Episode 19 - I'm Here For you

Start from the beginning
                                    

Nandiyan si Mrs. Monteclaro. Si Jake.

Ako.

Ang kailangan lang niya ay papasukin kami sa buhay niya.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya bitbit ang isang baso ng tubig at gamot. Marahan ko iyong itinulak nang hindi siya sumagot.

Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa unan habang naka-focus sa TV at balot ng kumot ang kalahati ng katawan.

"Rain."

Parang wala siyang narinig na patuloy lang na nakatingin sa screen.

Lumapit ako sa kanya at iniabot ang gamot at baso ng tubig.

"Inumin mo na 'to."

Inabot niya ang mga iyon nang hindi tumitingin sa akin. Maging nang iabot niyang muli ang baso ay sa movie naka-focus ang mga mata niya.

"Sorry." Pabulong na usal ko. "Hindi ka naman nag-iisa. May mga taong may pakialam sayo. N-nainis lang ako kaya ko na nasabi iyon. Pasensya na."

"Nainis? About what?" Malamig ang tonong tanong niya.

"Sa mga salita mo kasi parang lumalabas na hindi bukal sa loob ko ang pag-aalaga sayo. At pinipilit mo pang gusto ko si Jake."

"Bakit? Hindi ba? He even called you 'love.'"

Napaangat ang tingin ko sa kanya at sakto namang nag iwas siya ng mga mata.

Bumuntong-hininga ako at inilapag ang baso sa tabi ng lamp shade.

"Sige, eh ano naman kung, kung lang ha? Kung gusto ko siya? Wala namang masama ro'n."

"Tsss. See? Umamin ka rin." Nakangising sabi niya habang matalim ang pagkakatingin sa akin.

"Kung lang. Hindi ko sinabing gusto ko talaga siya." Malumanay ko pa ring sagot dahil ayokong magpatuloy ang walang saysay na pagtatalo sa pagitan namin.

"Saka hindi naman iyon ang issue." Pagpapatuloy ko.

"What is?"

"Ito. Iyong pag-aasikaso ko sayo. Tinanong lang kita kung kaya mo na. Pero hindi ko naman sinabing pagod na ako. At hindi naman ako pagod."

Tumitig lang siya sa akin nang ilang saglit bago ibinalik ang atensyon sa panoorin.

"Sorry." Pabulong na sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

Kahit parang hindi iyon bukal sa loob niya ay sapat na iyon para mapangiti ako.

"Sorry rin sa nasabi ko. Kung nag-iisa ka. Eh 'di sana wala ako rito."

"Why?"

"Ha?"

"I know I already asked you this, but, why do you care so much?"

Nagkibit-balikat ako.

"Ganoon ako pinalaki ni Mama. Kaya nga nakilala ko si Mrs. Monteclaro dahil may pagkapakialamero ako." Sinabayan ko iyon ng tawa.

Isa pa, ang pinakaunang rason ay mahal kita. Pero sinarili ko na lang ang isiping iyon.

"Paano mo nakilala si Tita?"

"Gusto mong malaman? Ganito 'yon." Umayos ako nang upo at nagsimulang magkwento kung paano nagtagpo ang landas namin ni Mrs. Monteclaro.

"Ayon nga. Hanggang sa isang araw pinuntahan ko siya sa ospital. At nakiusap nga siya na ipag-drive kita hanggang sa gumaling ka na."

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Where stories live. Discover now