1

255 11 2
                                    


"Dad, why are you stressing yourself too much?" pinagbabalat ko sya ng mansanas ngayon habang sya ay nakahiga sa hospital bed. 3 days na syang nakaadmit dito at kahapon lamang ako nakauwi. 


Hindi umimik si Papa at sa halip ay tinitigan lamang ako habang nagbabalat ng mansanas.


"I missed you so much, my princess." Mula kahapon ay naririnig ko ito sa kanya but it still has the same effect. Parang tinutusok ang puso ko habang pinagmamasdan ko sya na nakahiga duon.


Ibang iba na si Papa kung ikukumpara ko yung itsura nya bago ako umalis, bago ko sya iniwan.


Naiinis ako sa sarili ko. It has been what... 4 years. And I haven't realized na he's getting old na yet iniwan ko sya dito mag-isa.


Naiinis ako dahil wala akong kaalam alam sa pinagdadaanan ni Papa at mga dalahin nya sa dibdib nya dahil busyng busy ako sa sarili ko.

   

Namatay si Mama pagkasilang sa akin kaya simula pa lang kami na talaga ni Papa ang magkasama yet iniwan ko sya. How selfish of me.


Pinilit kong ngumiti kay Dad at lumapit sa kanya para ibigay ang mansanas na binalatan ko. "How are you feeling, Dad?"


"Okay na ako, anak. Pero yung trabaho ko hindi magiging okay kapag nanatili pa ako dito ng mas matagal."


Sinimangutan ko sya habang sinisimulan nya nang kainin yung mansanas. "Naospital ka na't lahat, trabaho pa din? Papa naman." Umupo na ako sa tabi nya. 


"Ano pa bang iba kong pagkakaabalahan?" Ako naman ang hindi makasagot. 


Para akong nadurog dahil sa tanong na iyon.



Sino nga ba ang naiwan kay Dad kung ako mismo na nag-iisa nyang anak ay iniwan sya?


Niyakap ko bigla si Dad at kasunod na nuon ay ang hagulgol ko.



"I'm sorry... I'm so sorry, Dad..."


Hinagod nya ang likod ko habang parang bata, tulad nuon na palagi kong ginagawa, ang tumakbo sa kanya at humagulgol sa dibdib nya.


"Anak ko, kaunting panahon na lang ang naiiwan kay Daddy. Huwag ka na sana lumayo masyado sa akin." Lalo akong naiyak at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.


- - -

Nagising na lamang ako nang kalabitin ako ni Dad. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang yakap yakap sya. Sobrang namiss ko talaga ang presensya nya.


"Princess, iihi lang ako saglit. Alalayan mo lang ako tumayo." Agad naman ako bumangon at dahan dahan syang inalalayan na bumangon.


"Dad, dahan dahan lang sa pagtayo."


Maayos ko naman sya nadala sa cr.


Hinihintay ko na lamang sya matapos at lumabas ng cr pero nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto. Inaasahan ko na nurse nya na iyon kaya walang pag-aalinlangan akong pumunta sa pintuan para pagbuksan ito.


Bubuksan ko na sana ito pero naunahan ako nito.


At nagsisi ako na salubungin sya.


Sa harap ko...




Nakatayo at may hawak na prutas ang dati kong asawa.


Jeon Jungkook...




MINE ALONE • jjkजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें