Sunny

14 1 0
                                    

My Sunshine
A one shot story

Niquie

HUMAGULGUL siya kasabay pagbaba niya ng telepono.

"Niq, ano? Kamusta?" tanong ni McKayla. Umiling ito at napaluha ulit. Niyakap siya ni Mc at hinagod ang likod. Pagtapos nito ay agad na silang umalis.


  ❀ ❀ ❀  


"You are my sunshine. My only Sunshine. You makes me happy when skies are gray. You never know dear, how much I love you. Please don't take my Sunshine away..." tumigil na siya sa pagkanta dahil nakita niya ang anak niyang bumabagal na ang paghinga, tulog na ito. 

Sekreto siyang napaluha. Naalala na naman niya 'yong sinabi sa kanya ng kanilang kapitbahay bago siya pumunta sa ospital.

"Desgrasyada kasi ang gaga. Kaya siguro nagkakaganyan ang anak." narinig niyang sabi ng isa niyang kapitbahay. 

Ang alam ng karamihan ay nabuntis lang siya nang maaga ng nobyo niya noong siya'y dyesisais anyos at nang nalaman nitong butis siya ay hiniwalayan siya. Pero ang hindi nila alam lahat ay ginahasa siya ng kaibigan ng kanyang kapatid. Walang alam ang ibang taong nasa paligid niya ngunit kung makahusga ang mga ito ay parang kabisado nila ang bawat istorya.

Pinunasan niya ang mga tumakas naluha at palihim na pinipigilan ang mga hikbi para hindi magising ang kanyang anak. Mag iilang taon na rin silang pabalik-balik sa ospital na ito. At ngayong buwan ang sabi ng doktor ay dapat na itong mamalagi sa ospital dahil nanghihina na ang kanyang katawan. Dahil na rin siguro sa mura nitong edad ay hindi nito kinakaya ang mga gamot na binibigay sa kaniya. Kahit masakit sa kanyang makitang tinuturukan ito ng kung anu-ano ay tinitiis niya para lang gumaling ito.

Nagmulat ng mata ang kanyang anak at sinabing, "Mommy, puwede na po ba akong lumabas ng ospital? Namimiss ko na po ang mga kaibigan ko sa school at baka mahuli na ako sa klase. Malapit pa naman na akong mag college." sambit nito. Nginitian niya ito, "Sunny anak, alam mo naman ang sagot d'yan diba?" sagot niya sumimangot ang kanyang anak. Putlang putla na ang labi nito at lagas na rin ang buhok dahil sa pagkiChemotherapy.

"Pero ma, bagot na bagot na ako dito." pagmamaktol nito. Nag isip siya ng pambawi dito, "'O sige, ganito. Bibilhan na lang kita ng libro na gusto mong basahin para di ka na mabagot." nagliwanag ang mukha ni Sunny.


  ❀ ❀ ❀  


Naluha siya sa nakita niya. Putlang putla na ang anak niyang si Sunshine. Lantang gulay na ito. Tinignan siya ng doktor na nasa loob ng k'warto ng kanyang anak. Tumango lang siyang nanginginig at nangingilid ang luha. Hinagod naman ni Mc ang likod niya.

"M-mommy..." sa sobrang panghihina nito ay hindi na ito makapagsalita ng maayos. Halos bulong na lang. Ngumiti siya sa anak kahit na para na siyang pinapatay sa nakikita niya. Mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa makitang nagkakaganito ang kanyang anak. 

Nilapitan niya ito, "Ano ang gusto ng Sunshine ko?" hinimas nito ang kamay ng anak na may suero. Pagod na dumilat ang isa nitong mata, "M-ma, s-sorry kasi-" hindi na niya pinagpatuloy ang sasabihin ng anak niya dahil mas lalo lang itong manghihina kung mag sasalita pa ito. 

"Naiintindihan ko, Sunny. Naiintindihan ni Mommy. Kaya wag kang mag alala ha?" hindi niya mabigilang hindi umiyak. Sobrang sakit nang pangyayari na ito sa kanya. Bumuntong hininga ang anak niya, "M-ma, pagod n-na ako..." may tumakas na luha sa mga mata ni Sunny.

"Sige anak. Kung pagod ka na talaga. Pahinga na anak ko. Pahinga ka na." pumipiyok na ang boses niya at humagagulgol na siya. Humawak sa kanya ng mahigpit si Sunny, "M-ma, puwede mo p-po ba... a-akong kantahan ng k-kantang k-kinakanta mo p-po sakin para... makatulog p-po... ako?" huling hiling ng anak niya. 

Tinuyo niya ang mga luhang nasa pisngi niya, "Oo naman." unti unti itong pumikit.

"The other night dear, as I lay sleeping
I dreamed I held you in my arms
But when I awoke, dear, I was mistaken
So I hung my head and I cried..."


Pabagal ng pabagal ang hinga ng anak niya. Hinihimas himas niya rin ang mukha nito. Pahinga ka na anak ko. Wag mong aalalahanin si Mommy. Magiging okay din si Mommy. Matatanggap din ni Mommy basta hindi ka na niya makikita na nahihirapan. Ayokong nakikita kang nahihirapan.

"You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are gray.." 


NagfaFlatline na ang heart rate niya. Parang sinasakal ang puso niya dahil doon.

"You'll never know dear, how much I love you
Please don't take... my Sunshine-..."


Bumitaw na sa pagkakahawak si Sunny. Maraming doktor at nurse ang pumasok sa k'warto ng kanyang anak. Sinusubukan nilang irevive ito. Nilagyan na rin ito ng oxygen. Habang abala lahat sa pagrerevive sa kanyang anak, siya naman ay nasa iisang sulok ng k'wartong iyon. Humagulgol na siya at niyakap siya ni Mc. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak dahil wala na talaga itong pag asa sabi ng doktor na tumawag sa kanya kanina. Sunshine has a Stage 4 Leukimia.  Isang matinis na tunog ang pumukaw ng pansin niya. Nagflatline ang heart rate niya.

"Time of death. 11:48 pm." sambit ng doktor na nagpabingi sa kanya. 

Tumakbo siya papunta sa kanyang anak. At sa huling pagkakataon ay niyakap niya ito. Humagulgol.


Away.

Swan SongHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin