The Four Wives

448 8 2
                                    

Kathryn's POV

Andito ako ngayon sa walk-in closet ko. Naghahanap ng maisusuot. Pupuntahan ko kasi sila mama. Namimiss ko na kasi sila. Hindi nila alam na pupunta ako sa kanila.

Ako nga pala si Kathryn Bernardo-Padilla. 26 years old. Mabait, maganda, matalino, mayaman. Tsaka may asawa na din ako. Sino? Si Daniel Padilla. Actually, masakit man isipin, pero 4 kaming asawa nya. Ako yung unang asawa nya.

Mahal naman namin ang isa't isa noon ehh. Pero ngayon? Ako na lang ata ang nagmamahal sa kanya.

Sino pa yung tatlong asawa nya? Si Julia Baretto, Michelle Vito tsaka si Sofia Andres.

Anyway, nakahanap na ko ng isusuot ko.

Bumaba na ko para hanapin si DJ. Pero nalibot ko na ata ang buong bahay (except sa kwarto noong tatlo) pero di ko siya nakita. Kaya lalabas na sana ako ng bahay para sana tignan siya sa garden pero ...

"San ka pupunta? Bakit ka nakabihis?" Tanong ni DJ kaya lumingon ako sa likod at nakita ko siyang pababa ng hagdan.

"Ahh. Pupunta sana ako kila mama. Namimiss na daw kasi nila ako, tsaka namimiss ko na din sila. Magpapaalam sana ako sayo. Titignan ko sana sa garden baka nandun ka kaso, andyan ka pala." Mahabang sabi ko sa kanya. Well, I lied dun sa part na namimiss na nila ko. Kasi hindi nga nila alam na pupunta ako dun diba?

"Ohh, edi pumunta ka. Hawak ko ba paa mo?" Walang emosyong sabi nya sakin. 

Napangiti na lang ako. Yung ngiting mapakla. Sanay naman na kasi ako.

"Ahh, sige. Una na ko ha? Nga pala. Dun pala muna ako matutulog ng isang linggo. Pwede ba?"

"Okay." Wala pa ring emosyong sabi nya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Ganyan kasi ako. Kahit na anong pagtataboy nya sakin, ang sweet ko pa din sakanya. Ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao diba?

Lumabas na ko ng bahay at sumakay ng kotse. Saka nagmaneho papunta kila mama.

~

[Bahay nila mama] 

Pinark ko na yung kotse ko sa garahe tsaka pumasok sa loob.

Pagpasok ko, nakita ko si mama na nanunuod ng teleserye.

"Dad, palagay na lang yang mga binili mo sa kusina, please? Salamat." sabi ni mama ng hindi tumitingin sakin.

Napangiti na lang akong napapailing. Hay mama talaga.

Umupo ako sa tabi nya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. Sakto namang nag-commercial kaya napatingin siya sa akin na gulat na gulat.

One Shot Collections [KathNiel]Where stories live. Discover now