One

2 1 0
                                        

"STILL HER"

👧:Gusto kita.
👦:Huh? May sinasabi ka?
👧:W-wala a. Haha. Tara na sa loob.
👦:Sige
______________________

👧:Mark, si ate Shane pala. Wala sila mama e.
👦:Hi.
👩:Hello.Leslie,may nakahandang meryenda dun sa kusina. Magmeryenda muna kayo.
______________________

👦:Ang ganda ng ate mo.
👧:Syempre. Tingnan mo nga ako. Nasa lahi na kasi iyan. Mas nangibabaw lang iyong sa akin.
👦:Balakajan. HAHAHA. 'Di nga, parang crush ko na--
👧:Sige. Kain na tayo.

___________________

👦:Bye.
👧:Bye. Kita na lang tayo bukas.
👦:Sige.
____________________

👩:Pogi naman no'n.
👧:Nino?
👩:Nung kaibigan mo.
👧:O crush mo?
👩:Oo HAHAHA.
👧:Kasuhan kaya kita ng child abuse?
👩:Age doesn't matter nga' di ba?
👧:Tigilan mo nga ako.
👩:HAHHAHAHA.
_________________________

👦:Pahingi naman ako ng number ng ate mo.
👧:Bakit? Para sa'n?
👦:A-ano--basta.
👧:Ayoko nga.
👦:Dali na.
👧:Manahimik ka nga.
👦:Dali na kasiii. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan?
👧:*sigh* eto o.
👦:Thank you!
_____________________

👩:May sasabihin ako!
👧:Ano iyon?
👩:Nanliligaw sakin si Mark!
👧:S-sinong Mark?
👩:Yung kaibigan mo duh?!
________________________

👧:Mark!
👦:Leslie! Bakit?
👧:May sasabihin ako.
👦:Ay. May sasabihin rin ako sa'yo. Sige una ka na.
👧:*huminga nang malalim* G-gusto kita.
👦: Eh?
👧:Gusto kita. Gusto kita dati pa pero syempre natatakot akong sabihin sa'yo kasi baka masira yung friendship natin e alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko tapos baka mawala ka pa kapag nalaman mo yung totoong nararamdama ko sa'yo. Napag isipan ko nang magtapat kasi nabalitaan kong n-nililigawan mo na si a-ate. Baka sakaling m-magbago isip mo. H-he he.
👦:....
👧:O a-ano na ngang sasabihin mo?
👦:Ano kasi, L-leslie. Uhm, kami na ng ate mo.
👧:....
____________________

👦:Leslie, tulungan mo naman ako o.
👧:Saan?
👦:Mag iisang taon na kami ni Shane. Anong pwede kong pakulo?
👧:.....
___________________

👩:May itatanong ako sayo.
👧:Ano iyon?
👩:Ano bang mga gusto ni Mark? Magkaibigan naman kayo 'diba? Wala na kasi akong maisip na ipangregalo sakanya e.
👧:....
______________________

👦:*humagulgol*
👧:*tinapik tapik ang likod*Oy tigilan mo na nga iyan. *sigh* Tanggapin na lang natin--
👦:TANGGAPIN?! Ano ka ba? 'Di ka man lang ba nalulungkot na namatay na ang ate mo?! Hindi ba't mas malungkot ka dapat kasi nawala na iyong kapatid mo?!
👧:....
👦:TIGILAN MO MUNA IYANG NARARAMDAMAN MO SA'KIN, OKAY?!
👧:A-ano bang pinagsasabi mo?
👦: 'Diba may gusto ka sa'kin? Ngayong wala na ang ate mo ay akala mong may pag-asa ka? May pag-asang maging tayo?!
👧:PAANO KAPAG SINABI KONG OO?! NASASAKTAN KA KASI NAWALAN KA NG GIRLFRIEND KAYA PAANO PA AKO?! PERO OO! MAY KAUNTING TUWA DITO SA PUSO KO KASI NAWALA NA IYONG KARIBAL KO! NAGBABAKASAKALI AKO NA BAKA PWEDENG MAGING TAYO! AKO IYONG NAUNA E PERO BAKIT SIYA YUNG PINILI MO?! Ano bang meron siya na wala ako?!
👦:Ang puso ko.. Nasa sakanya ang puso ko. Siya ang mahal ko. Kung ikaw ay siya baka minahal kita.
👧:.....
👦:Ibig kong sabihin ay kahit baliktarin mo man ang mundo siya pa rin ang mahal at mamahalin ko. Sorry, pero kaibigan lang talaga kita.

_________End_________

LalisangDonde viven las historias. Descúbrelo ahora