Chapter 9: Surprise Attack

Start from the beginning
                                    

Mabilis at maliksi ang bawat kabig ni D sa manubela.

Bang! Bang! Bang!

"Aaaaahhhhhhhh!!" napatili ako ng sunod sunod na paputukan ang likuran namin.

"Yuko ka!" sabi ni D at inilagay ang isang kamay sa may ulo ko.

Napasubsob ako sa pagkaupo.

Nanlaki ang mata ko nang makitang naglabas ng baril si D.

"Can you drive Reen?" tanong niya.

"W-what?! D, i can drive but..."

"Then drive as fast as you can..!" putol niya sa sasabihin ko at umalis sa harap ng manibela.

Bigla tuloy akong napahawak sa manibela at pumalit sa pwesto niya.

Nanginginig ako pero pilit kong kinalma ang sarili.

Pasikot sikot ang kalsada pero pilit kong pinadaan doon ang kotse.

Panay naman ang palitan nila ng putok doon.

Nilingon ko si D..

Seryoso siya habang inasinta ang kotseng nakasunod sa amin.

Malapit na kami sa bridge.

"D... May bridge!" sabi ko.

"Just drive!" sagot naman niya at muling itinuon ang atensyon sa kalaban.

"D! Putol yung bridge!" sigaw ko.

Kasi nakikita ko ang malaking agwat ng magkabilang dulo ng bridge.

Under construction pa pala ito.

"Let it jump!" sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko.

Jump! Paliliparin ko ang kotse pakabila?

Oh god!

Halos himatayin na ako..

Bang! Bang! Bang!

Sunod sunod na pagpapaputok ni D na tumama sa gulong ng nakasunod na kotse.

Gumiwang ang takbo nito at sumimplang kaya tumagilid at nag paikot ikot.

Pilit kong kinabig ang manibela upang iwasang mahagip kami.

Sumirko ang kotse at deretsong nahulog sa bangin.

Booooommm!!!

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa ibabaa ng bridge.

Konti nalang at sa dulo na din kami ng bridge kaya mariin kong inapakan ang preno..

Sccccccrrrrreeeeeeccccchhhhh....

Sumagitsit ang gulong ng kotse sa diin ng pagkatapak ko.

Umikot ikot kami bago tumigil.

At dahil sa lakas ng impact ay naalog kami sa loob at tumama ang ulo ko sa manubela.

Bumigat ang pakiramdam ko at parang nagmanhid ang katawan ko.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko..

"Reen... Reen, gumising ka! Shit! Reennnn...." huling narinig ko bago nagdilim ang lahat sa akin.

++++++

Darius POV:

Binalot ako ng pangamba nang makita kong nawalan ng malay tao si Reen habang nakasubsob sa manubela.

May dugo pa sa kanyang noo.

Isinandal ko siya sa balikat ko.

"Reen... Reen, gumising ka! Shit! Reennnn...." pukaw ko sa kanya at tinapik tapik pa siya sa pisngi.

Pero walang response mula sa kanya.

Kaagad akong lumabas ng kotse at binuhat siya palabas.

Muntik na pala talaga kaming mahulog sa bridge.

Ilang hakbang nalang ang kulang.

Medyo malayo din ang nilakad ko bago ako nakahanap ng taksi na dumaan.

Buti na lang at walang sakay ito.

Pagkasakay namin ay kaagad kong tinawagan si Appa.

"Appa.. Kasama ko si Reen.. Pero inambush kami.. Dadalhin ko muna siya sa condo ko."paalam ko sa kanya.

"Okay son.. Ingatan mo si Reen.. Ako ng bahala kay Darrene." sagot naman ni Appa.

Napakunot noo naman ako sa muling pagkarinig ng pangalan na iyon.

Nobyo ba siya ni Reen at kasama niya sa pagpunta dito?

Tumigil na ang taksi sa harap ng condo kaya binayaran ko na at binuhat si Reen.

May sarili akong condo kahit na madalas pa din akong nakatira kay Phantom.

Minsan kasi ay gusto ko ding mapag-isa at mag-isip.

Dinala ko siya sa unit ko at inilapag sa kama.

Medyo okay naman ang sugat niya sa noo kaya di ko na siya dinala sa ospital.

Nilinis ko nalang ang sugat at nilagyan ng gamot.

Kumuha ako sa cabinet ng tshirt na maaring ipalit sa suot niya.

Nagtalo pa ang isipan ko kung bibihisan ko ba siya.

Pero pinagpawisan na si Reen.

Napahugot muna ako ng malalim na paghinga bago sinimulang palitan ang suot niyang damit.

Napahanga ako sa katawan ni Reen..

Di pa rin ito nagbago sa kabila ng lumipas na taon..

Kung ilang beses akong napalunok hanggang sa natapos ko siyang bihisan.

Pagkatapos ay nilabhan ko muna ang damit niya at naligo na din ako.

Habang nagbibihis ay di ko maiwasang sulyapan si Reen na natutulog sa kama ko.

Kaytagal na mula ng may babae akong pinatulpg sa silid ko.

Kahit si Yana ay di nagkaroon nng pagkakataong makasama ako sa iisang kama.

Lumabas ako ng silid at nagsalin ng alak sa baso.

Muli akong pumasok sa kwarto at dumeretso sa terrace.

Doon ko ininum ang hawak na alak.

Yana... Mahal ko..

Tanging nasambit ko habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

++++++

A/N : grabeh.. Konti lang naman kinain ko sa chocolate dhie pero masakit pa din ang ulo ko at nahihilo ako.

Pero salamat sa padala.. Mwahh.. Love you!

Behind That SmileWhere stories live. Discover now