Prologue

3 0 0
                                        


***

Roosevelt Academy- eskwelahan ng mga estudyandeng tulad ko na may angking lakas. Ang eskwelahan kung saan nakarank ang bawat estudyante ayon sa kani-kanilang abilidad, ugali, at pagkakakilanlan.

Ang School of Roosevelt o kilala sa tawag na Roosevelt Academy ay may basehan para makapasok at makapag-aral ang isang natatanging estudyante. May roon silang Rank Level kung tatawagin, na kung saan napapabilang ang mga estudyante ayon sa kani-kanilang abilidad.

Rank 10- mga estudyanteng bagohan at wala pang kaalam alam sa kapangyarihan nila. Kailangan nilang makapasa sa bawat pagsusulit para mapabilang sa rank 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, at higit sa lahat sa rank 1.

Rank 9-6- sila ang mga estudyanteng unti unti nang nalalaman ang kani-kanilang kakayahan. Araw araw may pagsusulit na nagaganap na kung saan pinipili nila ang may angking lakas at talino para mabilang sa rank 5 hanggang rank 1.

Rank 5-2- mga estudyanteng napapabilang sa higher rank. Sila ang nagsisilbing "ace" ng eskwelahan. Sila ang may natatanging kakayahan at ang pinakamataas sa lahat ng rank. Only one has the highest level of ability to change the Rules.

Lahat ng students ay may kanya kanyang unique tattoo sa leeg o sa wrist base sa powers nila.
(If you're a transferee or a new student, hindi pa lalabas ang unique tattoo mo sa katawan, unless you already know what your ability is.)

Kung gusto mong mapabilang sa higher rank, kailangan mong pumatay ng estudyanteng napapabilang sa rank 5-1 para makuha ang inaasam na Rank level.

At higit sa lahat huwag na huwag kang mahuhulog sa kapwa mo estudyante.

Everytime you fall in love, you lose your ability, everytime someone falls in love with you, you get a piece of their power. You die when you run out of power to give. One who never found love and the other who makes people fall in love with them to resolved their life.

Kung gusto mong tumagal sa academy, kailangan mong sundin ang mga rules. Kailangan mong maging matatag at huwag na huwag kang magtitiwala sa kahit kanino. Tandaan, lahat ng taong itinuring mong kaibigan ay nagbabago.

****

THE BIRTH OF AN IMMORTAL Stories to obsess over. Discover now