BIG TWO

73 8 1
                                    

Angel's POV

At last nakarating na ako sa school, Grabe ang traffic, isa pa naman sa hindi ko gusto ay yung traffic, bukod sa kinakain nito ang oras ko, pinapainit din nito ang ulo ko. Nakakainis.

Bumaba na ako ng sasakyan at may napansin ako, binago nila ang design ng school name. BRIGHT ACADEMY kinarve nila sa wall ang BRIGHT ACADEMY. Well wala naman akong pakialam, pangit parin naman. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglakad papuntang school gate.

Nakapasok na ako sa school at naglakad sa hallway papuntang bulletin board para malaman ko kung saang classroom ako at kung anong section ako., nang may nakasabay akong isang BABOY na lalaki!!!??? sa paglakad, GRABE!! napatigil ako sa paglalakad at ganon din siya at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, tinignan niya din ako. Grabe! una ko tinignan yung  jeans  na suot niya, Ang sikip2x ng suot niyang jeans, kitang kita ang mataba niyang legs, hindi naman skinny jeans ang suot niya pero bakit ganyan kung tignan ko siya ang sikip2x. At ang shirt niya? bakit ganyan? kitang kita ang bilbil niya. Kitang kita din ang naglaylayan niyang mga braso. In other words para siyang sasabog sa sobra niyang katabaan.

"Grabe para siyang sasabog na shawarma" bulong ko sa sarili ko.

"E ikaw nga para kang baboy na buntis." bulong niya ba yon o pagpaparinig pero hindi siya tumingin sa akin.

"Anong sabi mo? " galit na tanong ko sa kanya.

Palingo lingo pa siya sa paligid. Pssh. May painosente pa siyang nalalaman. tapos tumingin siya sa akin.

"Kinakausap mo ba ako miss?" tingnan niyo, painosente talaga. nakakainis!!!

"Ay hindi yang puno sa likod mo." May pagkasarcasm na sabi ko.

"Ahh sige, pagpatuloy mo lang yan. Sorry kung nakakaistorbo ako sayo." sabi niya sakin at nagpatuloy sa paglalakad.

pero tinawag ko siya.

"Hoy wag mo akong talikuran bastos ka. Bakit mo ako tinawag na Buntis na Baboy.? Wala kang karapatan para sabihan ako ng ganyan, sa sexy kong to? sabi ko sakanya at tumigil siya sa paglalakad.

tumingin siya sa akin at tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAH"

"Grabe mas mahangin kapa sakin.  Ikaw sexy? Woah. para ka ngang balyenang nakahighwaist. Sa susunod wag kanang maghighwaist lalabas ang taba mo . sagot niya sakin.

"Wow! hiyang-hiya naman ako sayo. E ikaw? Tingan mo yang jeans mo? Mukha ng skinny jeans dahil sa tsunami mong  taba. Sa susunod wag kang mga jeans nagmumukha kang taba sa dulo ng barbeque. Sagot ko sa kanya.

Naningkit ang mata niya sa galit. Ako naman dahil sa inis gusto ko nang gitgitan ang taba niya sa tiyan. Ang kapal ng mukha niya. Pero may narinig akong bulong bulungan sa tabi tabi. Hindi pala bulong bulungan, nagpaparinig. mas lalo akong nainis. dahil naaamoy ko ang mga bunganga nila, grabe mga 6 meters ang layo namin sa kanila pero Amoy ko pa din. Yuck. Hindi ba uso toothbrush sa kanila?

"grabe, bakit ganyan ang mga suot nila?

"

oo, nga para silang mga Sumo Wrestler na nagaaway.

"

hahahaha. oo nga,

Wow! grabe makapanlait ang mga toh. Dahil sa inis ko. Iniwan ko ang tsunaming taba doon at nilapitan ang mga babaeng mababaho ang hininga. Grabe inis na inis na talaga ako.

"BIG Girl meets BIG Boy"Where stories live. Discover now