Episode 20 - Giggles

En başından başla
                                    

Kung sino man si Summer sa buhay niya ay tiyak na may malaking parte siyang inokupa sa puso ni Rain.

At hindi ko maiwasang makaramdam ng pinong kurot sa puso ko. Siguradong espesyal siya kay Rain.

Napakaswerte niya.

"We grew up together. Magkasama kami sa lahat ng pangyayari sa buhay ng isa't isa. Malungkot. Masaya. Lahat.

"I even thought to myself na hindi ko kailangan ng maraming kaibigan, dahil si Summer lang ay sapat na. Which he was. But then one day he had to go overseas para magpagamot.

"He left without even a single goodbye. And... he only came back just to leave me for good." Padabog niyang pinahid ang kanyang pisngi at nakangiting yumuko.

"He gave me this bracelet a day before he left." Itinihaya niya ang palad at tinitigan ang pulseras. "Regalo raw niya sa akin. I told him I got him nothing. Pero hindi siya nagreklamo. He said it was okay dahil binigyan ko naman siya ng kwintas noong birthday niya. That's how kind he was. He never asked for anything. Never.

"All he wanted was to go out and see the world. Play like a normal kid. Grow up like every stupid teenager. But...

"Bakit iyong mabubuting tao pa ang kinukuha ng Diyos?" Puno ng pait na tanong niya sa akin habang nangingilid ang mga luha.

Umiling ako kagat ang pang-ibabang labi at pilit na ngumiti. "Siguro, dahil mabubuti sila at ayaw ng Diyos na mabahiran pa ng kasamaan ang pagkatao nila. Siguro, dahil gusto na Niyang makasama sila."

"That's unfair. Paano naman iyong mga taong iniwan nila? What about those people that love them? God is so unfair."

Katahimikan.

Alam ko na ngayon ang pinanggagalingan niya. Ang pinagmumulan ng mga hinanakit niya. Kaya wala akong karapatang sawatahin ang pagdaramdam niya.

"Hindi kita masisisi o pagbabawalang tanungin ang Diyos. Kahit ako, kung minsan, maraming bakit na itinatanong sa Kanya. At hindi ko agad nakukuha ang sagot Niya.

"Pero lagi mong iisipin na lahat ng nangyayari ay mag dahilan. Hindi mo man malaman ngayon kung ano iyon, siguradong malalaman mo iyon pagdating ng tamang panahon. Kapag handa ka na. Kapag mas malakas ka na."

•••

"Sigurado ka? Ayaw mong.. maglibot gano'n? Para malibang ka."

"Yeah. Gusto ko munang mapag-isa."

Tumango ako. "Okay. Alis na 'ko."

Tumalikod na ako at akmang sasakay nang pigilan niya ako sa siko.

Nagtataka ko siyang nilingon.

"Thank you." Tila nahihiya niyang sabi.

Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.

"'La 'yon. Sige. 'Wag kang mag-iinom ha?"

Bahagya siyang ngumiti at umiling. "You're gonna take care of me anyway. Right?"

Pabiro kong itinirik ang mga mata ko habang nakangiti. "Basta uupahan mo na ako next time." Sinundan ko iyon ng maigsing tawa na ikinangiti niya at nagpaalam na ako.

Kailangan niya ng oras na mag-isa at nirerespeto ko iyon. Ang hiling ko lang ay magbago na ang pananaw niya sa buhay. At magkaroon ng mas positibong pagtanggap sa mga bagay-bagay.

•••

*Rain*

I really meant it when I thanked Haru. Para bang may mabigat na bagay sa dibdib ko ang nawala na kahit paano ay nakapagpagaan ng kalooban ko.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin