13 ~ Plan >:D

Magsimula sa umpisa
                                    

“Eh? Sinong makakasama ko dito? Alam mo namang ayokong nag-iisa kapag may sakit ako kasi alam mo naman kapag lumala ito nag-iiba ako”

Biglang namang parang may lumabas na bumbilya sa ulo ni Yanna tapos kuminang pa ang mata.

Grabe ano kaya ang iniisip ng babaeng toh parang lalong sumasama ang pakiramdam ko sa plano nito at feeling ko hindi maganda ang mangyayari.

“Ako na ang bahala sayo bessy basta hintayin mo lang dadating yung bantay mo mamaya”

Nag-evil grin sya tapos pakanta-kanta pang umalis.

Weird. Sana walang gawing kalokohan yung babaeng yun.

-Yanna’s POV-

Hoho I am so smart talaga. Yiiee good luck my bessy.

Di-nial ko yung number nya.

“Hello Lynd?”

Another big good luck sayo Lynd. Hihi ;”>

-Lynd’s POV-

Nagbibihis ako nang may biglang tumawag.

Nandito ako sa bahay namin. Hindi ako tumuloy sa dorm kasi hindi pa nililinis ni Yna. Lagi kasi akong tinataguan pag nag-uutos ako. -___-

Tiningnan ko yung screen. Si Yanna. Ano naman kaya ang kailangan ng maingay na bestfriend ni Yna?

Sinagot ko na.

“Hello Lynd?”

“What?”

“Pwede bang humingi ng favor?”

“Wala akong favor baka si chabs meron dun ka manghingi” sabi ko at binaba na.

Nakita kong tumatawag sya ulit. Ang kulit sabi ng wala akong favor.

Hindi ko na sya sinagot.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Ate hawak-hawak yung teddy bear nya.

Isip bata talaga. Hindi halatang mag-aasawa na. Ikakasal sila ni Kuya Rain next year.

Bumaba na ako at sumakay sa motor ko. Matagal ko na din tong hindi nagamit.

Pagkadating ko sa school, nakita ko kaagad si Yanna kasama si Renz. Napangiti ako dahil sa itsura nya mukha syang uminom ng suka. Hindi maipinta yung mukha. XD

Lalapit sana ako sa kanila para itanong kung nasaan si Yna kaso nagulat ako sa sinabi ni Yanna at tumingin pa sa akin ng masama.

“Huhu dapat hindi ko iniwan si Bessy kasi naman yung isa dyan masyadong pilosopo. Ayan tuloy walang magbabantay kay Yna”

Bigla akong nag-alala kay Y--- Wala!!!! >__<

Hindi ko na tinanong si Yanna at dumiretso na sa dorm nila.

Psh bahala na minsan lang naman ako umabsent. Pero teka bakit ko ba kailangang puntahan yun? Pakielam ko ba sa kanya?

Nah bahala na nga si Author.

-Yanna’s POV-

Hoho plan accomplished >:D

Lalalala~ ^___^

I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon