"Nag-ikot lang naman po sa dagat," kaswal na sagot ko.

Napansin ni Mama na may kasama ako at tinanong niya kung sino iyon. Sinagot ko sa kanya na bagong kakilala ko lang habang nag-iikot sa dagat.

"Indigo Antony Sandoval po, nakatira lang po sa may kabilang bahay," masayang pagpapakilala niya sa harap ng Mommy ko. "Igo na lang po for short," pahabol pa niya.

Biglang natawa si Mommy. "What a nice name, Igo. Pinangalangan ka rin pala sa kulay katulad ng anak ko,"sambit nito. "I want to meet your mom para naman may maka-chika ako dito," dagdag ni Mommy.

"Sige po, sabihin ko po kay Mama mamaya pagdating niya sa bahay," aniya.

Natuwa si Mommy sa pagpapakilala nito, kita sa mukha niya na nagagalak siya na may nakilala akong bagong tao sa bago naming nilipatan. "Nice to meet you, Hijo, baka gusto mong pumasok saglit," paanyaya ni mama kay Igo.

Napatingin ako nang masama kay Igo dahil ayokong pumasok siya sa amin at hindi ko rin siyang gustong makilala. Malay ko ba na baka may ginawa siyang masama sa akin.

"Sige po, wala naman pong kaso sa akin iyon," masayang tugon nito.  "Nakakatuwa kasi na may bago kaming kapitbahay at gusto ko po kayong makilala." pabibong sagot nito.

Napabuntong-hininga ako sa sobrang pagka-urat. Masyadong feeling close 'tong hayop na lalaking' to! Tinulungan mo lang ako, hindi kinaibigan. Wala na akong nagawa dahil gustong makakilala ng mga bagong kapitbahay dito sa bago naming tinitirahan.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay, nilibot ni Mommy si Igo at ipinakilala niya ito kina Papa at Kuya Kaz. Hindi ko rin inasahan na pinakilala niya rin ang sarili niya sa kanila.

Nagbigay ng kakaibang tingin si Kuya Kaz na hudyat na may pag-uusapan kami mamaya. Sinagot ko siya sa pamamagitan ng pagtatas ng panggitnang daliri ko at sinagot lang ako pabalik sa pamamagitan ng pagtaas-baba ng mga kilay nito.

Natuwa sila sa kay Igo at kinausap pa nila nito nang matagal.  Nagustuhan nila ang pagiging magalang at masayahin dahil nakangiti ito pag kinakausap siya. Tahimik lang ako dahil ayoko naman maging KJ sa kanila dahil baka masermunan ako ni Mommy mamaya; hindi niya kasi gusto na maging rude ako sa mga tao na nasa paligid ko. Ergo, hindi ko basta mapapalayas 'tong lokong 'to.

Pagkatapos nilang kausapin si Igo ay umuwi na rin siya dahil nag-text ang kanyang mga magulanh na nandoon na sa kanilang bahay.  Bigla akong hinila saglit papalabas ni Igo at may bigla siyang hiningi sa akin -- ang aking cellphone number.

"Ano ka, sineswerte? Bakit ko ibibigay?" pagtangging tanong ko sa kanya.

"Well, bagong kapitbahay niyo naman ako at wala kasi akong makausap sa bahay kaya gusto kitang makilala pa." kampanteng tugon niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at saka inabot sa akin para kunin ang number ko. "Sige ka, pag di mo binigay number mo, di ako aalis dito," pagbabanta niya habang inaabot niya pa rin ang cellphone niya.

Para matapos na ang usapan, kinuha ko ang phone niya at nilagay ang number ko. Pagkatapos kong ilagay ay iniabot ko rin ito pabalik para makauwi na siya.

"Thanks! Itetext kita mamaya, Mr. Red the Grumpy," pangangasar nito at sabay kindat.

"K." Maikling tugon ko.

Nang makaalis na siya, pumasok na ko sa loob at bigla nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko agad ito at nagtext na pala ang lokong 'yon.

Hi Enrico Rojo! Indigo Antony here. Save mo number ko ah? Have a wonderful night, pambungad na text niya na may pakindat na emoji.

Tumungo agad ako sa kwarto dahil wala akong ganang kumain at makipagusap kina Mommy at Papa ngayon.  Nang pagkapasok ko sa loob, bigla na lang bumungad sa kama si Kuya at tinignan ako nang masama.

"Hep hep! Sino 'yong lalaking kasama mo kanina?" pambungad na nangiinterogang tanong ni Kuya Kaz.

Humiga muna ko sa kama at sabay sinagot ko siya. "Ah.. Siya daw 'yong umalalay sa akin noong nahimatay daw ako sa dagat kaya dinala ako sa bahay nila," tugon ko.

Napa-tsk si Kuya. "Alam mo, mas okay siya kesa kay Kah," hindi hinihinging payo ni Kuya.

"Kuya, di ko naman type si Igo dahil ang yabang kaya niya!" dismayadong sagot ko kay Kuya.

"Sus! I don't see na mayabang siya. And if ever na magustuhan ka niyan, Kuya Kuya Kazeen Approve yan kesa kay Kah na iiwanan ka lang sa ere dahil lilipat ka lang ng bahay. Hindi niya kinagwapo niyan! Tignan mo nga kami ng girlfriend ko, hindi kami naghiwalay kahit lumipat tayo ng bahay, " mahabang litanya ni Kuya.

"Oo na! Pamukha mo pa sa akin na masaya love life mo, babatukan na talaga kita diyan!" banta ko kay Kuya na may halong pagkainis.

Patuloy lang kaming nag-asaran ni Kuya sa loob ng kwarto hanggang sa dumalaw na ang antok sa amin. Napapaisip pa rin ako kung kumusta na kaya si Kah ngayon kaya tinignan ko ang kanyang social media accounts. Napansin ko na parang ang saya-saya niya sa mga updates niya sa buhay at nagpost pa siya na ng picture magkahawak kamay at nakalagay sa caption na happy and contented. Sabi ko sa sarili ko, ganoon na lang ba kadaling palitan ang tao kapag lumayo na lang ang pagitan niyo sa isa't-isa ay iiwanan ka na lang maghahanap na lang ng iba na pwede niyang mahawakan at maghagkan araw-araw?

Tumulo ang mga luha sa 'king mata nang makita ang litratong iyon. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko habang pinagmamasdan siya na masaya na siya sa piling ng iba. Sinisisi ko ang sarili ko na dapat pinaglaban ko na manatili na lang ako malapit sa kanya para hindi ako masaktan nang ganito. Pero, wala na rin akong magagawa kung ito na rin ang kinahinatnan ng relasyon naming dalawa.

Nagnotify ang phone ko at biglang may nag-message. Nagmadali akong pumunta sa inbox at baka si Kah na iyon. Nagmadali agad ako at pagkakita ko ay ang makulit na si Igo lang pala.

Good night.Pambungad na mensahe nito na may buwan na emoji.

Agad ko itong tinugunan ang mensahe niya. Night, maikling malamig na tugon ko sa kanya na walang emoji.

Itinabi ko sa mesa ang cellphone at ipinikit ko ang aking mga mata para maibsan man lang ang sakit na naramdaman ko sa nakita ko.







Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now