☆ Typical Love Ending - 1 ♡

1.4K 40 5
                                    

Hello :) ! I'm baaaack hahaha. Welcome to the continuation of TLS :) ! In the first 2 chapters, it will be Clark's POV. Yung pang 3rd chapter ay kay Nicole na :) !

Oh and please remember na advance ang oras ng Philippines. 12hrs advance :)

Enjoy❤

~S xoxo

----------------

Understand | Chapter One

(After four years)

"Okay ! That's a wrap people ! " sigaw nung head ng staff sabay palakpak siya.

Agad akong lumayo kay Linn at nag punta sa make-up artist ko. Naka ilang shots din kami kaya ang sakit ng panga ko.

"May kasunod pa ba?" tanung nung handler ko sa photographer. Naka tingin ako sa kanila mula sa salamin habang pinupunasan ako ng artist ko. Umiling ang photographer kaya naka hinga ako ng maluwag.

Two years na akong nag momodel. More on clothing lines at perfumes ang inaalok sa akin. Inabangan nila ako after ko grumaduate. Hindi nga ako maka paniwala na naka graduate pa ako.

Pagkatapos ng pang yayari na iyon, hindi ko alam kung saan ako pinulot ni Kent, or should I say, Kuya.

Lahat ata ng bar sa Aguirre napuntahan ko na. Isang buwan ako halos nawala at nag lasing.

I just don't understand it, minsan kung sino pa itong mga kamag-anak natin, sila pa itong nananakit sa atin. I know he gave me a good life, pero siya rin ang bumawi nito. Sana bata pa lang ako, sinabi na nila ito sa akin kaagad. Para hindi na ako nag assume. Para hindi na ako nangarap.

Ngayon, doble ang sakit na ibinigay nila sa akin. I just found out na ang mga kinilala kong magulang ay hindi ko tunay at ang totoo kong mga magulang ay patay na. There's no chance for me to know them. Ni hindi ko matandaan kung nabuhat ba nila ako o nahawakan man lang.

I've been a rebel because I never felt the love that I wanted, until this girl came. Naging masaya kami. Minahal niya ako ng buong-buo. At ako namang si gagø, sinayang ang lahat. Pinaka walan ko siya dahil akala ko yun ang tama, yun pala, mas tama pa ang sumuway sa kanila.

"There's nothing you can do !" suway ni Brent sa akin habang nag iimpake ng bag. Pagka abot sa akin ng diploma ay agad akong umalis at dumiretso sa bahay. Hindi ako nag punta sa party.

Pinalano kong sumunod kay Nicole sa America. Hindi ko alam kung saan siya dun ngayon, pero handa akong mag hanap.

"Wag kang humarang dyan bro, baka iba ang mag patabi sayo." matigas kong sinabi sa kaniya. Pero wala siyang pakialam. Wala rin akong pakialam kaya sinuntok ko siya. Natumba siya sa kama ko at biglang pasok naman sila James.

"Tama na!" sigaw ni Jane at humarang sa aming dalawa.

"Clark please, itigil mo na ito. Wala ka nang magagawa." sabi ni Miles.

Wala na talaga akong magagawa, its been two years since she left. Since I pushed her away. Wala akong nakuha na balita sa kaniya. Kahit si Daniel at Kathryn ay tinatago siya. Si Ivan at Jessie ay walang ideya na nandun pala siya. Lahat na ginawa ko, pero ayaw niya na talaga mag pakita.

Maybe she's mad, how stupid Clark, of course she is mad. Ipagtabuyan mo ba naman siya pagkatapos ng lahat. Sino ba naman ang hindi magagalit?! Nasaktan ko siya, no, sinaktan ko siya. At wala na akong nagawa para ayusin yun.

She left me because I made her. I pushed her away even though she was pulling me towards her. Now, all I can do is remember everything while she's forgetting me.

Typical Love EndingWhere stories live. Discover now