Last Note XD

53 3 13
                                    

Hi.
Hello?

NOTE:
[STORY STATUS: COMPLETED]

Sinimulan kong sulatin ang story na 'to last March 15, 2018 dahil sa tanong ng isa kong reader

"Paano po ako mapapansin ng crush ko kung parati akong iiwas sa kaniya?"

And then yung concept nung story nabuo. From the question How. I try na mag-isip ng ways then one time, I realized what if sa chat sila nakakapag-usap. What if doon sila mag-get-to-know.

Tama! doon ko na nga nabuo yung conversations nilang dalawa. Para may sense kuno yung story hehe de joke lang para may nilalaman yung love story nila. Kung papaano nila mas makikilala ang isa't isa at Kung paano sila magkikita ulit.

KATULAD ng favorite quotation ko na nakuha ko sa libro ni John Green na Paper Towns. "She always loved mysteries, that she became one". Gusto kong maging mysterious ang bawat isa sa kanila. sabihin na lang natin na dalawang anonymous strangers na nagpapalitan ng love letters sa isa't isa . Ganung feels pero modern time. :)

Gusto ko na maiba naman. Walang narrations, walang chapters puro days lang and of course time. Sa plot masasabi kong isa to sa mga naging favorite kong isulat kasi naglagay ako ng mga favorite quotations/lines per Days na naguusap sila.

Gusto ko rin na magwakas yung kwento ng may tanong sa isipan ng mga magbabasa or rather let their imaginations run. Kung anong mangyayari after. Kung may pag-asa bang maging sila. Or sabihin na lang natin na maka-relate ang lahat sa walang katapusang tanong na "Kami ba talaga ang nakalaan para sa isa't isa?"

Gusto ko rin na sa pagwawakas ng kwento may mapulot kayong aral. Na hindi lahat ng mga bagay na nagugustuhan natin ay madaling makuha. Kung minsan dadaan ka muna sa butas ng karayom para makuha ang mga iyon.:)

Pinangarap ko rin na makapag-travel abroad most specially sa Seoul, South Korea. kaya naisipan kong gawan ng scenes ang napakagandang lugar na yun. Aminin mo? nanunuod ka rin ng mga kdrama Ayieeee Di ba ? Di ba? Ha-ha-ha !

As of now, completed na 'tong story na to. Natapos ko siyang sulatin last December 18, 2018. Almost 1 year in the making ang pagsulat ko nito. Kaya gusto ko kayong pasalamatan sa walang sawang suporta niyo sa kwento nina Erika at Christian.
Maraming maraming salamat pooo sa inyooo.💖

Sa ngayon ulit, focus muna ako kay My Fangirl And I since napabayaan ko siya then sisingit ko si Something Has Changed na collaboration namin ng dyosa kong friend na writer.Cute po talaga si Mistyyy promise💕

About po sa sequel, Gagawa po ako but not now. Ang proposed title ko po is "FINDING SOMEONE"
Hindi ko muna bibigyan ng details para may thrill kayo Hahaha 😅

Ayun,Bye po muna at gusto kong mag-thank you po sa inyo. Hindi po ako titigil sa pagsulat.

Mahal ko kayo
Saranhaeyo! <3
*insert finger heart here*

-Kennethwritesstories-
Patuloy na manunulat para sa inyo💕

C AND E ( A WATTPAD ONLINE SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon