Kabanata 18

85.1K 2.7K 990
                                    

"Nakikita mo na ba ako nang mas malinaw?" Tanong ko sa kanya habang pinapainom siya ng mga gamot na nireseta sa kanya ng doctor na kailangan niya matapos ang operation.

"Hindi pa sobrang linaw. But I can already imagine your face." Marahan niyang pinaraan ang kanyang hinlalaki sa may pisngi ko. "I believe you're the prettiest girl I'm gonna see again." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Gusto kita..." Pareho kaming natigilan nang sabay kaming magsalita. "Gustong-gusto talaga kita..." Sa pag-uulit namin ay muli na naman kaming nagkasabay.

Natahimik kami pagkatapos. Rinig na rinig ko ang paraan ng pagtibok ng puso niya ngayon dahil maihahalintulad ko rin ito gaya nang sa akin. "Akala ko..." Pabulong kong sabi.

Tumakas ang luha sa mga mata ko at tsaka ako yumakap sa kanya. "Gustong-gusto talaga kita. Ilang beses nang pagpipigil ang ginawa ko pero wala eh, hindi ko mapigilang mahulog sayo..." Humihikbi kong pahayag sa kanya. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Gusto rin kita Ela." Kumikirot ang puso ko sa magkahalong saya at lungkot. Tuwing titingin ako sa kanyang mga mata ay may isang tao pa rin akong naaalala. "Gustong-gusto... I wanna see you so bad. I wanna be with you always. I wanna continue living with you."

Natameme ako sa mga sinabi niya. "You might think my feelings for you weren't as strong as to what I had before. But believe me on this. Yung nararamdaman ko sayo, ibang-iba sa mga naramdaman ko noon. I really can't thank you enough for everything. You light my world. You literally light my dark world. I already gave up talking to God. And I already stopped believing him. But then you coming to my life made me believe again." Kinuha niya ang mga kamay ko. Marahan siyang tumayo, kinakapa ang daraanan patungong balcony. Sumunod lamang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko.

Humampas ang malakas na simoy ng hangin sa balat naming dalawa. Yumakap siya sa akin mula sa likuran ko. "You made me believe that there is really God who listens, that no matter how many times you turn away your back from him, you will be always His son." Lumapat ang labi niya sa may balikat ko. Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga rito. "You proved me, na mahal tayo ng Diyos, na may Diyos na aalalay sa atin. Na ikaw, ay binigay niya sa akin. Ikaw na biglang dumating para matulungan ako, ikaw na hindi ako sinukuan." Sinikop niya sandali ang buhok kong nililipad na ng hangin. "Baby, what did I do to deserve you?"

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Ang saya ko." Ani ko habang humihikbi. "Pangarap ko lang 'to dati eh. Pangarap ko lang na ituon mo na lang sa akin ang atensiyon mo. Pangarap na pilit kong itinago dahil nakakatakot sumugal. Nakakatakot na malaman na baka ako lang ang nakakaramdam nito kaya ang hirap magbakasakali." Humarap ako sa kanya.

The moon lights us as the cold night wind touches both of us. I cannot wish for more, because right now, all I want is to treasure every remaining days I have with him. "May sasabihin ako sayo..." Huminga ako nang malalim. "I hope it won't affect what we have now... gustong-gusto kita kaya gusto kong maging honest sayo..."

"Young Master Dric..." I know being honest will set things back to normal again. "May galit ka pa bang nararamdaman sa nakabangga sayo?" Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

"I already forgave that person. Wala ng galit. Besides I'm more than blessed now. I have these eyes already. I have you too. Magrereklamo pa ba ako?" Yumakap ako sa kanya. Matatanggap niya kaya kung malalaman niya na ang donor niya ay ang taong nakabangga sa kanya at ang lalaking una kong minahal.

"Young Master, gusto kita...dahil gusto kita. Walang ibang rason. Hindi dahil ganito, hindi dahil ganyan. Gusto kita kasi yun ang nararamdaman ko. Kasi yun ang paulit-ulit na nararamdaman ko na hinding-hindi ko isusuko kahit anong mangyari..." Kahit magkalayo man tayo.

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon