"Eto ang uso ma, kain na kayo!" naka ngiting wika nito sabay sumpak ng itlog at manok sa kanyang bibig saka ngumiti.

Susyalin pa naman ang kanyang mga magulang, ang ibig kong sabihin ay sanay sila sa pino at kagalang galang na kilos ng kanilang anak kaya medyo na sshock pa sila sa mga pasabog nito.

Ala 1 ng hapon noong pumasok kami sa Campus, katulad ng dati agaw pansin nanaman ito sa kanya suot na unipormeng body fit, pakat ang kanyang matipunong dibdib at ang pantalon ay hapit sa kanyang hita. Nakasuot pa ito ng salamin sa mata na parang genius na gwapo ang datingan. Pag pasok palang sa department ay agad na siya inabutan ng regalo ng beking taga hanga.

Naka ngiti naman niyang kinuha ang mga ito bago pumasok sa student center kung saan naroon ang kanyang opisina sa SSC. Samantalang ako naman ay dumiretso na sa aming silid aralan. Ganyan talaga ang buhay ni Gorien, marami itong trabaho at projects sa council, kung minsan ay talagang hindi na ito nakaka attend ng discussion dahil sa sobrang abala niya pero lagi pa rin siyang nag t-top at namamayagpag. Kabilang naman ako sa top 10, sadyang talo lamang ako sa mga extra curricular activities na may puntos sa ilang piling subjects kaya madalas ay bumabasak lamang ako sa pang 7 o 8 pwesto.

"Himala, hindi ka yata naka buntot sa amo mo?" bungad ni Yel noong umupo ako sa kanyang tabi

"Nandoon siya sa opisina ng council, inaayos yung mga activities ng SC sa darating na foundation day." tugon ko naman

"Alam mo, mahirap maging jowa iyang si Gorien, bukod sa mataas na level ng pamumuhay niya, matalino pa at tiyak na mawawalan siya ng oras sa iyo. Ilang babae na rin dito ang naka flirt niyan, alam mo yun, iniyot lang tapos ay hindi na pinansin. Lalo na yung mga miss campus natin na bumibigay agad. Gwapo kasi, maganda ang katawan at pinapatasya ng lahat." sagot niya.

"Iyon ang mga bagay na hindi ko maaaring pang himasukan sa buhay ni Gorien, basta kung anong gawin niya ay nakasuporta lamang ako." ang wika ko habang inaayos ang aking mga gamit.

"Alam mo kapag palagi kang naka dikit dyan kay Gorien ay hindi malabong mag kagusto ka sa kanya." biro niya

"Hindi ako bakla, hindi ako mag kakagusto sa isang lalaki." ang sagot ko naman.

"Hindi mo masasabi iyan, yung mga siga nga at maton ay nag nakakagusto sa kapwa niya lalaki e. Walang pinipiling kasarian ang pag mamahal, basta tumama iyan sa iyo, BOOM! Sapul! Wala kang magagawa kundi ang hawakan ang puso mo at sisihin ito dahil sa abnormal na pag tibok na mararamdaman mo. Para kang tinamaan ng imbisibol na bala, at mamalayan mo nalang na patay kana, patay na patay sa kanya." naka ngising wika nito.

"Hindi mangyayari iyon. Gusto ko pa rin sa babae ako babagsak at babae rin ang makakatuluyan ko." ang tugon ko naman.

"Hindi natin masasabi iyan." naka ngisi niyang hirit.

Alas 5 ng hapon noong matapos ang aming klase, katulad ng dati ay pupunta ako sa students center para daanan si Gorien. Tiyak na marami nanaman itong dalang alay, ang ibig kong sabihin ay regalo ng mga estudyanteng lubos na humahanga sa kanya.

Malayo layo pa ako sa center ay nakikita ko na ang maraming estudyante na naka pila dito. Nag kakagulo sila, karamihan ay mga babae at beki. Ang iba ay kilig na kilig at napapa tili pa habang nakatayo sa kanilang mga pwesto.

"Anong meron?" ang tanong ko sa isang freshman na beki na nakatayo sa pinaka likod.

"May pa special event si President Gorien ngayon. Nag bebenta sila ng super surplus cellphone 50% OFF! Parte raw ito ng fund raising event nila. At saka mahaba talaga ang pila lalo't dumating yung kaibigan niyang super hot at super gwapo! Hay hindi ko na kaya, parang aatakihin ako sa heart mga bakla!!" ang maarteng salita nito

The Last Pogi (BXB 2019)Where stories live. Discover now