*Kristine's POV*

Hi! Ako nga pala si Kristine Baylon. Isa akong Grade 9 student.

Friends? Madami ako nyan. Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Sobrang friendly kasi ako.

Looks? Hindi ko sinasabing sobrang ganda ko, pero may maipagmamalaki naman.

Talino? Dyan tayo medyo sumabit. Matalino naman ako, tamad lang.

Bait? Not really. Mabait ako sa mabait. Maldita ko sa maldita.

Lovelife? Meron... noon. Kaso, wala eh. Hindi nag-work-out.

Andito nga pala ko sa Canada. Kaka-migrate lang namin last year. Syempre, sa umpisa, mahirap. Pero, wala eh. Kailangan. Para din naman 'to sa future ko.

Anyway, andito ako sa bahay. Nagte-text lang. Bakasyon eh. Ka-text ko yung mga kaibigan ko sa Pinas. Hay, nakaka-miss din. Nakaka-miss kung gaano kami kasaya noon.

Nagre-reminisce lang ako hanggang sa may naalala ako.

[ Flashback ]

"Kristine!" - Kaibigan ko nga pala. Si Janice.

"Ano?" - ako yan.

"Si Ethan may gusto kay Asdfghjkl!" - hindi ko naintindihan yung dulo kasi tinakpan na ni Ethan yung bibig nya.

"Ang daldal mo, Janice!" - Si Ethan yan, pinsan ko.

"Ano ba yun? Mukhang may natitipuan ka na, pinsan ah?" -Sinamahan ko pa ng nakakalokong ngiti.

"Nako, oo! Alam mo sino?" -Tinanggal na pala ni Ethan kamay nya sa bibig ni Janice.

"Sino ba?" -tanong ko.

"Si Maurine!" -Singit ni Kylie. Kaibigan ko din

Biglang nawala yung ngiti ko. Si Maurine pala, kaibigan ko din.

"Oo nga, sya nga!" -Ang ingay talaga ni Janice.

"Manahimik nga kayo. Eh, ano naman kung gusto ko si Maurine?" -Sabi ni Kuya Ethan. Yes, kuya. Mas matanda sya ng ilang taon sa'kin eh.

"Eh, kuya, alam mo namang may gusto sayo si Erika, diba?" -Ako yan. Kaibigan din namin si Erika.

"Oo. Eh, pero kasi---" -Hindi nya natuloy yung sasabihin nya dahil umalis ako sa harap nya at naglakad palayo.

[ End of Flashback ]

Natawa ako ng mapakla nung maalala ko yun. Yun kasi yung simula ng conflict sa aming magkakaibigan.

Mas gusto ko kasi si Erika para sa kanya. May ugali kasi si Maurine na hindi ko gusto (na kahit sinong makakasalamuha nya, hindi magugustuhan yung ugali nyang yun.), Kaya nung gabing yun, nagtampo ako kay Kuya Ethan. Pero in the end, wala din akong nagawa. pinilit pa rin ni Kuya Ethan yung gusto nya at nakipag-landian kay Maurine. Kaya gumawa ako ng paraan para magkalayo sila.

Kasabwat ko si Kylie at si Ate Ysa. Kaibigan din namin si Ate Ysa na naiinis din kay Maurine. Mas matanda si Ate Ysa ng isang taon sakin. Pinigilan ako ni Janice sa gagawin ko, pero, hindi ako nagpatinag. Nakain na ko ng pride ko.

Ano nga ba ginawa ko?

[ Flashback ]

"Kuya Than! Pahiram naman ng phone. Tetext ko lang si Drake." -Ako yan. Boyfriend ko si Drake.

"Diba, may phone ka?" -Kuya Ethan.

"Sige na, kuya. Wala akong load eh." -Ako ulit yan with matching naiiritang facial expression. Duh, perks of being an actress. President ata 'to ng Drama Club.

One Shot Collections [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!