Short Story

9 0 0
                                        

Hindi ko maipaliwanag ng tama, pero pagdating sa social media at kahit na anong online platform, ako yung tipo ng tao na gumagawa ng hiwalay na katauhan at private space na ipanangsasalamuha ko sa mga tao duon.

Hindi ko naman sinasabi na fake ako na tao... sa tingin ko. Pero hindi iyun yung point ko; sa akin lang naman eh ang mga bagay na nangyayari at ginagawa ko online ay mananatili na lamang sa online, walang halo halo ng sirkumstansya dito.

So ayun, ewan, bakit ba ako nakarating sa gantong sitwasyon.

Humihiwa ang lamig sa aking tuhod at braso habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalsada. Ang tanging maliwanag lang nung oras na mga iyon ay ang mga nagpapatay sindi na ilaw sa mga poste.

Hinahabol ko ang aking mga hininga, halos padyak ko nang pinapaikot ang sikaran ng bisikleta at tila ba doble ng lamig ang nadarama ko; ang simoy ng pasko at lamig mula sa pangangamba.

Magulo kong kinuha at madiin kong hinawakan mula sa bulsa ang aking cellphone.

Para bang may multo na dumaan, tumaas ang mga balahibo ko at nakadama ng lamig sa aking panga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Para bang may multo na dumaan, tumaas ang mga balahibo ko at nakadama ng lamig sa aking panga. Sinubukan ko igalaw ang daliri ko pero di ko na namalayan na may bato palang malaki na nakaharang sa kalsada.

Lumipad ako mula sa bisikleta, kasabay ang cellphone ko habang sabay kami humampas ng malakas sa semento. Gumasgas ang aking kanang braso at tuhod ng ilang beses bago nawalan ako nawalan ng momento. At lahat ng iyon ay sobrang sakit.

Pinilit kong tumayo at lumakad patungo dun sa cellphone kong nakataob. Manhid ang kanang bahagi ng katawan, lalo na yung letse kong braso, pilay na ata to.

Pagkaangat ko sa cellphone ko ay sabay na nadurog ang aking puso, gaya ng pagkadurog ng screen nito sa gitna. Agad kong diniinan ang power button at sa kabutihang palad ay umilaw parin ito at parang umaandar parin.

Tumingin ako sa bike ko na nakahiga at paikaika akong lumakad patungo dito. Kahit na masakit ang mga kasukasuhan ko ay tila ba na may kung ano sa akin na patuloy na nagbibigay lakas sa akin. Itinuloy ko ang pagsikad.

Habang nagbibike ay tiningnan ko ulit yung messenger sa kung ano na ba ang nangyayari.

 Habang nagbibike ay tiningnan ko ulit yung messenger sa kung ano na ba ang nangyayari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Red Flags ; Red Lace #makeitsafephStories to obsess over. Discover now