Chapter 7: Protect

Start from the beginning
                                    

Tumango naman siya.

"Geh alis nako.." paalam niya.

Kumaway pa ko habang tinanaw ang pag-alis ng kotse.

Im hurt by his treatment pero wala akong magagawa.

Ako ang naunang nanakit sa kanya.

"Mommy!" sigaw mula sa likuran ko.

Napabaling ako at nakita ko si Darrene na masayang tumatakbo papalapit sa akin.

Nakasunod naman ang yaya nito.

"Careful baby.. Baka madapa ka.." sambit ko at niyakap ko siya.

"How your day little one?" tanong ko matapos pupugin siya ng halik.

"Im fine.. Nagpasyal kami ni yaya doon sa garden.. Ang daming butterflies!" sagot ni Darrene.

Ginulo ko ang buhok niya.

Ang kulit ni Darrene..

Kuhang kuha niya ang itsura ni D.

Parang ipinanganak muli si D sa kanya..

"Lets go back to our room baby.." sabi ko.

Humawak naman siya sa kamay ko at sabay kaming sumakag ng elevator.

Pag kasama ko si Darrene, nawawala ang lungkot at pangungulila ko sa ama niya.

I love them both..

+++

Darius POV:

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan.

Nasa veranda ako ng aking silip.

Hawak ang kopita sa isang kamay.

Bakit siya nagbalik?

Gusto-gusto ba niyang makitang nasasaktan ako?

Reen.. Pinilit kitang kalimutan..

Akala ko sa loob ng 7 taon ay nakalimutan ko na siya.

Akala ko nakamove on nako nang mahalin ko si Aryana..

Pero muli lang nagbalik ang sugat nang makita ko siya kanina.

Ang mga ngiti niya.

Kagaya pa din ng dati.

Parang walang nangyari sam pagitang naming dalawa.

Napabuntong hininga ako at inubos ang alak na nasa kopita.

Bumalik na ako sa silid at naupo sa kama.

Napabaling ako nang tumunog ang cellphone na nakapatong sa mesita.

Kaagad ko itong dinampot nang makitang si Appa ang tumawag.

"Appa.." sambit ko.

"Magkita tayo Darius... May sasabihin ako sayong mahalaga." sambit nito.

Napakunot ang noo ko.

"Opo.. Pupuntahan ko kayo.." sagot ko.

Sinabi niya ang lugar at pinutol na ang tawag.

Kaagad akong nagbihis at bumaba.

Nakasaluubong ko pa si Lian na paakyat sa kanyang silid.

"Saan ang punta mo?" tanong niya.

May bitbit pa siyang baso ng gatas at cookies.

Siguro may pagpupuyatan na naman ito.

"May kakausapin lang ako.. Pakisabi nalang kay Phantom alis muna ako." paalam ko kay Lian.

Tumango naman siya..

Mabilis akong sumakay ng kotse at tinungo ang lugar na sinabi ni Appa.

Isa itong chiness restaurant.

Alam kong sarado ito kahit maaga pa dahil ganun ang ugali ni Appa.

Pagpark ko pa lang sa harap ng restaurant ay nakita ko na kaagad ang mga tauhan ng Jung na nasa labas at nakabantay.

Deretso na akong pumasok sa loob at lumapit sa kinauupuan ni Appa.

"Appa..." sambit ko.

"Maupo ka Darius.. Mahalaga ang sasabihin ko.." sambit nito.

"Makikinig po ako.." sagot ko at umayos ng upo sa harap niya.

"Nasa panganib kami ngayon.. May traydor sa ating pamilya.." panimula ni Appa.

Inabot niya ang isang envelop sa akin.

Napalunok naman ako nang makita ang laman niyon.

Papeles.. Ito ang mahahalagang papeles ng mga Jung..

"Appa. Bakit mo iniiwan sa akin ang mga ito?" tanong ko sa kanya.

Kasi sa pagkakaalam ko ay inihabilin lang ito bago pumanaw ang isang lider.

"Ingatan mo iyan Darius.. Nakasalalay dyan ang buong ankan ng Jung. Alam kong magiging maayos ka dahil protektado ka ng dalawang malalaking tao ng mafia.." sambit nito at saka tumayo na.

Naguguluhan man ako ay tumango pa din.

Sabay kaming lumabas ni Appa.

Nakaakbay pa siya sa akin.

Namimiss ko tuloy ang mga panahong kasama ko sila.

Inihatid ko si papa sa kotse niya..

Pero bago siya sumakay ay may inilagay siya sa palad ko.

Maliit lang ito..

Saka siya bumulong.

"Ingatan mo si Reen.. Nasa kanya ang kalahati niyan.." sambit niya at tuluyan ng umayos ng upo.

Napatango ako at isinara ang pintuan ng kotse.

Hindi ko matingnan ang hawak ko.

Tila mas mahalaga pa ito kesa sa papeles kanina.

Sumakay na ko sa aking kotse at umalis na din.

Ano kaya ang laman nito?

Tiningnan ko ang hawak ko..

Isang kwentas na may palawit na box.

Kung nandun kay Reen ang kalahati nito..

Ibig sabihin, kailangan ko din siyang protektahan..

++++++

A/N: Wala emo ako ngayon.. Di ako pinapansin ng isa riyan..

Behind That SmileWhere stories live. Discover now