still, thanks to you," mapang-asar na sagot ni Hailey with her usual bitchy smirk.

"Nag-transfer ka ba dito para sundan ako? How sweet," dagdag pa ni Hailey.

"Don't flatter yourself. You are not always the reason," mapang-asar na sagot ni Ate Girl kaya naman tinignan siya nang masama ni Hailey.

I'm not used to it. Being the audience of the two bitchy people. Hays. I used to be the center of attention--oh wait, I'm still the center of attention, but for the different reason.

Tsk.

"Awkward." Dinig kong bulong ni JM.

Yeah.

Really awkward.

Hinihintay kong matapos ang staring battle nitong si Hailey at Ate Girl, pero mukhang walang gustong magpatalo.

"Ahm, excuse us? Magkakilala ba kayo?"

GREAT! Gusto kong palakpakan ang isa sa alipores ni Hailey dahil sa pambabasag niya sa staring battle dahilan para lingunin siya ng mga ito.

"No." Sabay na sagot ng dalawa.

Sabay rin sila nag-walk out, papunta sa magkabilang way.

Kami naman ay papalit-palit ng tingin kung saan pumunta ang dalawa.

Tapos nagkatinginan kami ni JM, at napunta ang tingin namin sa dalawang alipores ni Hailey na mukhang nagulat din.

Now, this is what you call--AWKWARD!

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Aug 19, 2021 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Sassy NerdDove le storie prendono vita. Scoprilo ora