"Tsk." Parang nairita siya sa dalawa.

Nag-sorry naman yung dalawa, pero nilagpasan lang sila ni C-J. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa napadako ang tingin ko sa buteteng nakatayo sa pinto habang nakapamulsa. Tss.. mukha siyang espasol na di mapaliwanag.

Kanina pa pala siya nakatingin sakin hindi ko namalayan na kanina pa din ako naka tingin sakanya,iniwas ko agad yung tingin ko sakanya.

Bahala siya sa buhay niya.

Tinignan ko ng masama yung dalawa. Ihhh! Dahil sakanilang dalawa umalis si C-J! Humada sila pagkalabas na pagkalabas ko dineh!


Wayne

Dapat pala itonuloy ko nalang yung pag-manman ko sakanya kanina, edi sana ako yung naghatid sakanya dito at hindi yung si C-J.

I dont know why, but i feel strange nowadays.. Hindi ko alam kung anung nangyayare saakin, palagi nalang akong di mapakali parang may mang-yayaring di mo alam kung maganda ba o masama. Napatigil ako sa pag-iisip, nakatingin si Cherry saakin.. wait kanina pa ba ako nakatingin sakanya habang nag-iisip ako?

Agad niyang iniwas yung tingin niya saakin at tinignan ng masama yung dalawa niyang kaibigan.

Masama ba yung loob niya sa kanilang dalawa dahil pumunta sila dito kasama ako or masama yung loob niya dahil naputol yung moment nila ni C-J---

What the fvck?!

I suddenly felt irritated nung maisip ko yung mag-kasama sila ni C-J sa iisang kwarto. Hindi ako nag-seselos, naiirita ako baka kase masira yung plano ko dito sa babaeng to.







"Sigurado ka bang ayos kana?" Pang-ilan na yan, isa pa masasabunutan ko na tong babaeng to. Tumango nalang ako dahil wala ako'ng masabe.. na mental block siguro ako dahil sa bigla niya kaming dinalaw at pinagsilbihan.

"Kain ka na Cherry" Sabi niya at nilapit ang plato'ng may itlog at hotdog, at saka ang isa pa'ng kinagulat ko ay nakapag grocery siya ng mag-isa.

Last time namin siyang nakita is the day that my mom died.. so strange, ba't ngayon pa siya nagpakita kung kailan ayos na ang buhay namin ni Chantine.

"Kain ka lang Chantine." Sabi niya at hinimas ang buhok ni Chantine.

"Ba't ngayun ka pa nagpakita, LOLA?" Tanung ko habang may diin sa lola.

"Alam ko'ng galit ka saakin apo.. Sana maitindihan mo na may inasikaso ako'ng mahalaga kaya't hindi ako makapunta sainyo." Paliwanag niya, napakunot ang nuo ko.. hindi niya na kami maloloko pa.

"Mas mahalaga pa kesa saamin?" Tanung ni Chantine na siyang kinagulat ni lola.

Hindi ko ineexpect na magsasalita si Chantine ng ganoon.. hindi ko naman siya tinuruan ng ganiyan. Maayos ko'ng pinalaki si Chantine yun ang pinangako ko kay mama.

"Chantine.." sabi ko na siyang dahilan para mapayuko siya at mag-sorry kay lola.

Alam ko'ng malaki ang kasalanan ni lola saamin, pero hindi parin mababago na kadugo namin siya kahit pagbaliktadin pa ang mundo lola pa din namin siya, kahit ayaw ko.. kadugo parin namin siya at hindi na yun mababago kahit umiyak pa ng dugo ang aso ng kapitbahay namin.

"I-i didn't expect that coming." Sabi niya at tumingin saakin, " Chantine, maglibot tayo? Kahit saan mo gusto." Pag-aya niya kay Chantine, tinignan ako ni Chantine na para bang humihingi ng permiso. Tumango ako.

Oo galit ako kay lola, ngunit ayaw ko'ng ipagkait ang karapatan niya kay Chantine.. kagaya ng karapatan niya saakin, pinagdimot niya. Palagi niya'ng sinasabi na busy siya pag nagaaya ako lumabas, samatalang nakita ko sila ng pinsan ko na naglilibot noon.

Umalis sila at inutusan ni lola ang kasama niya'ng maid na linisin ang pinag-kainan namin, Nang makaalis na sila ay dali-dali ako'ng pumunta sa kwarto at nagbihis.. akala nila sila lang ang may gala. Bago kase ako lumabas ng ospital sinabihan ako ni Azzi na magkikita-kita kami sa Computer Café na ngayon ko palang mapupuntahan. Wala daw kase siya'ng kalaro kaya inaya niya kami.

Pagkatapos ko'ng mag-ayos nilagay ko yung cellphone ko sa bulsa ng jeans ko at lumabas ako ng kwarto, akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla ako'ng pinigilan ng maid.

"Sorry ma'am.. pinagbilin po kase kayo sakin." Tinignan ko siya, nagpilit ako ng tawa yung tipong halatang pilit pang, "ah--- ganun ba? Paki sabi sa amo mo di ko kailangan ng paghihigpit niya." Sabi ko at binuksan ang pinto.

"Oh! San ka pupunta?" Tanung ng lalaking walang buhok at nakasalamin na akala mo napaka sikat ng araw samantalang na haharangan ng mga ulap ang araw-- naka black suit din siya..

"Bakit? Sino ka ba, huh?" Tanung ko nasa likod ko ang maid.

Mukhang trap ako dito, unti-unti ako naglakad papunta sa guard at pinatalikod siya.

"Basta tumalikod ka nalang!" Inis ko'ng sabi, ang sarap ikaskas ng ulo niya sa sharpener kung may pagkakataon nga lang na magawa ko iyon.

Ayaw niyang tumalikod, edi ako yung pumunta sa likod niya at kunwari may kinukuha'ng kalat, haba'ng yung maid naman para'ng may tinatawagan kaya dinalian ko ang ginawa ko at binatukan ang makinis na ulo ng guard.

Kumaripas ako ng takbo dahil hinahabol ako ng guard at maid. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa di ko na alam kung nasaan ako. Hindi pa din sila sumusuko kaya mas binilisan ko na rin yung pagtakbo ko at saktong may nakita ako'ng malaking bahay, bigla ko iyong binuksan sakto pa talaga'ng di nakalock yung gate.

"Doon ka! Dito ako!" At success ang aki'ng plano! Aalis na sana ako ng biglang..

"S-sino ka?! Kuya! May magnanakaw!" Sigaw ng babae, parang napaka pamilyar ng mukha niya hindi ko lang alam kung bakit.

Bigla naman ako'ng nataranta ng kumahol ang aso na di ko alam kung saan nanggaling. Woah! May portal ba dito? Ang naalala ko walang aso dito nung pumasok ako.

Nagulat nalang ako dahil sa nakita ko, hindi sa aso kung hindi taong may hawak ng tali ng aso at parang nagpapanic ito.

Hahaha! Napaka angas

--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Total Opposite [7-Teen Series)Where stories live. Discover now