Hindi na nagawa pang ubusin ni Dante ang kanyang almusal. Nagmadali na ito at naghanda.

“Dante, teka lang! Ano ba kasing nangyari sa pamangkin natin?”

Natigil sandali si Dante para sagutin si Cynthia kahit pa sigurado siyang hindi ito magugustuhan ng asawa. “Kinidnap daw si Eunice kasama yung kaibigan niya doon sa bar na pinuntahan nila kagabi.” Nanginginig na sabi ng detective at saka hindi na nito napigilan pa ang kanyang emosyon. “Ayon dun sa CCTV ng bar, isinakay sila ng isang lalaki—may suot na maskarang tatlo ang mukha.”

= = = = =

Sa apartment nila Shane at Richelle. 9:00 AM.

Namulat si Richelle at napatanaw siya sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw.

Hindi tulad ng nakagawiang pahirapang paggising niya para lang pumasok, hindi nag-abala si Shane na gisingin siya ngayon. Wala rin namang kaso kung lumiban siya uli dahil sa tuloy pa rin ang foundation week sa NEU at malamang ay walang matinong klase ngayon.

Bumangon na si Richelle, lumabas ng kwarto at pagdating niya sa dining area, may mga nakahanda nang almusal para sa kanya. Nilingon-lingon niya kung nasaan si Shane at nakatambay ito sa may balcony.

Nang mapansin siya ng binata, agad itong lumapit sa kanya. “Good morning.” Simpleng bati nito.

Hindi naman makatingin ng direcho sa kanya si Richelle. Sa dami ng mga nangyari kahapon at kaninang madaling araw, hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang ayusin ang mga eksena sa utak niya. Magulo. Nakakalito.

Naupo na lamang si Richelle sa tapat ng lamesa. Nagsalok siya ng gatas mula sa pitchel at saka ito ininom.

“Naiuwi ko na yung mga gamit na naiwan mo sa university. Mga estudyante sila na… na nakita ng nangyari sayo kahapon.” Sabi sa kanya ni Shane, saka ito naupo sa upuan na kaharap niya. “Sapilitan ka raw isinama nina Eunice at Henry.”

Natigil sa pag-inom ng gatas si Richelle. Parang nawalan siya agad ng gana noong maalala niya yun.

“Anong ginawa nila sayo? Kasama ba si Sherrie nun?” Nag-aalalang tanong ni Shane. “Noong mabalitaan ko yun. hinanap kita agad kung saan-saan. Sobrang nag-alala ako sayo, Iche.”

Sa pagkakataong iyon, iniangat na ni Richelle ang kanyang mukha at nagtama na ang mga mata nila ni Shane. Naayos na niya sa kanyang isipan ang mga salitang gusto niyang ilabas.

“Oo, isinama ako nina Eunice para makausap ako ng ex-girlfriend mong si Sherrie.” Nanginginig na sabi niya dahil sa pagpipiil niya ng luha. “Sinabi mo kay Sherrie na ako yung may gustong maghiwalay kayo! Bakit ako ang idinahilan mo, Shane? Bakit mo ginawa saakin yun? Bakit ako yung ipinahamak mo?”

Napaluhod na si Shane sa harapan niya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang kamay at saka nagmakaawa. “Sorry, Iche. I’m so sorry… wala lang kasi akong ibang maisip na dahilan noon para makipaghiwalay kay Sherrie.”

Psycho's Love Interest ✔Where stories live. Discover now