Chapter 9

72 3 2
                                    


NAKAKABINGING Katahimikan, muntik na yata mabasag yung eardrums ko sa katahimikan. Andito padin ako sa ospital at---
Nasa harap ko ngayun si C-J

Dug.dug.dug.dug

Oh! Heart yan ka nanaman! Umusog ako papalayo sa kanya baka kase marinig nya yung tibok ng puso ko. Nakakahiya! Nakatingin pa naman sya sa sakin Ihhhh!

Kaya pag tumitingin din ako sa kanya ay deretso sa mata, na syang dahilan ng pag-iinit ng pisnge ko. Kaya yumuyuko nalang ako para hindi niya makita ang pisnge kong namumula, at saka ayaw ko'ng mapahiya noh!

"S-salamat." Sinubukan kong tumingin sa kanya, pero nabigo ako. Ikaw kaya! Nasa harap mo ngayon yung crush mo tapos hindi mo ayos ang sarili mo'ng puso dahil nakatingin siya ng deretso saakin.

"Walang anuman." Ganun pa rin sa dati.. cold ang hirap niya talaga mapasaya lalu na kapag ganitong harap-harapan.

Sumosobra na sya..

Huminga ako ng malalim "Ba't ba ang cold mo?" Kung kanina ay nakayuko lang ako, ngayon ay diretso na akong nakatingin sa kanya, Tinignana niya ako at sinasabing what-do-you-mean look.

"Di ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano tumawa? O ngumiti manlang?" Hindi ko na napigilan.. sumosobra na kase siya, palagi nalang cold ang pinapakita niyang expression. Hindi niya ba alam na nakakabagot?

Pero, mga bes walang talab.. Napapikit nalang ako at minasahe ang sintido. Para s'yang bato ang hirap basagin. Napatigil ako ng may marinig ako. Teka! Tumawa ba siya? gulat ako'ng ako napatingin sakanya, totoo ba itong nakikita ko ngayon? O nanaginip lang ako?

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at pinikit-pikit ito ng ilang beses at muli ako'ng tumingin sakanya. Totoo nga! may maliit na ngiti sya sa labi. Emeged mge beshe! Ang pogi pala nya pag-nakangiti kahit maliit lang yun. Kinikilig ang inner self ko ng dahil lang sa maliit na ngiti, ngunit di parin ako makapaniwala na naka ngiti siya ngayon! Yaah!!!

Dug,dug,dug,dug

Ayan nanaman yung puso ko! Bweset, pero ang ganda ng ngiti nya. Nawala yung ngiti nya nung may kumatok. Na s'yang nag pa disappoint saakin. Ano ba?! Hindi pa tapos ang mag-susuri ko sa maliit na ngiti ni C-J. Agad yung bumukas at niliwa si.. arghh! Anu bang ginagawa niya dito?! At bakit n'ya kasama sila Azzi at Vinna?

"Cherry!" Sabay silang sumigaw at tumakbo papunta sakin, Nakatanggap ako ng mahigpit na yakap, parang di kami nag-kita ng isang dekada ahh.

"H-hindi ak-o makahinga"

Agad naman bumitaw saakin ang dalawa. Tinignan ko sila ng masama, dahil kase sa kanilang tatlo nasira ang moment namin ni C-J-- di ko tuloy natitigan ng matagal yung maliit niyang ngiti.

Dapat pala kinuha ko yung cellphone ko tapos kinuhanan ng marami ang ngiti niya. His smile is so precious to me. Yan! Napapa-English si mayora dahil sa maliit na smile lamang.

"Anung ginagawa nyo dito kasama yang buteteng yan?" Tanung ko habang nakataas ang isa'ng kilay. Akala niya makakalimutan niya yung sinabi niyang masakit sa tenga tapos yung pinatakbo niya ako hanggang 3rd floor.

"Pinilit ko kase sya na sumama dahil wala kaming masakyan.." tugon ni Azzi habang nakangiti. Kahit na linggo ko palang na kilala si Azzi ay alam ko na nagsisinungaling siya.

"Ay sus! Ang sabihin mo hinarang mo yung kotse nya at bigla nalang pumasok sa loob."

At nagsimula na silang magbangayan, pipigilan ko na sana sila kayalang natigil sila nung biglang tumayo si C-J. Ayy paktay silang dalawa. Parang nakakita yung dalawa ng multo dahil sa takot.

My Total Opposite [7-Teen Series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن