Hindi ko din alam kung bakit ko pinuntahan si Vi sa kanyang bahay doon ako dinala ng mga paa ko , tinatawag ko siya sa labas ng bahay niya pero mukhang umalis siya, bago ako umalis ay may narinig akong malakas na kalabog sa loob kaya dali-dali akong pumasok at nakita ko si Vi na nakahiga sa tapat ng pinto at may mataas siyang lagnat kaya inihiga ko siya sa kanyang kwarto at tumawag ng manggagamot, inalagaan ko siya pansamantala at binantayan hanggang sa magkamalay siya. Hindi ko din naiwasan titigan siya at kung titignan mo siyang mabuti ay maganda siya at mukhang hindi makabasag pinggan kapag tulog siya, kaso pag tulog nga lang,
"a.. ano ginagawa mo dito?!", sa pagdilat ng kanyang mg mata ay bigla siyang napasigaw at gulat na gulat ng nakita niya ako,
"binabantayan kita, nakarinig kasi ako ng malakas na kalabog kanina sa labas kaya pumasok agad ako at nakita kitang walang malay sa harap ng pinto mo kaya eto, nandito ako", "wag ka muna kikilos jan ah, ako na muna bahala sayo kasi may mataas ka pang lagnat", siguro kailangan ko din siyang tulungan kasi siya ang dahilan kung bakit ako nandito at higit sa lahat ay partner ko siya,
"kaya ko naman na mag isa eh", at tumayo siya pero napaupo din dahil hindi pa siya tuluyang gumagaling sa kanyang sakit,
"kita mo yan? Hindi mo pa nga kayang tumayo mag isa eh, wag ka ng makulit at magpahinga ka na lang jan", at pinagpahinga ko siya ulit sa kanyang higaan,
"hindi mo ko iiwan?",hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng aking puso nang sinabi niya iyon sakin,
"oo hindi kita iiwan, kaya magpahinga ka na, ok?", "alis muna ako saglit ah, bibili lang ako ng makakaen naten",
pero hinawakan niya ko sa braso, "akala ko ba hindi mo ko iiwan ha?", medyo naluluha siya na para bang isang bata na iiwan ng kanyang ama, si Vi ba talaga to? Parang ibang tao na to ah siguro dala lang yan ng sakit niya, "bibili lang ako sa labas, hindi ako magatatagal, kaya magpahinga ka na, ok?", umalis na ako at bumili para makabalik agad.
Sa aking pagdating ay natutulog si Vi kaya nagluto agad ako ng sopas, "Vi, kumain ka muna para kahit papano bumalik na lakas mo", sabay abot sa kanya ng sopas, "ano ba yan! Bakit ganto lasa nito? Hindi ba delikado tong pinapakain mo saken?", nagreklamo pa sa kakainin tong bata na to?, "arte mo naman buti nga pinagluto pa kita eh, kung ayaw mo ng niluto ko akin na tatapon ko na", pero ayaw niya ibigay sakin ang pagkain, "wag! Sayang naman yung pagkain, wala naman na ko magagawa dahil kailangan ko yan diba? Kaya uubusin ko to", inubos niya ang niluto ko at parang nasarapan pa siya sa luto ko, "oy bata! sa..sa..salamat u..lit sa tu..tulong mo ah", namumula siya sa kanyang sinabi, "ayos lang yun, normal lang naman yung ginawa ko eh", hindi ko alam ang gagawin kong ekspresyon kaya ngumiti na lang ako sa kanya at pinagpahinga ko na siya, "oy bata umuwi ka na, maayos naman na pakiramdam ko at hindi ako makapag pahinga ng maayos kung palaging may nakatingin sakin habang ako ay mahimbing na natutulog", hindi ko alam sa batang to kung bakit ganito siya, ako na nga tong nagmamalasakit sakanya siya pa tong nagsusungit, "nagaalala lang naman ako sayo, buti pa nga tinulungan kita eh, nainis ako sa kanyang sinabi at lalo akong nainis nung sinabi niyang, "hindi ko naman hiningi tulong mo diba? Ikaw ang nagkusa sa pagtulong mo", sabay irap sakin at inalayo ang tingin, "o, sige dahil ayos naman na pakiramdam mo mabuti pa ngang umalis na lang ako tutal yan naman gusto mo diba?!", umalis ako agad pag-kasabi ko sa kanya pero may binulong siya, hindi ko na pinansin ang kanyang binulong sa sobrang inis ko.
Makalipas ang ilang araw ay dumating na din ang araw na hinihintay ko, ano pa nga ba, edi ang araw na makakasama ko si Anya buong araw. Sinabi na din niya na wala siyang gagawin ngayong araw kaya sa sobrang pagka-excite ko ay maaga ako pumunta sa napagusapang lugar kung saan kami magkikita, "ginoong Kyon! Simulan na ba natin ang ating date?", pagkatapos niyang sabihin ang "date" ay sinimulan akong kabahan dahil wala akong karanasan sa date dahil unang beses ko itong gawin, "ginoong Kyon? May problema ba? Kanina ka pa kasi tulala at parang nakakita ka ng multo sa reaksyon mo eh", at tumuwa siya pero ang ganda pa din niya, "uhm, ano.. masgumanda ka kasi sa suot mo ngayon Anya, pasensya na", nakita kong bahagyang namula ang kanyang mga pisngi, at payo ni Vi sakin dati ay pagnakita ko na siya ay una ay dapat purihin ko agad ang kanyang suot pero sa pagkakataong ito ay bigla nalang itong lumabas sa aking mga labi, "salamat ginoong Kyon, tara na ba?", at inabot ang kanyang mga kamay sakin, "tara na Anya, ano ba gusto mong gawin ngayong araw?", pinilit kong itago ang kabang nararamdaman ko ngayon, "sa totoo lang ginoong Kyon, wala akong gustong gawin, kung saan ka masaya doon tayo pupunta", at ngumiti siya na para bang isa siyang anghel na nasa lupa sa sobrang ganda ng kanyang mga ngiti, kaya kinabahan ako lalo, "gusto mo bang manuod ng sine Anya?", naalala ko na maganda na plano ang manuod ng sine lalo na kung medyo romantic ang palabas, "sige ginoong Kyon, sabi ko nga kung saan ka masaya dun ako diba?", hindi ko alam kung bakit ganito si Anya pero parang ang sweet niya sakin ngayon, "Anya, alam mo pwede mo naman akong tawaging "Kyon" lang eh, kasi ang haba kung dadagdagan mo pa ng "ginoo" eh", pumayag naman siya agad at nag simula na kaming maglakad papunta sa sinihan, "Gusto mo ba munang kumain? Matagal pa naman magsisimula ang palabas", payo din ni Vi na kung matatagalan pa kami bago manuod ay mabuti na kumain muna dahil sa ganoong paraan ay makakapag usap kami para makilala namin ang isa't isa. Pumayag si Anya kumain muna ng tanghalian bago manuod, habang kumakain ay kailangan ko ng magsalita para hindi siya mabagot habang nagaanatay, "Anya, pwede ko bang malaman kung ano ka bago maging isang estudyante dito sa A.A.?", medyo nagulat siya dahil bigla akong nagsalita, "alam mo gi.. Kyon, wag ka magugulat ah, isa akong prinsesa sa kaharian ng Thyme, wag na wag mo ipagsasabi sa iba na isa akong prinsesa ah, tatlo lang kasi kayo nina Vi at Jacob na nakakaalam ng sikreto ko", nagulat ako nung sinabi niyang isa siyang prinsesa ng kaharian ng Thyme, ang kaharian ng Thyme ay isa sa pinakamayaman na bansa sa buong mundo, "halata ngang isa kang prinsesa pero hindi ko inakala na sa Thyme ka nanggaling, eh anong ginagawa ng isang prinsesang tulad mo dito?", kilala din ang kaharian ng Thyme na mayroong malakas na pwersang pandigma kaya hindi ko alam kung bakit siya nandito, "gusto ko kasi mapatunayan sa aking magulang na kaya ko mabuhay magisa na walang tulong na matatanggap mula sakanila", nakita ko sa mukha ni Anya na buo ang loob niya sa kanyang desisyon, "sige Anya, susuportahan ka naming mga kaibigan mo sayong desisyon kaya kung nahihirapan ka o kung kailangan mo ng tulong wag ka mahiya magsabi samin ah", alam kong nahihirapan din siya sa kanyang naging desisyon kaya mabuti na din yun, "tara na ba sa sinehan Kyon?", ayan na naman ang pamatay niyang ngiti na nagpapabilis ng tibok ng puso ko inabot niya ang kamay ko at pumunta kami sa sinehan ng naka-hawak siya sa kamay ko , unang beses itong nangyari sakin na may babaeng na naka-hawak sa kamay ko habang naglalakad at lalong lalo na at si Anya pa ang unang babaeng humawak sa mga kamay ko.
part 2
Start from the beginning
