Twenty

838 24 0
                                    

"Baby, tara lumabas?" Aya ko kay Precious nang bumalik ako sa kaniyang unit kinabukasan.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng kakainin naming dalawa. Lumingon siya sa akin.

"Paano si Kael?" Tanong niya. Si Kael ay tulog na tulog sa kuwarto. Palibhasa bata ay puro tulog ang ginagawa.

"Isama natin," sabi ko sa kaniya kaya tumango siya.

"Sige," maiksing sagot niya saka pinagpatuloy ang pagluluto.

Habang wala pa akong ginagawa ay dinampot ko ang walis tambo at dust pan na nakalagay sa sulok ng kusina. Inumpisahan ko ang pagwawalis sa sahig. Hindi naman gaano kaalikabok ang kaniyang bahay dahil naglinis si Alice bago siya umalis dito sa bahay ni Precious.

Nang matapos ay naghanda na si Precious ng makakain. Nag-umagahan kaming dalawa habang si Kael ay tulog pa.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko habang kumakain. Kumuha ako ng fried rice at steak saka isinubo iyon kay Precious. Nang makita kong may mantika sa gilid ng kaniyang labi ay tumayo ako't inilapit ang sarili sa kaniya, pinunasan ko 'yon gamit ang aking hintuturo. Nagitla siya ng pagkatapos kong punasan iyon ay hinalikan ko ang kaniyang labi.

"Kahit saan mo gusto," simpleng sagot niya saka tumayo para kumuha ng tubig. Tinapik ko ang kamay niya dahilan para sumama ang tingin niya sa akin.

"Ako na," sabi ko saka nagsalin ng malamig na tubig sa baso at ibinigay iyon sa kaniya.

"Salamat," tipid na sagot niya saka nagpatuloy kumain.

Nang matapos ang aming umagahan ay naulinigan kong medyo umiiyak na ang anak namin kaya tumigil ako sa pagkain.

"Si Kael," sabi ko sa kaniya. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo.

"Baka nagugutom na iyon," aniya saka naglakad na papalabas ng kusina. Bago siya tuluyang makalabas ay sumulyap muna siya sa akin. "Iwanan mo na iyan diyan, ako na magliligpit," dagdag pa niya saka tumalikod na't tinungo ang daan patungong kuwarto niya.

Siyam na buwan na si Kael ngunit nagt-take pa rin siya ng breastfeed. Kailangan niya iyon para sa kaniyang kalusugan. Habang kami ni Precious ay anim na buwan na mula ng magkitang muli't magkabalikan.

Hindi ko masyadong namalayan ang oras dahil lagi kong kasama si Precious. Tila nag-fast forward lahat ng bagay at ang patutunguhan ay kasal. This time, mas seryoso na ako. No more time for jokes. Gusto kong si Precious na ang maging asawa ko.

Iniligpit ko ang pinagkaina't-hinugasan iyon. Kaunti lang naman ang hugasin dahil kami lang namang dalawa ang kumain.

Habang nagpapahinga ako sa sala ay hinubad ko muna ang suot kong t-shirt dahil medyo nabasa dahil sa talsik ng tubig sa sink.

"Bakit nakahubad ka? Paano kung magkasakit ka?" Tanong ni Precious habang tulak-tulak ang stroller ni Kael. Hawak ni Kael ang kaniyang laruan at seryosong nilalaro iyon. Habang lumalaki ay mas nagiging klaro ang pagkakahawig naming dalawa. Halos lahat ng facial features ko ay nakuha ni Kael.

"Medyo nabasa e," sagot ko sa kaniya.

"Sa'yo muna si Kael," inilagay niya sa harap ko si Kael kaya tinignan ko ang anak ko. "Maliligo lang ako," sabi niya pa sa akin.

"Sige," sabi ko sa kaniya. "Dito na rin ako maliligo, may damit naman ako dito." Ibinaling ko kay Kael ang aking atensiyon at hinawakan siya sa kaniyang kamay.

"Sige," sang-ayon niya't umalis na't nagtungo sa banyo para maligo.

Nilalaro ko si Kael nang marinig kong tumili si Precious sa banyo dahilan para maalerto ako't mapatingin sa kaniyang direksiyon.

"Precious, bakit?!" Nag-aalalang sigaw ko saka nilingon si Kael. "May pupunatahan lang si Papa, ha?" sabi ko't hinalikan ang kaniyang kamay.

Tumakbo ako papalapit sa banyo at kinatok ang pintuan ng banyo. Nang buksan niya iyon ay tumakbo siya't yumakap sa akin habang umiiyak. Naka-tapis lamang siya ng tuwalya habang ang mukha ay nakasandal sa dibdib ko. Inilagay ko ang aking kanang kamay sa kaniyang likod at hinimas-himas iyon.

"Baby, bakit?" Sabi ko sa kaniya.

"May ano kasi," sagot niya habang nakaturo ang isang daliri sa loob ng banyo. Mababanaag ang takot sa kaniyang boses.

"What?" Sinilip ko sa loob. "What's wrong, baby? Tell me," dagdag ko pa.

"May ipis, dalawa sila," sabi niya dahilan para tumawa ako ng malakas. Napakapit pa ako sa aking tiyan habang tumatawa dahilan para tignan akong muli ni Precious ng isang napakapamilyar na ekspresyon—masamang tingin. "What?!" Singhal niya sa akin.

"Bakit?" Pinigilan ko ang tawa ko pero hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko ng malawak.

"Bakit ka tumatawa?" Inis na sabi niya sa akin.

"Oh? Akala ko kasi kung ano na." Tumalikod siya sa akin at humalukipkip pa. "Kung makatawag ka sa akin akala ko naman may namboboso sa'yo," dagdag ko pa't humarap siya sa akin at galit na tumingin sa mata ko. Napalunok pa ako ng bahagya dahil sa talas ng paningin na iyon.

"Kapag may namboboso, doon ka lang mag-aalala?" Inis na tanong niya't natahimik ako. "Doon ka kay Tracey at hindi takot sa ipis 'yong babaeng iyon!" Inis na singhal niya't pumasok sa banyo at pabagsak na isinara ang pinto.

Binalot ako ng matinding kaba dahil nagalit siya sa akin. I don't really mean to sound like that, akala ko lang kasi may namboboso sa kaniya or something pero wala pala. But damn, she's angry. 

"Baby!" Sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

"Don't talk to me!" Singhal niya sa akin. Narinig ko ang kaniyang mga "shoo" dahilan para maisipan kong pinapaalis niya ang mga ipis doon. Ilang beses kong narinig ang pagtataboy niya sa mga ipis bago ko narinig ang lagaslas ng tubig mula sa shower.

"Baby, sorry na," saad ko pa bago umalis na't nagtungo kay Kael na tahimik pa rin at nilalaro ang isang rattle sa stroller niya.

Lumipas pa ang mahigit kalahating oras ay lumabas na si Precious ng nakatapis ng tuwalya at may nakapulupot na tuwalya sa buhok.

Lumapit ako sa kaniya't hinawakan ang kaniyang braso.

"Baby, sorry na," sabi ko habang seryosong nakatingin sa kaniyang mata. "Hindi na mauulit," dagdag ko pa.

"Magbibihis na ako," malamig na wika niya't umastang maglalakad pero niyakap ko siya't hinalikan sa noo.

"Sorry, baby. Promise, I'll protect you even from those insects. Sorry na," saad ko pa't isiniksik ang sarili sa kaniyang leeg.

"Ikaw kasi eh," nakasimangot na sabi niya sa akin.

"Sorry na nga," sabi ko saka hinalikan ang kaniyang labi. Tumagal iyon ng halos limang segundo bago ako bumitaw at hawakan ang kaniyang pisngi. "Maliligo na ako," sabi ko't umalis na para maligo sa banyo.

Tumagal lamang ng halos dalawampung minuto ang pagligo ko bago lumabas ng nakatapis lang din ng tuwalya.

Mabuti na lamang at may mga tuwalya sa banyo ng unit niya kaya may magagamit ako kapag narito ako. Dumeretso ako sa guest room kung saan ako natutulog minsan, kumuha ako ng mga damit at nagbihis na.

Pagkatapos ay nakita ko si Precious na nakabihis na at hawak-hawak si Kael.

"Tara na?" Aya ko't hinapit ang kaniyang baywang papalapit sa akin.

"Sige," sagot niya saka kami naglakad palabas.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon