Episode 21 - In The Name Of Love

Start from the beginning
                                    

"Really, Rain? Sa harap ng pagkain?"

"Whatever."

"Pfft." Sa halip na siya ang mahiya sa alaalang iyon ay siya pa talaga ang naghalungkat. I mean, hindi ba nakakahiya na ang pribado mong parte ng katawan ay nakita at nahawakan ng iba?

Pero parang hindi ganoon ang kaso para kay Rain. Parang ako pa ang mas nakakaramdam ng pagkailang.

Sinimulan ko nang kumain at sinikap na hindi mapatingin sa kanya.

"It's a good day, right? A very peaceful morning." Mayamaya ay basag niya sa katahimikan sa gitna ng paghigop niya ng kape.

Tumingin ako sa paligid. Kanina ko pa nga iyon gustong sabihin dahil napakaganda ng araw. Maaliwalas ang asul na langit, mabini ang samyo ng malamig na hangin, at sa malayo ay tila kumakaway ng magandang umaga ang luntiang kagubatan.

Tumango ako habang nakangiti.

"Oo. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit tamad na tamad ka ngayong araw. I mean, kung lalabas ka, para bang ang daming magagandang bagay na naghihintay sayo. Alam mo 'yon?"

"Well, you're wrong. Kung lalabas ako para pumasok, hindi ko mapapansin ang paligid. Instead, I'd just be stressed out working all day."

Hmm. May point siya. Pero parang dahilan lang niya iyon at wala talaga siyang balak na pumasok. Hindi ko na lang iyon isinatinig dahil baka mawala pa siya sa mood at masira ang araw niya kung pipilitin ko siyang pumasok.

Mainam nga at marami akong time para makapili ng murang DVD player para sa kambal.

"Ahm. May gagawin ka ba ngayon?"

"Wala. Why?"

"Ah. Sama ka na lang sa akin. Kung gusto mo lang."

"Saan?"

"Nagpapabili kasi ng player 'yung kambal. Titingin ako sa mall."

"Okay."

Namamanghang napatingin ako sa kanya. Ganoon kadali?

"What?"

"Wala naman." Umiling ako at ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain.

Nang makayari kaming kumain ay ako na ang naglinis.

"I'll just take a shower." Paalam niya na sinagot ko ng tango.

Habang hinihintay siya ay nag-vacuum ako ng carpet at naglinis ng kusina.

Hmm. Napangiti ako nang wala akong nakita kahit isang lata man lang ng alak sa paligid. Good.

"Haru!"

"Oh!"

"Come here."

Itinabi ko ang ginamit kong basahan at nagpagpag ng kamay habang patungo sa kwarto niya.

"Bakit?" Nakasilip sa pinto na tanong ko.

Nakatayo siya sa harap ng full-length mirror saka iwinagayway ang suot na short-sleeved navy blue polo. "Isara mo."

"'Di mo kaya?" Kunot-noong tanong ko habang palapit sa kanya.

"Kaya."

"Bakit nag-uutos ka pa?"

"Because it's easier that way."

Sinimulan kong i-butones ang polo niya sa itaas, hindi dahil ayaw kong makita ang dibdib niya. Ayaw ko lang magkasala.

"Susunod ka rin naman pala ang dami mo pang tanong."

Iningusan ko lang siya at hindi pinansin. "Okay na."

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Where stories live. Discover now