“E 'di sana sinabihan mo na lang siya na hindi mo na siya mahal!”

“Hindi yun ganun kadali… hindi niya ako agad pakakawalan sa ganun klaseng dahilan.”

“Pwes, bakit ka nga ba kating-kati nang hiwalayan siya noong mga oras na yun?”

Hindi na nakasagot si Shane—o mas tamang sabihin na hindi niya kayang ibigay ang sagot sa tanong na yun. Muli na itong tumayo at saka inayos ang kanyang sarili. Sa mga sandaling iyon, siya naman ang hindi makatingin ng direcho sa dalaga.

Doon pa lamang din napansin ni Richelle na nakabihis pang-alis si Shane. Hindi niya alam kung may balak pa ba itong pumasok sa NEU o may iba pa itong lakad.

“Hindi ko alam kung anong nangyari sayo kahapon kaya mas mabuti pa sigurong magpahinga ka na lang muna.” Sabi ni Shane sa kanya—halatang iniba na ang usapan. “May kailangan lang akong puntahan at asikasuhin ngayon. Baka gabihin ako ng uwi.” Saka nito kinuha ang mga gamit niya at nagsimula nang maglakad paalis. “Pero mamaya pag-uwi ko, mag-uusap tayo uli.”

Nang maiwan nang mag-isa si Richelle, kung anu-ano nang posibleng sagot sa mga katanungan niya ang pumasok sa kanyang isip. Sagot sa lahat ng tanong na noon pa man ay nagpapagulo na ng sitwasyon.

Bakit nakipaghiwalay noon si Shane kay Sherrie?

Marahil dahil noong mga oras na yun, nagkakilala na sina Shane at Darcie. Nagkaroon sila ng sikretong relasyon at naging mas matimbang pa iyon kaysa sa relasyon nila ni Sherrie.

Kaya ba parang may galit sa kanya si Darcie?

Malamang dahil pinagseselosan siya nito. Kaya nga nagawa nitong nakawin at sunugin ang jacket ni Zenn.

May kuneksyon din ba ito doon sa insidenteng pinasok ni Carlo ang apartment niya?

Pwede. Dahil may gusto si Carlo kay Darcie—ngunit may relasyon din sila ni Shane. At kung pagbabasehan nga ang kuneksyon nilang tatlo sa isa’t isa, maaring totoo rin ang naging paratang ni Carlo na kinaladkad lang siya ni Shane noong gabing iyon—selos uli ang posibleng dahilan.

Ngunit sino kaya yung babaeng tinutukoy ni Darcie na nais niyang paghigantihan sa pamamagitan ni Carlo?

Sa puntong iyon, pagkabahala ang nangibabaw kay Richelle. Ang babaeng iyon ay posibleng siya mismo. At dahil doon, alam na niyang nalalagay siya sa panganib.

At kung sakaling dumating ang oras na papipiliin si Shane sa kanilang dalawa ni Darcie, sino kaya ang pipiliin nito?

Pagbabaka-sakali na lamang ang naisip ni Richelle. Umaasa siyang sana, sa bandang huli, siya pa rin ang at ang pagkakaibigan nila ang piliin ni Shane.

= = = = =

Sa isang lumang building. 12:10 PM.

Triple-face Killer. Alam niyang yun na ang binansag sa kanya ng mga taong naghahanap at gustong huliin siya. Yun lang naman din kasi ang natatangi niyang pagkakakilanlan. Pumapatay siya habang may suot na triple-face mask.

Ngunit hindi naman siya tulad ng ibang serial killers na pumapatay lang ng walang dahilan. Pinipili niya ang biktima niya dahil may atraso ito sa kanya at sadyang masasamang tao ang mga ito.

Nagsimula na siyang maglakad papasok sa building para muling makipagkita kina Sherrie Chen at Eunice Zamora—ang mga bagong biktima niyang pagbabayarin niya sa mga kasalanan nito.

Pumasok siya sa isang kwartong may nakadikit na salamin sa mga pader. Sa gitna ng kwartong iyon ay isang higaan kung saan naka-kadena sina Sherrie at Eunice. Parehong walang malay ang mga ito—malamang dahil sa epekto ng drugs na palihim na inilagay sa kanilang mga inumin kagabi. Iyon din ang dahilan kung bakit madali ang naging pagkidnap sa kanila mula doon sa bar.

Naupo siya sa isang upuan na medyo may kalayuan sa kama. Ngunit maganda pa rin ang pwestong ito dahil sakop ng paningin niya ang lahat ng salamin sa pader. Makikita niya sa iba’t ibang anggulo mamaya ang mga eksena ng pagpapahirap na pinlano niya para sa mga biktima.

Tumingin siya sa kanyang orasan, alam niyang anytime ay magigising na ang dalawa.

Maya-maya pa ay nauna nang namulat si Eunice. “What the…” Napabangon ito at agad na napansin na nakaposas ang kanyang mga kamay at nakakunekta ito sa isang maikling kadena.

Ilang saglit pa ay sumunod na ring nagising si Sherrie. Ngunit hindi gaya ni Eunice, mas OA ang reaksyon nito, “Oh my God! Where the hell are we?”

“I… I don’t know…”

“Bakit nakaposas tayo! Why are we here! Oh my God, what is happening?”

Wala pa sa sarili yung dalawa. Sabay silang tumayo para makawala doon sa posas at makaalis dun sa kama pero hindi nila nagawa. Sugat lang ang aabutin nila kapag pwersahan nilang tinanggal ang mga posas sa kanilang mga kamay. Yung bakal na mga paa naman ng kama ay sinadyang ipinako sa sahig para hindi ito magalaw.

Natawa si Triple-face Killer sa katangahan ng dalawa at doon pa lamang siya napansin ng mga ito. Nagulat sila at napayakap sa isa’t isa dahil sa takot. Hindi nila makilala kung sino siya at kung ano ang expression ng mukha niya dahil sa suot na maskara.

“Sino ka!” Nagmamatapang na tanong ni Eunice. “Anong lugar ‘to? Bakit mo kami dinala rito!”

Imbes naman na sagutin, inilabas lang ni Triple-face ang mga props niya mula sa kanyang bag—isang maliit na whiteboard, non-permanent marker at pambura. Idinaan niya sa pagsusulat ang pakikipag-komunikasyon sa dalawa. “HELLO! UNLESS YOU WANT TO BE DEAD, CALL ME YOUR MASTER.”

= = = = =

ANNOUNCEMENT! PLEASE READ CAREFULLY!

Please be advised that after this chapter, yung next update po ay ang end na ng first-half nitong kwento. Pagkatapos nun, magbabalik po ulit ang paga-update ng chapters by October this year. Kailangan ko po kasi ng oras para ayusin yung last half ng kwento. The moment na mag-resume ang paga-update, asahan niyong tuluy-tuloy na po ito hanggang Epilogue.

Habang naghihintay naman po kayo, you can re-read the story and investigate on your own. Malay niyo, mas malinawan kayo at makakuha pa kayo ng clues kung sino talaga si Triple-face Killer. Also, I'm asking you to keep your comments coming. Madalas ay binabase ko sa reaksyon ninyong mga readers ang mga chapters. Thankies and I hope you understand. :)

Psycho's Love Interest ✔Where stories live. Discover now