{Chapter 1- Guarded}

Start from the beginning
                                    

Bahagyang nawala ang ngisi ko sa kanya at sumeryoso. "Sabi ko naman sayo natividad, pumapatol ako sa mga taong bumabangga sa akin. Kung ano ang ginawa mo sakin, sinasauli ko sayo ng sobra. Hindi ako patas lumaban."- mahinahon kong sabi pero may diin ang mga bawat salitang binibigkas ko. Tinanggal ko na ang masama kong titig at gulat namang napatingin sakin si natividad.

Agad akong napatingin sa harap kung nasaan nakatayo parin si castillion at nagtataka. Napahinga siya ng malalim at tumingin siya kay natividad.

"Mr. Natividad go outside at tanggalin mo ang nakadikit sayo."- tinuro pa niya ng bahagya ang pinto. Agad namang sumunod ito at lumabas kahit labag sa loob ng ugok. "Ms. Santillan, go help him now."- malumanay niyang utos sakin. Tsk. Bakit naman ako? Leche!

"Sir, bakit ako--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw ng sobrang lakas.

"GOOOOOO NOOOOOOWW!!"-Halos magsilabasan ng mga ugat niya sa kanyang leeg. Tangna! Nakakarindi! Kelalakeng tao, mas masahol pa sa babaeng manganganak. Peste!

Aish! Ang tanda tanda na. Di na lang magretiro.

Wala na akong nagawa kundi tumayo. Kinuha ko pa ang bag ko at padabog na lumabas. Peste! Peste! Kainis!

"Good luck!"-pahabol pa ni thara na sigaw sa akin. Napa what the f*ck?! na lang ako. Sarap pakyuhan!

"Miss gonzales! Quiet!!"-suway ni castillion kay thara. Napapala mo gago! Ulul!

Agad ko ng sinundan si natividad. Paulit ulit naman akong nagmumura sa isipan ko. Bwisit! Bawat nalalampasan naming kwarto may nakakakita sa kanya at nagtatawanan sila. Dahan dahan kasi siyang naglalakad at hawak hawak niya ang upuan. Napapailing na lang ako sa ginawa ko.

Kasalanan niya rin yan! Hindi ko gagawin yan kapag hindi siya nauna. Eh binunggo niya ako nang malakas noon, hindi man lang nag sorry ang lintik bagkus ay tinawanan pa ako! Tsk. Tsk. Isa akong taong hindi marunong kumimkin nang sama nang loob kaya ginantihan ko siya.

Wala akong balak tulungan siya kaya agad akong pumakaliwa kung saan nandun ang hagdan pababa. Dumeretso pa kasi siya dahil nandun ang banyo. Dahil sa tinatamad na akong bumalik sa klase ni castillion naisipan ko na lang na umuwi sa bahay. Wala na akong pake sa susunod kong subject. Tangna! Nakaka bagot!

Nakakawala ng gana.

Agad na akong lumabas at naglakad papunta sa gate. Pero sa kamalas-malasan, nakabantay ang guard.

"Tangina!"- mura ko na lang sa aking sarili. Wala na akong choice kundi umakyat sa malaking bakod ng ainstelor. Pumunta ako sa pinakadulo malayo sa gate kung saan dun nakabantay ang guard. Marami ding nakahilerang puno dito kaya hindi ako masyadong kita.

Hay naku, napapa spider woman na naman ako neto.

Napailing na lang ako at nagsimula ng umakyat. Sanay na ako sa mga ganitong bagay, dahil madalas akong magcutting class at palagi kong kasama sina thara at sam, pero ngayon ako lang. Tsk. Nang makadating ako sa taas nagulat ako ng may pumito! Langya! Nakita pa ako ng guard!

Ang layo ko na nga, namataan pa ako!

*Priiiitttt!*

Umalingawngaw ang malakas na pito sa akin ng guardia. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay tumatakbo na siya sa gawi ko. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba kasi ako nakita ng peste na to?!

Dali dali na akong sumampa sa taas nito at tumalon pababa. Buti na lang at okay ang pagtalon ko. Mahirap na masugatan, maghinala sina jovan at tanda. Kabanas!

Agad na akong tumakbo sa parking lot kung nasaan nandun ang motor ko. Ito talaga ang gamit ko palagi, kaya hindi ako nagu-uniporme dahil palda yun. Tsk. Baka tangayin pa ang palda ko. Masilipan pa ako at saka isa pa ang pangit kayang magpalda! Nagmumukha lang akong shunga.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now