Kabanata 1

126K 3.7K 1.3K
                                    

I fix the glasses I'm wearing. Ang damit na suot ko ay hindi kailanman magbibigay sa ibang tao ng ideya na galing ako sa kilalang pamilya sa amin. Simpleng maong pants at putting t-shirt na malayo sa mga dress na karaniwang suot ko sa araw-araw.

Sa una'y tumitig lamang ako sa malaking gate ng mansion na nasa harapan ko ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko, labis-labis na lamang ang kabang nararamdaman ko. "Breathe Fia, you're just making things right back to the way they should be." I motivated myself.

"Ela Carlos?" Napatalon ako sa gulat nang may isang matandang sumulpot sa gilid ko. Kunwari ay masinsinan kong inaalam kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nakasisiguro naman akong ito ang mayordoma sa mansiong ito.

I have studied every person inside this mansion. Pinag-aralan ko rin ang mga ugali nila base sa nakalap kong mga information sa nakalipas na isang buwan.

Ang nasa harap ko ngayon ay si Ma'am Elizabeth, ang mayordoma, edad limampu't isa. Inayos niya rin ang kanyang salamin at sinipat ako mula ulo hanggang paa. "Tamang-tama nga. Nakita ko ang resume mo hija. Pangalawang beses mo na 'tong paninilbihan bilang kasambahay hindi ba?" Tumango agad ako. "Ako si Elizabeth, ang mayordoma sa mansion na ito."

Sinabihan ko si Unity na gawing first time ko pa lang at kaya ako pumasok na katulong ay dahil nangangailangan talaga ako ng pera pampagamot ng tatay ko. Pero sinuggest niyang pangalawang beses na para matanggap agad ako. I just hope they won't expect too much from me. I have no idea working for another family. I have always appreciated all the hardworking workers we have. There are times I have watched all our kasambahay clean our home, they always did a great job.

"Halika na sa loob hija. I-o-orient na kita sa mga dapat at hindi mo dapat gawin." Bumukas ang malaking gate. Bumungad sa akin ang dalawang guards sa magkabilang gilid ng gate. Pakalat-kalat naman ang mga bodyguard na sa tingin ko ay nagmamatiyag nang mabuti, marahil ay ayaw ng maulit pa ang nangyari noon.

Kilala ang ViC (Villangco Corporation) sa buong bansa. This is the largest food and beverage or wine company in the Philippines. Bukod dito, they own the famous Villangco Medical Center, kung saan matatagpuan ang pinakamagagaling na surgeon, oncologist, opthalmologist sa buong bansa.

And the only son, Adriel Calix Villangco was supposed to inherit everything, he is the training CEO that time before the accident happened. And again, here is my conscience eating me up. I destroyed someone's dreams, goals...I destroyed that person, I almost killed him.

"Hija? Hija? Ela! Nakikinig ka ba?"

"O-opo! P-pasensiya na po. Namangha lang ako sa ganito kalaking mansion. Sa kubo po kasi sa probinsiya ako nakatira, unang beses ko rin pong tumapak sa ganitong lugar." Palusot ko. Napaniwala ko naman siya sa sinabi ko.

"Hindi ko gustong papatay-patay ang mga nagtratrabaho rito. Gusto ko ang mabilisang kilos. Mabuti na lamang at maganda ang background mo mula sa dati mong amo." Thank you so much Unity my best friend. You really saved me on this.

"Hindi na po mauulit."

I looked around once more. This mansion measured 52,624 square feet, a four-story mansion that has 35 rooms, 15 are the bedrooms and guestrooms. They call the only son as the "Young Master" and the Young Master's room is decorated with combined silver and gold leaf, the ceiling and wall is painted by a famous painter in our country, in the middle of the room's ceiling, a crystal chandelier hangs. Beside the Young Master's room, to the left is his music room consisting all the types of instruments and to the right, is the Young Master's gym.

"Ito ang Young Master's bedroom. Higit sa lahat ng kwarto, ito ang pinaka dapat alam mo. Hindi ang buong Villangco ang pagsisilbihan mo hija. Si Young Master Dric ang pinakamagiging amo mo." Tumango-tango ako.

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon