Si Lila naman ay busy sa cellphone nya paniguradong si Xavier ang kausap n'ya nalaman ko kasing matagal ng nagkakamabutihan ang dalawa, ngingiti ngiti pa nga e.

Dito sa bahay matutulog tong dalawa gusto raw nila akong makasama.

"For now, undecided parin ako,"Malungkot kong sagot kaya pinatay nya ang blower at tinignan ako sa salamin.

"Sa SAU na lang,"

"Tutol si mama at kuya,"

"Aish Oo nga pala, this must be really hard for you,"mapait akong napangiti.

Tuwing iniisip ko lahat ng nangyari parang hindi parin mag-sink in sa utak ko, yung parang hindi ako hinahayaang sumaya, sa totoo lang makalipas ang dalawang taon hanggang sa ngayon ay pakiramdam ko pinepeke ko na lang ang mga ngiti ko.

Hindi ko alam kung kelan yung huling ngumiti ako ng totoo, sumaya ako ng totoo. Oo masaya ako ngayon pero hindi kagaya ng dati.

Pakiramdam ko may kulang araw araw, ang hirap ng ganoong pakiramdam. Acting everything's fine but cries at night, ayaw kong mag-alala ang mga tao sa paligid ko so I keep it all inside. Pakiramdam ko pa ang sama sama saakin ng Tadhana sya masaya na habang ako ito nasasaktan at malungkot parin.

"But i'm hoping na sa SAU mo tapusin ang pag-aaral mo,"

"Hmm, sa totoo lang ay pagkaalis namin ay plano kong sa SAU ako magtatapos,"Mukhang ang plano kong yon ay nanganganib na hindi mangyari. Ayaw ko namang suwayin si mama ang kaso ayaw ko rin namang sundin sya.

"I bet gusto mong makasama mga 'kapatid' mo?"Iba ang lungkot na ibinibigay saakin ng salitang kapatid.

"Lyra!"si Lila na nanlalaki ang mga matang tinignan si Lyra.

"What?"Nakataas kilay na sabi ni Lyra, Kimi ko silang nginitian matapos kong mag-angat ng tingin.

"Tss, nothing,"

"Okay fine, sorry,"







"Okay lang ano ba ka'yo, alam ko naman 'yon,"Kahit hindi. Ayaw kong maguilty sila ng dahil d'on dahil totoo naman, ako lang itong hindi matanggap. Wala namang tao ang umaaming hindi sila okay, pero deep inside masakit sobra. Suicidal.

Natahimik naman sila parehas kaya ang awkward ng atmosphere.

"Girls, busy ba kayo tom?"tanong ko para maputol ang awkwardness.

"Hindi naman/ me too,"

Napaisip ako. "Hmm, may gig ba ang Magical nine bukas?"

Gulat na nagkatinginan silang dalawa kaya mahina akong natawa sa reaksyon nila. "What's with that look?"

"Sure ka sa tanong mo kells?"Nagtatakang tinignan ko si Lyra na nasa state of shock parin.

"Oo naman, never ko pa kasi silang napanood sa gig nila e,"Malungkot kong sabi, tumahimik naman saglit.

"Wait I'll ask Xavier,"si Lila.







"Lils, sabi pala ni Xander wala pa raw next week pa, monthsarry nila Chri-" mabilis namang nagsalita si Lila tingin ko sinadya nya yon para putulin ang dapat sasabihin ni Lyra, parang natataranta pa.

"No! I mean postponed ang gig nila until next month busy kasi sila, Oo yun nga,"si Lila na pinanlalakihan ng tingin si Lyra na may kasamang ngiti, parang may sinasabi pa look.

"She have to know Lila! stop your lies and tell her the truth, yes next month pa ang gig nila same day sa monthsarry ni Xedrick and Christine, better to tell her the truth, anong purpose ng hindi pagsabi sa kanya ng totoo?"seryosong sabi ni Lyra.

Napayuko naman si Lila. "Ayaw ko lang syang malungkot,"

"It's better to tell her the truth Lila than to tell a lie just to make her don't hurt, kahit naman hindi mo sabihin ang totoo alam nating malungkot at nasasaktan parin s'ya,"

"I'm sorry,"parang naiiyak na sabi ni Lila na binalingan ako ng tingin. Nginitian ko naman sya mabilis tuloy syang naglihis ng tingin na parang naguguilty.

"Come on girls, two years na ang nakalipas ibaon na natin sa limot ang mga masasamang nangyari noon, masaya na si Xedrick? Then let him be, and Lila mas okay pa ngang nalalaman ko kasi napapanatag ang loob kong masaya na s'ya because I know he been through much at deserve nyang maging masaya,"I smiled sadly.

Pipilitin ko paring tanggapin hanggang kaya na ng sistema kong kapatid ko sya at masaya sya pero hindi ako ang dahilan, kahit masakit.







"Nga pala, This should help you kells cheer up a bit right?"may kinuha naman si Lyra sa bag nya, at nanlaki ang mata ko ng maglabas sya ng three tickets ng movie ng'Bird Box' waaah! gusto kong panuorin yan ng nakaraan pa kasama sila kaso nasa Canada ako.

Inabot nya saamin ni Lila yung dalawang tickets na mabilis naming kinuha. "Matagal ko ng kinikeep 'yan hehe, gusto ko kasi sabay sabay tayong manonood ng movie na 'yan,"

"Bukas na bukas panuorin natin 'to ah!"excited na sabi ko na tinanguhan nilang dalawa, mabuti na lang at wala akong gaanong gagawin bukas.

"Sure! Let's unwind narin, from now on we'll help you to move on, don't worry there are plenty more fish in the sea sis!"

"Ano ka ba Lyra, pass muna ako d'yan darating rin naman si Right guy sa ngayon study muna he he,"

"Oo nga naman Lyra,"si Lila na natatawa.

Napanguso naman si Lyra. "Hmp, fine,"

For now wala munang special someone, para walang heartbreaks dahil hindi pa ako nakakaget over even though dalawang taon na ang nakalipas.





And I'm slowly accepting the fact that he'll never be mine again.







***

A/N: Lame? Huhu I know, tagal pa mag-update babawi po ako hihi~ anyways do Vote and Comment, Thank you!~ :D

Still YoursWhere stories live. Discover now