XBAGGAGE

10 0 1
                                        

Nelo's POV

"Kuya wag kang magalala sa amin ayus kami dito" napangiti ako sa sinabi ni Rick sa screen.

"O basta pakinggan niyo lahat ng sasabihin ni nanay Rick ikaw ang naiwang lalaki kaya ikaw ang aasahan ko dyan" bilin ko sa kapatid ko.

"Syempre kuya aba tigasin ata to" napatawa ako.

"Sige bye na" sabi ko at pinatay na ang screen pagkatapos. Bigla akong nalunggkot ng maalala na nawala lahat ng ipon ko na para sana sa matrikula ko dahil sa isang scam na advertisement. Wala akong kalaking halaga para sana sa bagong laptop na kailangan ko sa pagaaral kaya naman kinagat ko ang online raffle at ibinigay ang impormasyon para sa nasabing premyo di ko akalain na mawawala ang lahat ng pinagpaguran ko sa trabahong pinasukan ko. Muli kong tinutok ang mata sa lumang screen at sinimulan ang paghahanap ng online job. Hanggang sa napunta ako sa isang misteryosong website dahil sa isang link.

'XBAGGAGE'

Ang website ay may pagka misteryoso dahil nahahati ito sa bawat level, ang level ay may mga kapalit na halaga. Dahil sa kyuryosidad ay pinili kong mag sign in at subukan ang isa sa mga task.

'Welcome user im Eyes the designed program of this website. Once you choose a level there is no turning back a punishment shall be given once you exit the task you have one week to accomplish the task that you have choosen. When you accomplish the task payment shall be sent immediately on your account and you shall receive a message to verify the received amount of money'

Agad kong pinili ang level one at lumabas ang task na may halagang sampung libo.

'Deliver the X package '

Bahagyang napaangat ang kilay ko. Medyo naguluhan ako una sa lahat hindi ko alam kung ano ang package na yon at hindi ko alam kung saan dadalhin ang package kaya pipiliin ko na sanang mag log out ng biglang may kumatok sa pinto agad akong tumayo at binuksan ang pinto pero walang tao ang tanging nakita ko ay isang package na may nakalagay na malaking pulang ekis sa ibabaw sa likod ay address at isang babala na hindi dapat ito buksan. Pinili kong gawin ang task dahil napapakadali nito at malapit lang ang lugar kung saan dapat ko itong dalhin. Gabi na ng makarating ako sa isang eskinita kung saan dapat dalhin ang package agad na napuna ko ang isang lalaking naka hoodie mukha itong mayaman at desente.

"Is that the X package?" agad akong tumango at inabot ito. Matapos niya itong abutin ay agad itong umalis. Walang pang ilang minuto ay na receive ko ang isang message kung saan nakatanggap ako ng sampung libo. Simula noon ay nahumaling ako sa online job kong ito dahil sa halaga na nakukuha ko kada level ay palaki ng palaki ang package at ganun din ang halaga na nakukuha ko.

"Tol umuunlad ka ata" tuya ni Jude ang ka dorm ko. Napangiti na lang akosa. Kasalukuyan kami umiinom sa kwarto dahil birthday niya at nilibre ko siya ng isang boteng beer.

"Hindi ka ba nagtataka kung ano ang laman ng mga package na dinideliver mo sa online job mo? " tanong niya na pumukaw ng atensyon ko.

"Hindi naman basta kumikita ako wala na akong pakialam kung ano ang laman ng package" sagot ko kay Jude.

"Sabagay kung ako ikaw ganun din ang gagawin ko siya matulog na tayo" matapos magligpit ay natulog na si Jude samantalang nagbanyo ako.  Sa loob ng banyo hindi ko mapigilan isipin ang mga sinabi ni Jude. Kaya hinila ko ang isang bagage sa ilalim ng kama ko. Ito ay isang black na maleta na may kabigatan may tag itong kulay pulang ekis at ang task ko ay itapon ito sa gitna ng tulay. Dahil sa kyuryosidad ay pinili ko iyong buksan gamit ang alambre mula sa kurtina at ng mag click ito ay dahan dahan ko itong binuksan. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nanlabot ang tuhod ko at napaluhod ako. 

Napaluha ako sa nakita. Mabilis pa sa alas kwatrong isinara ko ang bagahe at ibinalik ang lock. Ibinalik ko ang maleta sa ilalim ng kama ko. Ang laman ng bagahe ay puto putol na katawan ng parte ng tao na nakalagay sa isang plastic. Napaluha ako at hindi ako nakatulog ng maayos.

Kinabukasan ay ginawa ko ang trabaho at nakakuha ng halagang isang daang libong peso. Ng makarating sa dorm ay agad kung kinausap ang kapatid ko sa laptop na nabili ko.

"Tol musta? " masayang tanong ni Rick

"Tol ikaw na bahala kay nanay ha nagpadala ako ng pera"sabi ko at pinasaya ang boses ko.

"Tol naman parang nagpapaalam" sabi niya.

"Pano tol me klase pa ko ikaw na bahala bye" paalam ko.

"Sige tol punta ka sa birthday ko ha miss ka na namin ipapakilala ko rin sayo syota ko" masayang sabi ni Rick na nagpangiti sa akin.

"lol tol kahit nagkagirlpren ka dapat maayos pa rin pagaaral mo" tawa ko.

"Ko pa sige bye na" matapos kong makipagusap sa kapatid ko ay tumawag ako sa isang kakilalang pulis at agad niya aking pinapunta sa stasyon nila. Malapit na ako sa tapat ng pulis station at inaantay ang pag pula ng ilaw ng tumigil ang mga sasakyan ay naglakad ako ng nasa gitna na ako ng kalsada ay bigla akong napalingon ng tumunog ang malakas na busina matapos noon ay nakaramdam ako ng sakit at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa cementadong kalasada hindi ko magalaw ang katawan ko at pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga hangang sa naramdaman ko ang pagkamanhid at ang pagdilim ng paligid.

Third person POV

Sa isang kainan bukas ang telebisyon at balita ang nangyaring aksidente kaninang umaga kung saan namatay ang isang istudyante. Sa gilid ng kainan ay naroon ang isang lalaking nakatitig sa kanyang cell phone.

'You receive 1 000 000 pesos for completing the task'

"Sorry Nelo" napaluha si Jude habang hawak ang phone niya.

"Hello ma mababayaran na natin yung ospital"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

XBAGGAGE Stories to obsess over. Discover now