4 ~ Deal

51.3K 729 34
                                    



"KAILANGAN MO TALAGANG MAG-EXPLAIN DE MESA!!!"

*gulp*

Syeeeett maling babae ang binangga ko.

"Relax ka l--"

"HA? ANONG RELAX LYNDON DE MESA?! WAG MO NGA AKONG IDAMAY DYAN SA MGA KALOKOHAN MO!! BWISET!"

Katakot! >.<

"Hayaan mo muna kasi akong mag-explain"

Huminga sya ng malalim at humarap sa akin.

"Okay explain"

"Ayoko lang kasi na kulitin ako ni Queenie kaya ko ginawa yun. So siguradong ngayon pa lang kalat na tayo na kaya kailagan mong magpretend na girlfriend ko."

Ngumiti ako sa kanya.

"HAAAAAAA?! ANONG SABI MO?! G*GO KA PALA EH! AKO PA TONG IDADAMAY MO! SA TINGIN MO NA PAPAYAG AKONG MAGING BOYFRIEND ANG ISANG KATULAD MO?!"

Nag-smirk ako.

"Hoy miss megaphone hindi ko din gusto ko pinoprotektahan ko lang ang sarili ko pati ikaw"

"ANONG PROTEKTAHAN?! SHHHHHHEEEEEEEEET KA NAMAN!!"

Ang ingay talaga ng babaeng toh.

"BAKIT KA BA NAKASIGAW DYAN AH?! SAKA PAPATAYIN KA NG BUHAY NG MGA BABAE KO PAG NALAMAN NILA YUN AT AKO NAMAN HINDI NA KO GUGULUHIN NI QUEENIE AT MAY SLAVE PA AKO *evil grin*"

"ANONG SL--"

*ring* *ring*

"UHG!! DYAN KA LANG DE MESA WAG KANG AALIS!" sabi nya at sinagot yung tawag.

Medyo lumayo sya sa akin para di ko marinig.

Tss ang arte para namang gusto kong marinig yung pinag-uusapan nila.

Maya-maya nakita ko sya tumatakbo paalis.

San pupunta yun?

Hindi pa kami tapos ah?!


-Allyna's POV-

*ring* *ring*

Grr istorbo naman.

Hinirap ko ulit tong lalaking toh.

"UHG!! DYAN KA LANG DE MESA WAG KANG AALIS!"  sabi ko at medyo lumayo sa kanya.

Di ko na tiningnan kung sino yung tumatawag basta sinagot nalang.

"Hello ate?!" sabi sa akin ng kapatid ko na si Akira. Grade 6 palang sya.

"Oh Akira bakit parang natataranta ka dyan?"

"Ate si Papa kasi.."

"Ano Akira?! Kumalma ka nga muna"

Narinig kong huminga sya ng malalim.

"Si Papa ate nasa hostpital inatake na naman sya."

Pinutol ko kaagad yung tawag at tumakbo papuntang sakayan.

Alam ko naman kung saan nila dinala si Papa eh.

Sumakay ako ng taxi.

"Kuya sa *toot* hospital po"

Pagkadating ko nagbayad ako kaagad kay manong driver at tumakbo sa loob.

Nakita ko si Akira na nakaupo. Wala naman akong mama kasi namatay sya nung pinanganak si Akira.

"Ate.."

Niyakap ko nalang sya.

Hayy gusto nyo bang malaman ang BIG SECRET ko?

Ok magse-share ako.

Actually hindi naman sya ganoong kalaki. Pero pag may nakaalam na iba lalo na sa mga students sa WA mawawala lahat ng pangarap ko.




MAHIRAP LANG AKO.

Yeah yan ang big secret ko. Bawal kasi ang mahirap sa WA pero dahil matalino ako tinanggap ako ng school pero dapat hindi malalaman ng mga students nila kasi mapapaalis nila ako. Ouch lang di ba?

Kaya nga todo ingat ako. Buti nalang may dorm kami at hindi ako umuuwi sa amin at every weekends lang ako pumupunta.

Si Yanna at Renz bestfriend ko sila simula nung elementary kasi naging service driver nila si Papa at sila din yung tumulong sa akin para maging scholar ng WA.

Scholar ako at libre sa lahat at may allowance pa every month kaya wala akong poproblemahin.

Hayy secret lang natin yun ah.

Si papa naman may sakit sya sa puso kaya nahinto sya sa pagda-drive baka kasi atakihin sya mahirap na.

Pero may tindahan naman kami na pinagkukunan ng panggastos nila.

Si Aling Risa naman naman ang nagbabantay kay Papa kung sakaling atakihin sya.

Maya-maya lumabas na ang doktor.

"Doc kumusta na po si Papa?"

"Ahm miss lumalala na po ang sitwasyon nya at kailangan na syang maoperahan sa lalong madaling panahon"

Naiiyak na ko sa mga narinig ko.

Si Akira naman umiiyak na.

"Doc please operahan nyo na po sya"

"Pasensya na po Miss pero kailangan nyo munang magbayad ng 1 million [A/N: Waaah di ko alam kung magkano ang heart operation kaya hula lang yan] para maoperahan po sya"

Shock.

Grabe 1 million as in ONE MILLION?!

San ako kukuha nang ganun kalaking pera?

Napaupo nalang ako. Lumapit sa akin si Akira at niyakap ako.

"Sige Miss una na ako" sabi nung doktor at umalis na.

Iyak lang kami ng iyak dun.

Kailangan kong humanap ng paraan.

***

Umuwi muna si Akira sa bahay. Ako naman nandito sa kwarto ng hospital kung nasaan si Papa.

One milliom.

Haayyy san ako makakakuha nun?

Tinawagan ko si Yanna.

"Bessssssssyyyyyy!!! Kanina pa ako tumatawag hindi mo naman ako sinasagot. I heard about kay Tito Alric kumusta na sya?"

"Bessy.." sabi ko.

Umiiyak ako ngayon kaya medyo ngarag pa yung boses ko.

"Yna anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

*heavy sigh*

Kailangan ko nang kapalan ang mukha ko para kay Papa.

"Yanna can I borrow.. one million pesos?"

Tss ang hirap man pero kailangan kong gawin toh.

"WHAT?!"

Halatang gulat sya.

"Kailangan operahan si Papa at hindi nila gagawin yun hangga't di ako nagbabayad"

Silence.

"Bessy you know how much I want to help you now but I'm so sorry alam mo namang nalugi ang company namin di ba? Please Yna forgive me"

Umiiyak na din nun si Yanna.

Haaaaayy.

Tri-ny ko na ring tawagan si Renz pero wala din kasi nga business partners ang parents nila ni bessy kaya syempre affected din sila ng pagkalugi.

Lumabas ako ng ospital. Mga 8 pm na din nun at kailangan ko nang umuwi.

Sasakay na sana ako ng taxi ng may humila sa akin.

"HOY LYNDON ANO BANG PROBLEMA MO?!"

"WAG MO NGA AKONG TATAWAGING LYNDON NAKAKAIRITA EH LYND NALANG!!" sigaw nya sa akin

"Bitiwan mo nga ako!!"

Hindi nya ako binitiwan at pinasok nya ako sa kotse nya ata.

Nilock nya yung pinto.

"Ano bang kailangan mo?" mahinahon kong sabi pero deep inside leche naiinis na ako.

"Alam ko na ang sikreto mo na mahirap ka at yung tungkol sa Papa mo alam ko na din kaya ako na ang nagbayad sa one million na kailagan sa operation nya kaya.."

Loading..

"Sa ayaw at gusto mo boyfriend mo na ako.."

*super evil smile*

"..at slave na kita"

Loading..

"Ok deal na tayo slave have a good night"

Tinulak nya ako palabas ng kotse nya at umalis.

Ano yung sinabi nya kanina?

100% complete.

WHAAAAAAAATTTTTT?!

--
vote at comment kayo ^_____^



I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon