"Madre de puta! Sila ang dahilan kung bakit nahaharap sa krisis ang kompanya! Hiwalayan mo na ang babaeng 'yan!" Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko kahit halos manhid na ang mukha ko dahil sa lakas ng suntok niya.

"Ayoko, dad. Ayoko." Mariin kong sabi.

Alam ko naman na mangyayari 'to pero hindi ko inasahan na ganito kabilis. Alam kong magagalit siya pero itinuloy ko. Anong magagawa ko kung mahal ko siya? Siyempre ipaglalaban ko.

"Kinausap ako ni Senator Malcor, makipag-mabutihan ka sa anak niya. Mag-iinvest siya sa kompanya kaya sundin mo ako." Iyon na ang huling pag-uusap namin.

Habang naliligo ay naalala ko ulit kung paano ko nasaktan ang pinakamamahal ko dahil sa paglayo ko sa kaniya.

"Susunod ka sa sinasabi ko, hijo... If you dont want the youngest Biencamino so suffer. Madali lang naman ang gagawin mo, pasiyahin mo lang ang anak ko. Walang magiging problema ang negosyo ninyo at magiging tahimik din ang buhay ng babaeng 'yon." Kalmado ngunit may diing sabi ng Senador habang marahang tinatapik ang pisngi ko.

Pumiglas ako pero humigpit lang ang pagkakahawak ng dalawang tauhan niya sa akin. Mga hayop!

Pumasok ako kinabukasan ng hindi gaanong pinapansin si Andi. Halos isang buwan na din. Nasasaktan ako habang pinanonood siyang tahimik at walang kibo sa tuwing kakausapin ko siya. Isang buwan na kaming ganito at mukhang tumutupad naman sila sa usapan dahil walang masamang nagyayari kay Andi.

Gusto kong kausapin siya pero alam kong may mga matang nakatutok sa aming dalawa. Konting pag-uusap, konting oras na pagsasama, at konting galaw lang ay alam kong masasaktan siya. Wala akong magawa dahil hawak ako sa leeg ng walang hiyang Senador na 'yon. Kahit ang ama ko ay binantaan niya na rin dahil sinubukan kong iwasan yung anak niya. Ang gagong senador na 'yon, pinasundan pa ako sa mga tauhan niya. Kaya nang makapagdesisyon ay nakipagkita ako sa kay tito Art na ama ni Andi. Naintindihan ni tito ang gusto kong mangyari at susuportahan niya ako.

I remembered the time when I asked to eat with her. I'm ready to take the risk. Kahit sa pagkakataon lang na 'yon.

"Hey," Bati ko nang makaupo na sa tabi niya.

"Hmm?" Tanging sagot niya. She didn't even look at me. That fucking hurts.

"Do you want something to eat?" I asked. I want her attention. I'm longing for it. Damn it.

"I'm full." She answered.

"I'm sorry. Sobrang busy ko lang talaga. Let me make it up to you, babe, please?" I whispered while looking at our professor who entered the room.

"Ano ba kasi 'yang pinagkaka-busy-han mo?" Natigilan ako. You don't have to know, baby. I will handle this for you...

I can't speak. I don't want to.

She sighed then she looked at the back where Concielo and Cyniel were sitting.

"Excuse me, Mr. Hermano? Can I talk to you?" Biglang sabi ni Niel. Kunot-noong napatingin si Mr. Hermano sa kaniya.

"Okay, let's talk outside." Walang emosyon na sabi ni Mr. Hemano.

Yumuko si Andi sa armchair niya kaya naman sinuklay ko yung buhok niya gamit yung kamay ko.

"Are you sick?" I checked if her forhead was hot.

"Nope." She said coldly.

Tumahimik na ang lahat nang pumasok muli si Mr. Hermano kasama si Niel. He walked back to his chair and whispered something to Concielo.

All For Love (SMA #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu