Chapter Thirty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakuyom ako ng kamao ng maalala ang kalagayan ni Team Master Zean. I can still remember how he wanted to stand up and save Rory, but all I did was blame him for everything. Hindi ko rin maintindihan pero tuwing nakikita ko siya na kasama si Rory, may kung ano ang nangyayari sa dibdib ko. Para itong kinukurot. I wanted to talk to Rory about this but I can't find a chance, I feel like she's slowly getting out of my reach.

Napahinto akong bigla ng may marinig na kaluskos. Napahawak ako sa isang puno, trying to catch my breath. Inilibot ko ang paningin ko.

"Sinong nandyan?" sigaw ko. I'm on the middle of the forest, running fast. Sinusubukang humabol at makarating sa Glitch upang iligtas si Rory.

"G- Geo?" napalingon agad ako sa hindi kalayuan ng mamataan ang isang pamilyar na mukha.

Her eyes are so tired. Tagaktak ang kanyang pawis sa noo at nagkakaroon narin ng gasgas ang kanyang mga braso. Mabilis akong pumunta sa kanyang pwesto.

"T- Team Master Scarlett!" utas ko ng mapalapit sa kanya. Doon ko lang mas napansin na namumula ang kanyang ilong at mata. Halatang halata ang kanyang pag iyak. She wiped her tears. Patuloy itong tumutulo sa kanyang mata pababa ng kanyang pisngi.

"A- Anong ginagawa mo rito?" she asked. Napalunok ako. Hindi ko gusto ang itsura ngayon ni Team Master Scarlett. She look so weak and stressed. Hindi ko pa siya nakikitang ganito. Kung si Team Master Lily siya ay maiintindihan ko, but this is my Team Master we are talking about. The Team Master of face to face battle who fear nothing.

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang muntikan ng matumba. Agad ko siyang nasalo at inalalayan na isandal sa puno. As I touched her bare skin, I can feel her shaking. Sweating like a river. Kanina pa ba siya tumatakbo?

Kumunot ang noo ko ng pagkasandal ko sa kanya ay agad naman niyang tinabig ang kamay ko. Umiling iling siya na para bang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

She bit her lower lip. "I c-cant rest. Kailangan kong makapunta ng Glitch." diretso niyang saad.

"Pero Team Maste-"

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang humakbang muli.

"I can't rest knowing she's in danger!" she hissed. Napakuyom ako ng kamao.

Looking at her, kung tama nga ang hinala ko ay kanina pa siya nandirito. Nahabol ko lang siya dahil mabilis akong tumakbo. Kumpara sa akin ay mas nakararamdam siya ng pagod. She's shaking and all pero ang iniisip niya parin ay si Rory.

Agad akong dumalo sa tabi ni Team Master Scarlett. Sandali niya akong tinitigan at kumunot ang kanyang noo. "Geo, delikado. You should go back-"

"Kaibigan ko rin po si Rory." diretso kong saad at kahit na alam kong hindi niya magugustuhan ay agad ko siyang binuhat at nagsimula na akong muling tumakbo.

Ramdam na ramdam ko ang tulis ng kuko ni Team Master Scarlett sa aking balikat. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pananatili niya. Siguro ay alam niya ang ginagawa ko. Kung patuloy lamang siyang maglalakad ng ganito ang lagay ay hindi siya aabot. Maaaring may nangyari ng masama kay Rory.

"Kumapit ka lang!" saad ko at mas binilisan ang pagtakbo.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa lahat ng nangyari magmula ng tumapak kami ni Rory sa lugar na ito ay tila naging wala akong tulong. Magmula noong debate at itong nangyari ngayon sa kanya. And her I am, pinaniniwalaan na ako ang best friend niya.

"Geo." napatingin ako sandali kay Team Master Scarlett. Kitang kita ko ang pagkakunot ng kanyang noo.

Sasagot pa lamang sana ako ng bigla kong naramdaman ang pagtama ng aking paa sa isang malaking bato. Ramdam na ramdam ko ang gasgas ng aking likuran sa lupa.

"Shit!" saad ko. Tumama ang likod ko sa isang malaking puno at halos hindi agad ako nakagalaw.

"Geo!" saad ni Team Master at dinamayan ako. Dahan dahan niya akong iniangat. Nabaling ang titig ko sa kanya.

"Ayos lang kayo?" tanong ko. Nakita ko ang iilang gasgas sa kanyang braso at ang pagdurugo ng kanyang noo.

"Geo, don't move." utas niya na ikinabigla ko. Kitang kita ko ang paglinga linga niya sa paligid. Parang may kung anong hinahanap.

Doon ko lang naman napansin ang sunod sunod na kaluskos ng mga dahon. Nagkatinginan kami ni Team Master Scarlett at parehong nagmatyag. Sa hindi kalayuan ay makikita ang naglalakad na mga lalaki.

"They are Supremo's men." halos pabulong na saad ni Team Master. Tumungo lang naman ako. Sinubukan kong tumayo at kahit na sobrang hapdi ng aking likuran ay pinilit kong muling tumindig.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Team Master Scarlett. Doon ako hindi agad nakapagsalita. Ang kanina'y halos nanghihina niyang itsura ay napalitan ng awtoridad. Scarlett is back on her senses.

"We need to get pass them to reach the Glitch." saad niya. Napalunok ako at muling tumungo.

Dahan dahan kaming naglakad ni Team Master papalapit sa kinatatayuan ng mga tauhan ni Supremo at nang nakarating kami ro'n ay halata ang gulat sa kanilang mga mukha. Marami sila. Tinatayang nasa labin limang tao.

Naramdaman ko ang mas mabigat na tensyon sa paligid. All eyes are on us. I closed my fists. Mukhang walang ibang paraan para malagpasan sila kung hindi ang labanan sila. I know it'll take a little time but we still need to try.

Just hang on, Rory. We're coming.

-

A/N: First and foremost, I am very sorry sa super late update. Ang dami ko lang ginagawa at hindi ako masyadong makahanap ng oras para makapagsulat agad. Plus, ang dami kong inisip. But anways, here it is. Short but with effort. Charot.

Thank you for making TDS #1 on the Goddess category last January 22! Let's make it to the top again, Yellows!

The Demigoddess' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon