Chapter 9

155 20 2
                                    


Parang naiilang tuloy ako kay Hideo. Ano kayang magandang palusot?

"Sa book ko yun nabasa, masyado kase akong na-addict doon sa true love kiss."

Tumango naman siya. Pero bahid parin sa mukha niya na natatawa.

After naming kumain ng breakfast ay nag-Island hopping kami. Sumakay kami ng motor boat at pinuntahan ang mga karatig isla. Medyo mainit na pero napaka-fresh ng hangin. Tinanggal ko ang shades ko at natanaw ang isang isla na puting-puti talaga ang buhangin. Wow!

Tinungo namin yun, may mga turista din ang naliligo sa dagat. Panay naman ang selfie ko. After an hour, pumunta pa kami sa ibang isla gamit ang motor boat. Natanaw ko ang napakaraming mangroves at lumapit kami dito. May mga nadaanan pa kaming mga rock formations.

Nang tanghali na ay nagpasya na kaming bumalik sa resort.

Haay.. Nakakaenjoy. Parang nakalimutan ko lahat ng problema ko. Natulog muna ako at nagising ng hapon na. Lumabas ako ng hotel para pagmasdan ang sunset. Natanaw ko si Hideo na nakaupo sa baybayin. May katabi siyang babaeng naka-two piece.

Iniwasan ko nalang si Hideo sa kanyang landian moment, baka makaistorbo pa ako. Naglakad-lakad nalang ako at naisipang mag-selfie. Di ko namalayan na nakalayo na pala ako ng resort.

May natanaw naman akong matandang lalake. May hawak siyang tungkod at sa kabilang kamay naman ay mga porselas. Lumapit naman ako sa kanya.

"Magkano po ba 'yan?" tanong ko.

"Bente lang ineng." aniya.

Napansin ko naman na diretso lang ang tingin niya sa may dagat. Hinarap ko ang palad ko sakanya. Bulag pala siya.

"Bibili ka ba?" nakangiting tanong niya.

"ah opo, mga lima po." sagot ko.

"Pumili ka nalang." aniya.

Ang gaganda ng designs. Mga magagandang shell na maliliit.

"Ikaw po ba ang gumagawa nito?" tanong ko habang pumipili ng bibilhin.

"Katulong ko ang mga apo ko." aniya. Tumango ako at nakapili na ako ng lima. Inabot ko sa kanya ang 100 pesos.

"Ito po bayad ko, one hundred." nilagay ko ito sa palad niya.

"Salamat ineng." nakangiting sabi niya.

Di ko naman maiwasang maawa.

Kulay abo ang kanyang mata. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya nabulag, wag na nga lang.

"Kahit di kita nakikita, nararamdaman ko na mabuti ang kalooban mo." aniya. Napangiti nalang ako ng pilit.

"May nobyo ka na ba?" out of the blue niyang tanong. Nakakaloka naman si lolo.

"Wala po." sabi ko.

"Lagi mong tatandaan ineng, ang tunay na pag ibig ay kusang nararamdaman at hindi nakikita, pinipilit o nababayaran." aniya. Tumango nalang ako kahit di niya nakikita. Infairness, ang ganda niyang mag-advice.

"Miss Miley!"

Napalingon ako sa tumatawag sakin.

"Akala ko nawawala na kayo." alala niyang sinabi.

"I'm fine, bumili lang ako nito," sabi ko sabay pakita ng mga porselas.

"Ano tapos ka na bang makipaglandian doon sa babaeng nakatwo piece?" taas-kilay kong tanong. Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi ah." maang-maangan niyang sagot. Sus!

Umirap nalang ako sakanya. Nagpaalam na ako doon sa matanda. Habang naglalakad, pansin ko ang mga babaeng napapasulyap sa nakabuntot saking si Hideo.

"Hi pogi!" bati ng isang babae na nakabikini. Sinulyapan ko si Hideo na halata namang pasulyap-sulyap. Tss! playboy.

Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay nanood kami ng fire dance with matching bassdrum pa. Nagbubuga pa ng apoy ang isang lalake gamit ang isang torch at inihihipan ito paitaas, samantalang yung dalawang babae ay nagfa-fire dancing.

Nagulat ako at napaatras nang biglang lumapit sa gawi namin ang mga nagfa-fire dancing, kaya naman may nabangga ako sa likod ko at pareho kaming napatumba sa buhangin. Rinig kong nagsitawanan ang mga tao sa paligid.

Napatayo ako bigla nang si Hideo pala ang nadaganan ko. Nagkadikit talaga ang mga katawan namin. Gosh! Muntikan na kaming magkahalikan. Buti nalang nakaiwas ako sa marumi niyang bibig na siguro marami ng nahalikan na babae.

"Sorry." sabi ko. Tumayo narin siya at ngumiting aso. Tsk manyak.

"Okay lang, nasalo naman kita." aniya. Iniripan ko nalang siya.

Natapos na ang nag-exhibition. Namangha naman ako sa mga lumilipad paitaas na sky lantern. Bumili rin ako at ganun din si Hideo. Sabi nung pinagbilhan ko na magwish daw kami bago namin paliparin, so ayun nga, nagwish ako na sana mahanap ko na ang true love ko.

"Sana... kapag natupad niya ang kanyang pangarap ay nariyan parin ako." rinig kong hiling ni Hideo at pinalipad niya narin ang hawak na sky lantern.

Napatitig nalang ako sa mga sky lantern sa itaas. Nakakarelax panoorin. Parang nasa loob ka ng fairytale story.

"Muntikan na tayong magkahalikan." sabi ni Hideo habang paakyat kami ng hotel. Sinulyapan ko siya at di parin maalis ang ngiti niya.

"Buti nalang talaga." sabi ko. Yuck! Dahil kung nagdampi ang mga labi namin, magsisipilyo talaga ako ng ilang beses at uubusin ko yung mouthwash ko.

To be continued...

Finding True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon