{Chapter 9- Party}

Mulai dari awal
                                    

"Yiiee! Excited na ako!"

Sigawan at hiyawan ng mga babae at lalake dito. Gusto ko ng magwala sa sobrang ingay dito. Tinignan ko at relos ko. 8:30 pm. Langya! Kailan pa matatapos tong pesteng party na to? Parang forever na eh!

"Okay cge. Bibigyan ko kayo ng clue kung sinong unang magpe-perform! Ready na ba mga bakla, tomboy, babae at lalake?!"-magiliw na sigaw nung emcee at saka tinapat ang hawak na mic sa mga tao.

"Yessss! Gora!"

"Okay. Okay. Sila'y diyos ng mga kagwapuhan, kabanguhan at kamachohan! Waaah! Oh my ged! Kenekeleg eke! Sino sila?"-sigaw nung baklang ang sarap tirisin ang pagmumukha dahil sa kaingayan niya!

"Waaaaaaaah!!"

"Kakanta sina skyler! Waaah!"

"Omg!! Si xier!"

"Holly shit! Waaaaaah!"

"I love you zack!"

"Ay! Galing niyong manghula ah! Bet ko yan! Huwag ng magpatumpikpik pa, let's give a round of applause to the band of eloire university!"

Sigawan at tilian ng mga babae at bakla ang siyang naririnig sa buong lugar pagkatapos lumabas ang tatlo.

Sino pa ba, eh di yung mga feeling f4. Oh baby, baby, oh baby, baby. I-request ko kayang yun ang kantahin nila? Hahaha. Pwede na rin.

Agad na silang pumunta sa kani-kanilang pwesto. Si xier ang nakaupo sa drum set. Yung isa naman nasa gilid hawak ang electric guitar, at yung isa pumunta sa gitna hawak ang gitara niya (siya yung katitigan ko sa party ni tanda noon)

"Waaah! Kakanta si skyler! Ang hot niya!"

"Shit! Ang astig na si zack! Hawak ang kanyang electric guitar! Waaaaah!"

"Ang cool ni xier!"

Alam ko na mga pangalan nila. Parang sinadya lang iparinig sakin eh noh? Nakajean lang silang lahat at naka black t-shirt. Agad na namatay ang ilaw maliban sa dalawang ilaw sa stage na gumagalaw.

"Can we dance"

By: The vamps

Hinawakan nung skyler and mic na may stand at saka pumikit. Parang biglang may dumaan na anghel sa biglang pagtahimik ng mga tao.


I talk a lot of shit when I'm drinking, baby
I'm known to go a little too fast...

Natigilan ako bigla sa dalawang stanzang nakanta pa lang niya. Shit!

Kanta ng paborito kong banda yan ah! The vamps! Lalong nagtindigan ang balahibo sa boses ni skyler. Magkaboses sila ni Bradly Simpson, ang singer ng the vamps. Pucha! Ang masasabo ko lang, ang galing niya!

Sa unang kanta pa lang niya wala pang tumutugtog. Ang boses pa lang niyang malinaw ang naririnig naming lahat. Kaya mas naramdaman ko ang lamig at lalim nito.


Don't mind all my friends, I know they're all crazy...
But they're the only friends that I have
I know I don't know you
But I'de like to skip the small talk and romance, girl
That's all I have to say so baby can we dance?


Pagkatapos niyang sambitin ang huling stanza ay tinaas ni xier (ang drummer) ang kaniyang drum stick at pinagtama yun ng tatlong beses. Pagkatapos nun ay malakas niyang hinampas ang drum at kasabay nun ang pagbukas ng mga ilaw sa buong paligid. Sabay sabay silang nagpatugtog.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang