Chapter 20

152 16 3
                                    



Unang araw ng taon, ginawa ko na ang dapat gawin. Nagsearch ako sa facebook ko sa laptop kung nasaan na yung kababata kong si Fredrick. Kamusta na kaya yun? Siya ang lagi kong kasama nung highschool sa Antipolo, hanggang sa magtapat siya nung 4th year highschool kami na inlove na daw siya sakin. Liligawan niya raw ako. Syempre, awkward. Di naman ako inlove sa kanya kaya ayun na-friendzoned ko siya.

Napakamot nalang ako sa ulo nang walang lumabas na result sa pagsearch ko ng pangalang Fredrick Angeles. Nag-open ako sa twitter at instagram, wala rin. Hanggang sa naisipan ko nalang na i-search ang ex-boyfriend ko na si Sam. Siya ang first boyfriend ko. Tumagal naman kami ng siyam na buwan nung time na first year college pa kami. Naghiwalay kami dahil ayoko ng long distance relationship. Nakatanggap kasi siya ng scholarship sa America kaya ayun, grinab niya ang oportunity dahil pangarap niya yun.

Siguro nga, di pa ako mature sa relationship. Ang gusto ko kase ay lagi ko siyang makakasama. At paano kung may matipuhan siyang babae doon?

"Ayoko na, break na tayo." sabi ko habang umiiyak over the phone. Nasa America siya ng time na yun.

"Ahh? Miley naman, wala ka bang tiwala sakin, ikaw lang ang mahal ko."

"I said, break na tayo. Hindi ko na kaya. Sorry.."

Napasinghap ako nang maalala ang pakikipaghiwalay ko sa kanya.

Mahal niya pa kaya ako hanggang ngayon?

May lumabas na result na Samuel Castillo sa pagsearch ko ng pangalan niya sa facebook.

Ahh..

Nakatira siya ngayon sa isang subdivision sa may Alabang. Malapit lang naman pala dito sa tinitirhan ko. Iniisip ko nalang kung paano ako magpapakita sa kanya.



**



Bumuntong-hininga ako para gumaan ang pakiramdam ko. Nandito na ako ngayong gabi sa gilid ng bahay ni Sam sa loob ng subdivision. Hindi ko alam kung lalabas ba ako ng kotse o hindi. Para na ako ditong stalker dahil nakaabang lang ako sa labas. Curious ako kung may girlfriend siya o wala. Nakita ko naman agad siyang lumabas ng bahay.

Inhale-exhale.

Pagkalabas ko ay siyang pag andar naman ng kotseng sinakyan nito. Muli akong bumalik sa kotse at pinaandar ito. Sinundan ko siya kung saan siya pupunta at di nagtagal ay tumigil siya sa isang bar.

Na naman. Parang ito na yata ang favorite place ko ah.

Dire-diretso lang siyang pumasok ng bar. Pumasok narin ako. Luminga-linga ako sa paligid kung nasaan siya. Nakita ko naman agad si Sam sa may bar stool. May problema ba ang lalakeng 'to? Bar agad ang pinuntahan. Lumagok agad siya ng beer na binigay sa kanya ng bartender. Tumikhim ako at dahan-dahang lumapit sakanya.

"S-sam, ikaw ba 'yan?" kunwari ko namang nakita siya.

Lumingon siya sakin at kumunot ang kanyang noo.

Gosh, lalo pala siyang gumwapo at mukhang nagbabad siya sa gym.

"Miley?" kunot-noo niyang tanong. So, nakikilala niya pa pala ako.

Ngumiti naman ako. Sinikap kong maging kalmado.

"Hmm k-kamusta?" nauutal kong tanong. Umupo ako sa tabi niya.

Nagkibit-balikat siya. "Heto, lalong pumopogi. E ikaw, how are you?"

"Ano uhm okay lang." tanging naisagot ko.

"Anong ginagawa mo dito sa bar?" tanong niya.

Napakamot naman ako sa aking batok, hindi alam ang irarason.

"Syempre, iinom." sagot ko nalang at nag order naman ako ng isang cocktail drink.

Ano bang sasabihin ko? Hihingi ba ako ng tawad sa kanya? Nakaka awkward.

"Sam, tungkol satin--" pinutol niya ako.

"Matagal na yun, I'm already moved-on." aniya sabay lagok ng alak.

Para akong nanlumo sa sinabi niya. Kasalanan ko naman eh. Di ako nagtiwala sa kanya, kaya heto ako.. nganga.

"Siguro naman ikaw din." aniya. Ngumiti ako ng mapait. Wala na yatang pag asang magkabalikan kami ulit. Hanggang sa may malakas na palad ang tumama sa kaliwang pisngi ko, muntikan pa akong matumba sa lakas ng sampal na yun.

Tangina!

Hawak ko ang pisngi kong nilingon ang sumampal sakin na ngayon ay inaawat ni Sam.

"Hayop kang babae ka! Malandi ka! Napakamaharot mo!" sigaw niya.

Kumunot naman ang noo ko.

What!?

"Shiela, wala kaming relasyon!" giit ni Sam.

"Magsama kayo ng kabit mo! Mga hayop kayo!" sigaw ulit ng babae at tinalikuran na kami palabas nitong bar.

Ano daw? Kabit?

Wala siyang karapatang paratangan ako ng ganyan. I'm not kabit. Gosh.

Nangilid ang mga luha ko sa mata. Hindi ko alam kung nasaktan ako sa sampal nung babae o sa sama ng pakiramdam. Kita ko ang mga taong nakatingin na sakin. Tumakbo ako palabas ng bar. May humigit naman sa braso ko.

"Miley, I'm sorry.."

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nangyayari.

"I'll explain to her na mali siya." aniya pa. Kinabig ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi ko naman alam na.. na may asawa ka na.." naiiyak kong sabi.

"I'm sorry--"

Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot yun. Patuloy parin ang pagbuhos ng mga luha ko. Hinampas ko nalang ang manibela nito dahil sa inis.

Arrgh!

Ano na naman ba 'tong pinasok ko? Napagkamalan akong kabit. Kahit kailan hindi ko naman pinangarap maging kerida. Malay ko bang may asawa na 'yung tao.

Letseng paghahanap ko ng true love.

Nang makarating na ako sa bahay, bumungad agad sakin si Hideo pagkalabas ko ng kotse.

"Umiyak ka ba?" may bahid ng pag alala ang tanong niya. Napansin niya siguro ang pamumugto ng mata ko.

Umiling nalang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ah ano kase, may nabalitaan akong may magnanakaw daw dito sa subdivision kaya nag aalala lang ako sayo." aniya.

"I'll make sure naman na sarado na ang pinto at bintana ng bahay kaya don't worry." sabi ko.

Tumango siya.

"Okay, ingat." aniya.

Tumango nalang ako at pumasok na ng gate.

***

To be continued...

Finding True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon