Flight Attendant na siya. Nakuha niya na rin ang gusto niya. Mag kasama pa rin siya nung lalaking pinag palit niya sa akin.

Bumalik lang iyong galit dito sa dibdib ko. Hindi ko pa rin matanggap ang pang iiwan niya sa akin. Ayoko siyang sisihin, pero simula nang iwanan ako ni Bekah parang bumagsak yung buhay ko. Siguro, maling mali na umikot lang ang mundo ko sa kanya. Kaya nung nawala siya, gumuho yung mundo ko.

"Pierre? Okay ka lang anak? You seemed bothered son." Umiling lang ako at hindi na umimik. Pinatay ko na lang din ang phone ko. Baka kung ano pang Makita ko.

2 hours later.. nagising ako sa tunog sa ingay nila sa labas. Nag aaway ba sila? Dumungaw ako sa labas ng bintana. Where the hell am I?

Binuksan na ni Aunt nana ang pintuan ng van nang Makita niya na gising na ako. Bumungad sa akin ang mga taong mukhang hindi ko maintindihan. At yung salita nila? Parang alien. Napaka sakit sa tainga.

"Welcome to Pampanga! Sir!" Bumaba na ako sa Van. Nakangiti sa akin si Aunt nana. Sa lugar ng mga Mekeni at Ebun.

"Pierre anak.. ito pala si Bapang Mario, siya ang tatayong tatay-tatayan mo dito." Ngumiti ito sa akin pero inangasan ko lang. I almost forgot, sa Pampanga nakatira si Aunt Nana.

"Yung medyo ka edaran mo si Janus. Pwede kang mag patulong sa kanya." Mukha itong a-anga anga. At higit sa lahat? Ayoko yung porma niya. Parang iyong mga boy naming sa bahay. Akap akap ko yung back pack ko. Nakangiti lang ang mga ito sa akin.

"At yung matanda na naka upo doon si Apung Kulas. Siya yung tatay ko. Kaya sana anak, ituring mo rin siyang parang ako." Kung hindi ako nag kakamali nasa 70 years old na ang tatay ni Aunt Nana.

"Tapos na ba ang pag papakilala? Im fucking tired." Hinagod ako sa likod ni Aunt nana. "Anak, sila ang makakasama mo buong taon. Kaya sana.. pakisamahan mo sila ng maayos."

Nakipag usap si aunt na sa dialect nila. Mukha akong tanga na nakatayo sa isang tabi. Bullshit wala akong maintindihan.

"Ahh Pierre.. Okay na ba?"

"May magagawa pa ba ako? Wala na diba? Saan ako pwede mag pahinga? Pwede ba? Tama na yang mga intro niyo. Hindi naman sila importanteng tao kaya.. Huwag na tayong mag sayang ng oras."

Tumingin ako sa paligid. What the.. anong klaseng lugar 'to? Gawa sa mga kahoy ang mga bahay dito. Hindi lahat. Pero kalimitan sa mga bahay ay gawa sa kahoy. Rice fields. May iba't ibang puno. Akasya, Manga, Caimito, Duhat, mga gulay at kung anu-ano pa.

"Anong klaseng lugar to?"

"Probinsya?" Sabi ni Janus.. "Ahh, nakalimutan ko. Laking Menila ka nga pala. Paburan mo.. Ahhh Este, Hayaan mo. Kami bala(Bahala) sayo." Ano sila? Mga alagad ng mga minions? Taena, Ibalik niyo ako sa Manila!!

"What.. the.. actual.. fuck." I murmured.
"Kasanting na naman niyan. Nan ya lagyu?" Napatingin ako sa lalaking kamukha ni Bayani. Si Mario

"What? Pwede bang mag tagalog kayo? Baka mamaya pinag uusapan niyo na ako dito."

Ngumiti lang si Aunt Nana sa kanila. "Sabi niya, ang gwapo mo daw anong pangalan mo. Huwag kang mag alala. Hindi 'yon mangyayari. You are safe here."

Hindi ako umimik.

"Hey can you get me a glass of water?" Napatingin sa akin si Janus.

"Medyu malwalas ya ing turnilyu na ne?" Sabi nung kamukha ni Bayani kay aunt Nana. (Medyo maluwang ang turnilyo niya, ano?)

"My father paid for you! Para pag silbihan ako. Ano 'to gaguhan?" Nakatingin lang silang lahat sa akin.

"Pag epa tinuknang yan? Sapingan kune talaga." (Pag di pa tumigil yan? Dadagukan ko na talaga.) Sabi ni Janus.

KEKA KU, KAKU KAWhere stories live. Discover now