Maraming case ng alak, pulutan at videoke ang inihanda ni Gomer sa kanilang bakuran. Mistulang may malaking birthday party dahil kumuha pa ito ng catering para sa buffet na ihahain sa labas. "Ayos ba?" naka ngising tanong ni Gomer noong lumapit sa akin.

"Akala ko ay simpleng inuman lang, ilan ba ang bisita mo?" ang tanong ko

"Edi yung mga kaibigan ko sa compound. Alam mo naman na bago palang ako sa grupo kaya kailangan mag palakas. At huwag kang mag susumbong kina mama at papa dahil malilintikan ka sa akin." ang pag babanta nito sabay dikit ng kanyang kamao sa aking ilong. "Babasagin ko itong ilong mo, hihilahin ko yang dila mo at dudukutin ko iyang eyeball mo kapag nag salita ka. Shut up ka lang okay."

Hindi naman ako nag salita, tumango lang ako bilang tugon.

Alas 5 ng hapon noong dumating ang mga kaibigan ni Gomer, lahat ng ito ay mga kabarkada niya sa compound. Bukod kina Johan, Bogs ay marami pa ang dumagsa na parang parada ng mga gwapong lalaki na galing doon sa Bagong Buhay Street. Ang bawat isa sa kanila ay talagang astig, cool at maporma kung manamit.

Party party sila sa bakuran, maingay, tawanan, kwentuhan at kung ano ano pa..

Samantalang ako naman ay tumutulong sa mga kasambahay sa pag lalabas at pag liligpit ng mga maruruming plato at baso na naka kalat kung saan saan.

Habang nasa ganoon posisyon ako ay nakita kong kinakambatan ako ng isang kabarkada ni Gomer doon sa table. Para akong isang waiter na kanyang tinawag. "Ako ba?" tanong ko

"Oo ikaw." naka ngiti niyang sagot. Gwapo rin ang isang ito, parang may lahing amerikano. "Bakit?" tanong ko

"Ikuha mo nga ako ng yelo doon. Bilis ah. Baka mapanis itong alak." utos niya

"Hindi naman napapanis yung alak e." ang sagot ko.

"Bakit marunong ka pa sa akin? Napapanis ito at nagiging suka kapag matagal na naka bukas. Kuha kana, dali na." ang utos nito.

Maya maya lumapit sa akin si Gomer at bumulong. "Si Shan Dave iyan, sundin mo na bago ka upakan. Dali na! Ano mga pare enjoy ba kayo diyan?" ang tanong pa niya sa mga kabarkada

"Oo naman, maganda sana kung may babaeng sasayaw." ang wika ng mga ito.

Tawanan..

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Agad akong kumuha ng isang bucket na yelo at ibinigay kay Shan Dave. Aalis na sana ako nang tawagin naman ako ng isang lalaki sa kabilang table.

"Ako?" tanong ko ulit

"Oo ikaw nga, bakit may iba pa ba?" tanong nito.

"Bakit?" tanong ko ulit nung makalapit sa kanya na may halong pag tataka. Ito yung lalaking madalas kong nakikita na nakatambay doon sa bungad ng kanto ng kanilang compound.

"Oh eto kunin mo." ang naka ngiting wika niya sabay abot sa akin ng isang asong chow chow, may sumbrero pa ito at sapatos. "Ano ito?" tanong ko na may halong pag tataka.

"Edi aso. Ngayon ka lang ba naka kita ng aso? Gusto mo idog style kita mamaya para maging aso kana rin? Alagaan mo muna iyang si Badtrip, wala kasing tao doon sa bahay kaya isinama ko siya rito. Priority iyan ha, bawal siyang iwanang mag isa dahil iiyak iyan at mag tatampo. Kung sakaling lumindol ay isalba mo yung aso, kahit kainin kana ng lupa basta make sure na ligtas si Badtrip okay?" ang wika niya

"Arf! Arf!" ang tahol ng aso..

Kinuha ko ang aso at dinala ito doon sa balkunahe. "Hoy, ingatan mo yung aso ni Pareng Raul. Parang anak na niya iyan kaya pag igihan mo ang pag aalaga." ang wika naman ni Gomer noong makita akong may buhat buhat na asong naka dila.

The Last Pogi (BXB 2019)Where stories live. Discover now