Chapter 10

7.8K 88 7
                                        

Chapter 10

Sa araw-araw na ginawa nang Diyos ay mas lalong nanghihina si Lolo at palagi nalang nakahiga dahil madali na syang mapagod. Isang araw ay kinailangan pang umuwi ni Mommy sa Pilipinas para lang asikasuhin ang ilang mga business doon at sandaling iwanan kami dito. Nag-hired nang ilang nurse para maalagaan si Lolo pero sadyang matigas ang ulo nya at kadalasang hindi sumusunod sa mga ito.

Thanks God dahil andito si Chris na kadalasang nagaalaga sa kanya. Lolo likes Chris so much at hindi ko alam kung maganda ba ‘yun oh, Hindi. I always feel theaten sa kahit na sinong lalapit sa at nagkakagusto sa kanya. That’s my weakness.

Nang sa wakas ay natanggap ang proposal na ginawa ko ay sobrang ikinatuwa ko ‘yun. Sinabi ko ‘yun kay Lolo at hindi ako makapaniwalang isang araw sa buhay ko nanaisin ko palang makita ang nakangisi nyang mukha nang dahil sa akin.

Nakuha namin ang pirma nang mga investors at ginanap ang contract signing sa isa sa mga hotel namin dito sa America. Pumunta si Lolo kahit na nakasakay nalang sya sa kanilang Wheel Chair. Chris is beautiful as always, Wearing those long black gown na binili ko para sa kanya. Nakataas ang kanyang buhok at kitang-kita ko ang kabuohan nang mukha nang nang walang buhok na sagabal.

Nasa kotse palang kami ay pansin na pansin ko na ang kanyang pamumutla. I don’t know if something went wrong. Hindi na din sya nagsasabi sa akin tungkol sa mga bagay-bagay. I admit. Magkasama kami sa iisang bubong pero pakiramdam ko talaga ay madalang nalang kaming magkita.

“Honeybee, Are you okay?” tanung ko sa kanya.

Tumungo-tungo sya at ngumisi sa akin nang pilit. “Yeah. I’m okay. Hindi lang ata maganda ang gising ko kanina” Sagot nya sa akin. Pinagmasdan ko lang sya mabuti, Panay ang hilig ko sa aking ulo nang mapansing hindi talaga sya okay.

Hinipo ko ang kanyang noo pero wala naman syang lagnat. Nang sabihin ko na iuuwi ko na sya ay tumanggi sya sa akin. She flashes a smile at sinabi nyang maayos na ang kanyang pakiramdam.

Nang makarating kami sa Hotel ay kinailangan ko syang iwan sandali, Pumunta ako sa mahabang table sa unahan kung saan nakaupo na ang dalawang investors na sina Mr. Phillip at ang asawa nyang si Mrs. Miller Robinson.

Nakangiti lang ako sa camera habang nagflaflash ito sa amin habang ako ay nakikipag kamay. Everything went well in the party and I saw Lolo is so happy. I am happy too. Nitong mga nagdaang panahon ay sobra-sobra ang kagustuhan kong ma-pleased sya sa performance na ginagawa ko sa kompanya. Sobra kong gustong makuha ang attensyon nya hindi sa paraang nakikita nya ang mga ginagawa kong mali kundi sa paraang alam kung nakikita nya ang mga nagagawa kong tama para sa kompanya.

“Thank you for investing in our company Mr and Mrs. Robinson.”

Tinapik ni Mr. Robinson ang aking balikat. “The pressure is ours, Mr. Fuentes.” Aniya habang winawagayway ang alak na hawak nya sa kaliwang kamay. Ngumiti ako. Ganun sa iilang bisitang kilala ko. Binalingan ko nang tingin si Chris nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso.

“Brian, Umuwi na tayo please. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.” She plead.

Suminghap ako at nakitang namumutla na naman sya. There is something wrong with her.

“Hindi pa ako pwede, Magpahatid ka nalang sa driver.” Sagot ko sa kanya.

Kinagat nya ang kanyang labi at binitawan ang braso ko. Hinawakan ko ang kamay nya at inilabas ang aking cellphone. Hatak-hatak ko sya nang hilain nya ang kamay ko pabalik.

In a Relationship with a DEVIL Book III - Fall into PlaceWhere stories live. Discover now